Tuesday, September 16, 2008

5 blogs na nakakatawa

Ilang buwan na din ako sa blogsperyo. Kung san san blog na ako napadpad. Kung ano anu nabasa at nakita. Bawat blog may kanya kanyang tema, may mga sweet, may mga emo, may mga informative, may mga pictures at sympre may mga nakakatawang post. Madami dami din akong nabasa na nakakatawa at nakakaaliw basahin. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako nagkaideya na gawin itong pangalawang blog ko. Natuwa kasi ko sa mga sinusulat nila eh.



At yun nalaman ko na may nomination pala para sa mga humor blogs na ito. Sumali ako sa pa contest na ito ni Badoodles na syang may ari ng blog na ito: http://kwentongbarbero.com

At ngayon iisa isahin ko para ako ay makaboto bilang suporta sa kanila



1. GREENPINOY

Napadpad lang ako dito sa blog na ito dahil sa pagblog hop. At ng mabasa ko ang mga post ni GP ayun every open ko ng net binibisita ko na. Nakakatawa kasi. Pati yong mga pics na andun ang kukulit. Simpleng mga pictures at jokes na kahit mag isa ako ay natatawa ko. Kaaliw talaga. Every time na mag open ako ng net, isa ito sa mga binibisita ko lagi.

2. LOSER'S REALM

Kung babasahin mo ang mga sulat ni M parang seryoso pero pag dating sa huli, dun bumabanat na. Ang kukulit ng mga banat eh. Tipong mapapaisip ka tapos matatawa ka after. Entertaining talaga. Sa bawat pag bisita ko hindi ko maiwasan na humanga sa kanyang mga sinusulat, eh kasi iba ang kanyang talento. Straight to the point ang pagsusulat.

3. GASTI

Isa din sa mga binibisita ko ay ang blog ni Gasti. Okay din ang blog nya kasi lahat ng experiences nya ay dinadaan nya sa humor. Nakakaaliw basahin, tipong ma cucurious ka kung ano na nga ba ang susunod na mangyayari at ano ang mga sasabihin nya para nakakaaliw ang dating ng post nya. Kahit na may ibang malulungkot na post okay pa din kasi maganda ang kanyang pagkakasulat.

4. CHRONEICON

Bago pa lang ang blog kong ito ng mapunta ako sa blog ni Chie. Konti lang mga post nya pero aliw na aliw akong basahin. Hindi lang tawa ang gagawin mo pag binista mo ang blog nya. May mga post na mapapaisip ka dahil realidad talaga mga akda nya. Ang galing ng blog na ito, hindi ko mapigilan na humanga at abangan ang susunod na post. Magaling! Magaling! Magaling!

5. JON CABRON

Sa pagbisita ko sa mga blogs iba lagi kong nakikita ang link ni jon cabron. Ano nga ba meron dun at sikat sya? Pagbisita ko, narealize ko na isang nakakaaliw na blog din pala yun. Masaya din basahin ang mga post dito kasi minsan barubal talaga. Haahaha. Isa sa mga kahanga hanga talaga ang mga akda nya. Sa pagbabasa mo ng comment at reply sa bawat post hindi mo na mahahalata ang palipas ng oras dahil aliw na aliw ka sa pagbasa.


------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sinabi ko sa aking nakaraan na post na hindi muna ako magsusulat dito sa blog ko. Pero hindi ko maiwasan na hindi magpost dahil kailangan kong iboto ang mga blogs na ito. Mga blog na nagbibigay saya sa mga blogger na gaya ko. Mga blogs na nagbibigay inspirasyon sa pang araw araw na buhay. Matagal na akong may draft ng post na ito pero ngayon ko lang natapos. Kung pwede nga lang na sampu na blog ang ilagay ko kaso hanggang lima lang eh. Basta, masayang basahin ang mga blog na yan.

Kaya kung ikaw ay nalulungkot at walang makausap. Mag internet ka!!!! at wag nyo kalimutan basahin ang mga blogs na yan at bumoto na din habang may ilang araw pa na natitira para sa pagboto.

6 comments:

Mariano said...

Oy Shamy, salamat ng marami sa pagboto mo! hehe. Salamat! Babalatuhan mo na lang siguro ako ng 15k pag nanalo ka no? Korek! Hehe.

Oo nga pala, si boss Jon Cabron, hindi Carbon, ahaha.

Jon Cabron said...

ahhm, salamat!

gasti said...

natawa naman ako dun sa joncarbon..wala yata akong kilalang ganyan..hehe!

uy salamat sa pagboto ah. simula ngyon kakumpetensya na kita sa parapols..haha!

emoterang nurse said...

@mariano
cge balutuhan kita pag ako nanalo...hahaha

typo error M...pero inayos ko na...hehe

@jon cabron
walang anuman...pasensya na sa typo error sir...binago ko na po...


@gasti
hahaha...aliw na aliw lang ako sa mga sulat nya kahit na barubal... astig pa din...hahaha

pag ikaw nanalo...balato naman dyan...

chroneicon said...

shami shamie shamy

salamat. kailangan mo tlgang sabihin na konti lang posts ko hahahah

Jhamy whoops! said...

shammmmmmmmyyyyyyyyyyyyyyyy...

miss u!! kamustasa ka naman ha? mukhang busyng busy ka madam?? ingat lagee!! baka hindi ka bc sa oct 18.. kita kits naman tayu!! text mo si tentay patis!!

ingat!!!!!!