Wednesday, June 3, 2009

bulilit bulilit muling nagbabalik

balik eskwela na naman ang mga estudyante.Balik traffic na naman sa kalsada. Balik gastos sa mga magulang. Kaya eto ako, nagbabalik din sa aking tahanan. Parang ang tagal ng aking pagbabaksyon.. bilis talaga ng panahon oh.

parang kailan lang estudyante pa ako.grade school ako nauso sa school yung pagandahan ng pencil case. padamihan ba nga ng layer at padamihan ng mailalagay dun. Tapos uso din ang mga bag na may stroller. kahit na mabigat yun, sikat ka pag may ganun. Dumating din ang rubbershoes na kapag nagjumping jack eh iilaw ng color red ung sapatos mo. Parang dati ang liit ko pa samantalang ngayon... haaayyy maliit pa din naman ako...wahahaha

anyway, masarap talaga maging bata. konti lang responsibilidad at konting bagay lang masaya ka na. pero may isang commercial talaga na ilang buwan ng kinaaliwan ko at yun ay ang commercial ng Camella homes....hahaha


Sensya na friends sa sobrang tagal ko ng hindi naka pag post. ang corny na ng lumalabas sa utak ko....Sa susunod na lang ulet...nakakamiss kayo...

Thursday, January 8, 2009

by the looks

Bumalik na naman ang aking emotera side kahapon. Naglalakad ako sa Edsa Sentral na may pumasok sa isip ko. Kaya yan share ko na lang dito ang aking narealize kahapon.



By the looks? Bakit nga ba yan ang title. Ah kasi iba't ibang tao ang nakasalubong ko sa paglalakad. May cute, may guapo, may hindi kagandahan, may maganada, may feeling guapo, in short iba-iba. Kung dati, manlalait talaga ko physically at sobrang tinitingnan ko ang pisikal na katangian ng tao, ngayon hindi na ako ganun. Siguro dahil na din yun sa dami ng nakilala ko at sa paglipas ng panahon ay nag iba na din ang pananaw ko sa buhay.Dati, mga sobrang guapo talaga ang crush ko pero ngayon hindi na. I look in the inner beauty of a person. One time, may nanligaw sa akin. Guapo talaga, as in maputi, matangkad at proud ka talaga na ikaw ang gf nya. Pero hindi ko sya sinagot dahil sobrang yabang at medyo may pagka slow sya. OoooopS!!!! Hindi po sa nanalait ha. May point in making this post is hindi mahalaga ang panlabas na kaaanyuan ng tao para magustuhan mo sya. Para sa akin, I need someone na may sense, yung hindi lang katawan mo ang habol sa yo kundi ang buo mong pagkatao including your attitude.


Mas mahalaga sa kin na may sense kausap yung tao kaysa guapo sya. Kasi kahit na mapunta kami sa isang island o makulong sa isang lugar okay lang. Hindi ka ma- bored dahil alam mo na iyong kasama mo ay hindi lang mukha ang maipagmamalaki. iyong kahit na kayong dalawa lang eh masaya iyong pag-uusap nyo dahil may kasama din humor ang pag-uusap nyo. May mga nakilala akong may mga ganitong katangian. At napahanga talaga ko. Siguro epekto din ito ng pagbabasa ng isang kwento na binasa ko habang nasa work ako eto oh TWENTY QUESTIONS.

Thursday, December 25, 2008

miss ko na 'to

malamig ang simoy na hangin sa bawat umaga na uuwi ako sa amin. sarap ng pakiramdam. feeling ko eh sa Baguio ako naglalakad. Ganito talaga ang hangin pag december. Ang bilis ng araw. Kahapon lang ay araw ng pasko. parang ang tagal hinintay at pinaghandaan ng mga tao ngunit ngayon ay tapos na. kumpleto ang pamilya namin ngayon. Isang bagay na nagpasaya sa akin. kahit na hindi sila ang kasama ko ng noche buena dahil may trabaho ako, ayos lang. Ang importante kasama ko sila ngayong holiday. Nakakamiss pala ang ganito. Isa din sa na miss ko ay ang magsulat sa blog ko. Hay, ang hilig ko pagsusulat, pagbibigay ng opinyon at pagkwekwento ay naisasantabi ko dahil mas inuuna ko ay ang makasama ang aking kama at matulog buong mgahapon. Ilan pagkikita din ang na miss ko at hindi ko napuntahan. Hindi ako nakapunta sa pagpunta ng mga greenies sa bahay nila M. malapit lang yun sa min kaso hindi ako nakapunta dahil sa trabaho. isa pa ay ang pajama christmas party with my high school friends.

tagal kong nawala sa sirkulasyon... nakakamiss... hindi ko na nababasa ang mga paborito kong blogs..

sa lahat ng mga patuloy na dumadaan at nagaantay ng mga isusulat ko... pasensya na talaga... kahit nga lovelife ko eh hindi ko na din mabigyan ng oras... umiikot sa trabaho at tulog ang buhay ko ngayon...

sa inyong lahat,


M A L I G A Y A N G P A S K O !!!!!

miss ko na kayo...


mula sa puso ni EMOTERA

Sunday, November 9, 2008

dumadaan

Tagal ko na palang hindi nagpopost sa blog ko. Grabeh, napakatagal na hiatus ang ginawa ko. Sa tingin ko nga nakalimutan na ng lahat na may emoterang nurse pala sa blogsperyo eh. Pero ano magagawa ko. Kailangan ko kasing solusyon ang mga problema ng mga onaks na yan. Hay, mga simpleng tanong lang kailangan pa nilang itawag. Ayan ang pinagkakabalahan ko ngayon. Ang sumagot ng tawag at solusyonan ang mga problema ng ibang tao. Sa totoo lang, bago ko takahin ang panibagong mundong ginagalawan ko, matinding pagiisip ang ginawako. Buti na lang hindi ako nasiraan ng ulo sa pagiisip na yun.

Alam ko miss na ko ng mga tao dyan. kaya eto nag update ako para naman hindi na amagin itong blog na ito. pero ang blog hop, hindi ko alam kung magagawa ko yun ngayon. Dumaan lang ako para sabihin na "hoy, buhay pa ako!!!". At hindi na ako 21, 22 na ko. hahaha.

Ano pa ba masasabi ko? wala na akong maisip na sabihin. ayun! miss ko na ang blogsperyo. Miss ko na ang mga taong dumadaan dito sa aking bahay. Miss ko na magbasa ng mga humor post ng mga nasa blogroll ko. At kung binura mo ko sa blog roll mo. Ok lang, wala ako magagawa choice mo yan eh. Saka na ulet ako babalik. Sandali lang oras ko ngayon eh. Hehehe

Tuesday, September 16, 2008

5 blogs na nakakatawa

Ilang buwan na din ako sa blogsperyo. Kung san san blog na ako napadpad. Kung ano anu nabasa at nakita. Bawat blog may kanya kanyang tema, may mga sweet, may mga emo, may mga informative, may mga pictures at sympre may mga nakakatawang post. Madami dami din akong nabasa na nakakatawa at nakakaaliw basahin. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako nagkaideya na gawin itong pangalawang blog ko. Natuwa kasi ko sa mga sinusulat nila eh.



At yun nalaman ko na may nomination pala para sa mga humor blogs na ito. Sumali ako sa pa contest na ito ni Badoodles na syang may ari ng blog na ito: http://kwentongbarbero.com

At ngayon iisa isahin ko para ako ay makaboto bilang suporta sa kanila



1. GREENPINOY

Napadpad lang ako dito sa blog na ito dahil sa pagblog hop. At ng mabasa ko ang mga post ni GP ayun every open ko ng net binibisita ko na. Nakakatawa kasi. Pati yong mga pics na andun ang kukulit. Simpleng mga pictures at jokes na kahit mag isa ako ay natatawa ko. Kaaliw talaga. Every time na mag open ako ng net, isa ito sa mga binibisita ko lagi.

2. LOSER'S REALM

Kung babasahin mo ang mga sulat ni M parang seryoso pero pag dating sa huli, dun bumabanat na. Ang kukulit ng mga banat eh. Tipong mapapaisip ka tapos matatawa ka after. Entertaining talaga. Sa bawat pag bisita ko hindi ko maiwasan na humanga sa kanyang mga sinusulat, eh kasi iba ang kanyang talento. Straight to the point ang pagsusulat.

3. GASTI

Isa din sa mga binibisita ko ay ang blog ni Gasti. Okay din ang blog nya kasi lahat ng experiences nya ay dinadaan nya sa humor. Nakakaaliw basahin, tipong ma cucurious ka kung ano na nga ba ang susunod na mangyayari at ano ang mga sasabihin nya para nakakaaliw ang dating ng post nya. Kahit na may ibang malulungkot na post okay pa din kasi maganda ang kanyang pagkakasulat.

4. CHRONEICON

Bago pa lang ang blog kong ito ng mapunta ako sa blog ni Chie. Konti lang mga post nya pero aliw na aliw akong basahin. Hindi lang tawa ang gagawin mo pag binista mo ang blog nya. May mga post na mapapaisip ka dahil realidad talaga mga akda nya. Ang galing ng blog na ito, hindi ko mapigilan na humanga at abangan ang susunod na post. Magaling! Magaling! Magaling!

5. JON CABRON

Sa pagbisita ko sa mga blogs iba lagi kong nakikita ang link ni jon cabron. Ano nga ba meron dun at sikat sya? Pagbisita ko, narealize ko na isang nakakaaliw na blog din pala yun. Masaya din basahin ang mga post dito kasi minsan barubal talaga. Haahaha. Isa sa mga kahanga hanga talaga ang mga akda nya. Sa pagbabasa mo ng comment at reply sa bawat post hindi mo na mahahalata ang palipas ng oras dahil aliw na aliw ka sa pagbasa.


------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sinabi ko sa aking nakaraan na post na hindi muna ako magsusulat dito sa blog ko. Pero hindi ko maiwasan na hindi magpost dahil kailangan kong iboto ang mga blogs na ito. Mga blog na nagbibigay saya sa mga blogger na gaya ko. Mga blogs na nagbibigay inspirasyon sa pang araw araw na buhay. Matagal na akong may draft ng post na ito pero ngayon ko lang natapos. Kung pwede nga lang na sampu na blog ang ilagay ko kaso hanggang lima lang eh. Basta, masayang basahin ang mga blog na yan.

Kaya kung ikaw ay nalulungkot at walang makausap. Mag internet ka!!!! at wag nyo kalimutan basahin ang mga blogs na yan at bumoto na din habang may ilang araw pa na natitira para sa pagboto.

Thursday, August 28, 2008

FAILURE

Nagtataka na siguro kayo kung bakit ang tagal ko magpost. Medyo madami kasi ko kailangan gawin sa buhay ko. Hindi yun plurk, dahil minsan na lng din ako nagpupunta dun. hindi ako nakakasagot sa mga message nyo sa cbox at hindi na din ako nagagawi sa mga blog nyo dahil kailangan kong isaayos ang buhay ko. Kailangan kong bigyan direkston ang existence ko sa mundo.

Failure!!! Nasaktan ako ng marinig ito mula sa isang tao. Sa totoo lang wala akong pakialam kung failure ang tingin ng ibang tao sa kin. Paki alam ko ba sa kanila. Buhay ko ito at wala silang karapatan na pangunahan ang buhay ko. Kaso, galing ito sa isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay. OUCHH!! ang sakit naman. Hindi ko inaasahan na maririnig ko mula sa kanya ang mga salitang yan. Isa sya mga taong pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob pero sa kanya ko pa narinig. Isa sa sya sa mga taong nagbibigay pag asa sa akin at nagiging dahilan ko para lumaban. Kung iba pa sana nagsabi sa kin nyan siguro matatanggap ko pa eh. Siguro magkikibit balikat lang ako o kaya deadma lang. Kaso hindi eh.

Sa totoo lng, sa sarili ko, hindi failure ang tingin ko sa buhay ko. Oo na, tambay ako ngayon pero sapat ba yun para sabihin na failure ako??? Siguro okay lang sa kin na sabihan nyan kung addict ako, kung sampu na anak sa iba't ibang lalaki, kung bumagsak ako sa isa sa mga subject ko nung college o kaya naman eh nag pakulay ng pink sa buhok sa kili kili kaso hindi eh. Hindi naman napariwara ang buhay ko. May mga na achieve na naman ako sa buhay ko kahit papano, mga bagay na pinaghirapan ko din makuha. Nagtapos ako sa kolehiyo, nalamapasan ang lahat ng mga subjects, pinasa ang board exam at nagtrabaho sa ospital ng ilang buwan. Hindi ko naman sa pinagyayabang ko yan. Gusto ko lang iparating na nag-effort din naman ako para may mangyari sa buhay ko.

Kaya ngayong eto ako, kailangan kong iwasan ang mga bagay na nakasanayan. Medyo iiwan ko muna ang blogsperyo ngunit ako'y magbabalik pag naayos ko na ang lahat. Dadalaw din ako sa mga blog nyo sa susunod. Pero ngayon, busy mode muna. Magtratrabaho muna ako kung san san para patunayan ang aking worth.

FAILURE!!!Hindi ko muna magagawa ang pangako ko sa sarili ko na mag update ng blog... Ngayon, kailangan ko munang puntahan ang training ko.

Saturday, August 9, 2008

R.PAPA

Ang tagal ko na palang hindi nagpopost ng entry dito at alam kong namiss na ko ng mga nasa blog roll ko kaya, (wag ng kumontra..haha) eto ako at nagbabalik para magpost. Sa totoo lang wala nman akong kwento. Nawala kasi bigla ang blogging mode ko dahil sa plurk. Kung ano ang plurk, click nyo yan. Ewan ko ba mas nagagawi na ako dun kaysa sa blog ko. Pero sympre, ang blogging ay isang bisyo ko na kay hirap talikuran, parang nakaraan na kay sarap balik balikan at
parang first love na ang sarap halikan.

Anyways,nitong mga nakaraang linggo,Halos araw araw eh nanood na ako evening news dahil na din yan sa gulo sa Mindanao at sa patuloy na issue ng Meralco na yan.Kahit na nagiinit ang ulo ko sa pagpanood, at tumataas ang blod pressure ko nagtyatyaga pa din ako saksihan ang mga kalokohan ng gobyerno. Isa sa mga news na napanood ko ay ang ginawa ng MMDA sa street vendors s R.Papa sa Manila. Alam kong mali din ang ginagawa ng mga street vendors. Mali talaga na magtinda sila sa lugar na iyon pero mas mabuti na siguro na makita silang nagtitinda dun ng mga pagkain kaysa naman ang mandukot, mang hold-up o magnakaw. At sabi nga nila sa interview, hindi ganun kadali ang makakuha ng puhunan para dun. Nakakalungkot lang isipin na ganun ang naging eksena dun.

Naalala ko pa nung mga college days ko ay naging laman na din ako ng street na yun at kumain ng sari saring pagkain na pwedeng mabili dun. Nung una ayaw ko din talaga kumain dun kaso dumating ang mga pagkakataon na kailangan kong mabusog kahit na nagtitipid ako. Jologs na kung jologs pero lahat naman siguro ng tao ay may pagka jologs na taglay. Inaamin ko, masarap din naman ang mga pagkain dun, Fish ball, banana-Q, calamares, mais at kung anu- ano pa. Sa awa ng Diyos eh hindi pa naman ako nagkaroon ng Hepa o Typhoid ng dahil sa mga pagkain dun. Kaya talagang hindi ko makakalimutan ang street na yun.Parte na siguro ng buhay bilang isang estudyante mula sa Unibersidad ng Malayong Silanganan ang magawi sa street na ito. Pero ng dahil sa mga taga-MMDA wala na ang araw-araw ng piyesta ng street food sa R. Papa. Isa nga ito sa mga lugar na namimiss ko sa Maynila eh. Sayang nga lang, hindi na ito gaya ng dati. Hindi na mararanasan ng mga college students ang magandang experience sa pagkain dun. Siguro ngayon, puro mga kotse na naka park na lang ang nasa kalsada at wala na ang mga food cart na pinanggagalingan ng mga pagkain na pantawid gutom sa murang halaga. Asan na kaya ang mga vendors dun? Anu na kaya racket nila ngayon?

Sunday, July 27, 2008

wala akong panukli

hindi ako clown para mapasaya ka...
hindi ako tindera para suklian kita...
nasaktan kita, pasensya na, patawad...
ayoko lang suklian ka ng pag ibig na huwad...

Monday, July 21, 2008

ang babaw ko talaga

ilang araw ko na din pinipigilan ang sarili ko na mag log in dito sa blogger at pati na sa ibang site pero, pagnababasa ko ang email ko at my new update binibisita ko pa din... hindi maiwasan parang bisyo na ito na ang hirap tanggalin at kalimutan...sabi ko sa sarili ko hiatus muna pero eto pa din ako post pa din ng panibagong entry...

pati ang pag load sa cellphone ko pinpigilan ko na din dahil sabi ko sarili ko kailngan ko muna unahin ang mga dapat kong unahin pero bakit sa isang text lang na
"shamaine, musta na?" nagloload ako ng wala sa oras... mababaw akong tao at pag ang text sa kin ang isang tao na may kasamang pangalan ko, nagrereply agad ako...alam ko kasing hindi un GM or forwarded lang kasi nag abala ung sender na tumipa sa keypad nya at ilagay ang pangalan ko...it mins nagaksya ng oras ung taong yun para sa kin...para sa kin mahalaga ang oras na sinayang ng isang tao para lamang kumustahin ako...samantalang kahapon lang naman eh magkasama kayo o kaya naman ay kanina lang eh naguusap kayo sa IM...

mababaw nga siguro ako pero natutuwa ako pag binista mo ang aking blog kahit na minsan walang kwenta ang post ko....o kaya naman ay nagaksaya k ng oras para i-view ang profiles ko sa friendster...sa mga ganyang pagkakataon, naiisip ko madami pa naman pala taong nagpapahalaga sa mga nangyayari sa kin bukod sa aking pamilya...minsan kasi mas pinipili kong hindi mangamusta sa ibang tao, hindi dahil sa wala akong pakialam sa kanila kundi dahil ayoko na ako naman ang tanungin nila ng "ikaw kumusta??"...hindi ko kasi alam ang isasagot ko dyan...okay naman ako kaso parang sa mga nakalipas na buwan walang kwenta ang mga nagagawa ko at paulit ulit lang...parang walang improvement sa buhay ko....yun at yun din ang sasabihin ko..."okay naman" wala man lang pagbabago...

pootek, eto na naman ako puro kadramahan...emoterang emotera ang dating...hay buhay nga naman o...isa lang naman ang gusto kong sabihin sa inyo...

touch ako sa tuwing makikita ko na isa ka sa mga bumisita sa blog ko...touch din ako pag naiisipan mo kong itext at kamustahin...touch ako pag nag leave ka ng comment sa blog ko...pag niyaya mo ko sa bonding at kita kita ng mga friends...pag nag nagmessage ka sa c-box ko...pag nag view ka sa friendster at multiply site ko, kahit view lang masaya na ko dun...

hindi lang isang tao ang tinutukoy ko dyan...para sa inyong lahat yan na nagpapahalaga sa kin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng oras mo sa pag-alala na may nageexist na kagaya ko... :)

Sunday, July 13, 2008

kaibigan,friendship, basta yun

Posible ba na ang isang babae at isang lalaki ay maging mag kaibigan lamang sa mahabang panahon. Iyong tipong forever friends, na kahit minsan ay hindi pinagnasahan nung isa iyong isa?

Possible naman ito, ilang lalaki din naman ang naka close ko at naging tunay ko talagang mga kaibigan. Katunyan nga ang aking bestfriend ay lalaki. Pero hindi ko naman siya pinagnasahan. Ay naku, alam ko mga lihim nya ata alam nya ang mga lihim ko kaya paanong magnanasa ako sa lalaking iyon. kahit na nga matulog kaming magkatabi wala, as in walang mangyayari...

May mga pagkakataon na akala natin love mo na yung tao kasi concern ka sa knya yun pala hindi love nga yun, love para sa isang kaibigan. Kaya ka concern sa kanya dahil nga you like that person as a friend...Oo, nangyari na ito sa kin, kala ko talaga love ko sya yun pla hindi...kaya ngayon mas pinili namin ang maging friends after ng 10 months namin na pagiging mag jowa...Mas okay nga yun kasi hanggang ngayon friends kami at magdadalawang taon na kaming friends after our break up...Maganda na din db kasi mas nagtagal kami sa ganun... Mas naging okay ang relationship namin as friends...

Teka, pero minsan may mga pagkakataon na more than friends na ang tingin mo sa kaibigan mo, as in kaya ka nag eeffort ay dahil mahal mo sya. Sya ang pangarap mong maging karelasyon. Sya ung kasama sa mga daydreaming mo. At ang fave song na nasa mp3 mo ay para sa kanya. Kinikilig ka pa pag nagkakasama kayo kahit andun ang buong tropa na walang kaalam alam sa iyong nararamdaman. Minsan naman kasi sweet sa yo si friend kaya feeling mo na din ay baka more than friends na din ang tingin nya syo. Baka mutual pala ang nararamdaman nyo at takot lang sya kasi nga friends kayo...

Sabi nga nila mas magandang pundasyon sa mga mag jowa ay nagsimula kayo as friends at least daw kilala nyo na isa't isa. Lam mo na kung ano ung mga tantrums nya at mga weaknesses nya...Pero bakit minsan ang friendship ang nagiging borderline, ang dahilan kung bakit hindi pwede pa ituloy ang relasyon nyo sa mas higher level. Pag kasi friends bawal mong taluhin. Baka masira lang ang nasimulan na friendship at magkailangan na kayo...

Ikaw??Handa ka ba na mag risk, i-risk ang friendship para malaman nya na mahal mo sya?? O mas mabuti na yung friends na lang kayo at least yun mas magtatagal kayO?? Mas okay na ba syo ang pagnasahan sya ng lihim o sasabihin mo na sa kanya ang iyong nararamdaman at bahala na si batman?? Bahala na kayo!!! Basta ang alam ko hindi ko ito kwento...para ito sa mga friends ko na nasa ganitong sitwasyon...


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

dahil sa feedjit nalaman ko na lumalabas pala ang aking site pag nagsearch ka ng tungkol sa:
  • saan ako makakakita ng babaeng nanganganak
  • kwentong barilan
  • kwentong kalibugan ng mga babae

leche, wholesome p0 akong tao at nakakagulat na isa sa mga lumlabas sa yahoo at google search ang link ko...nakakatawa...hahahahaha...hindi ko alam bakit ganyan...pero okay lang sana may mapulot sila sa blog kong ito...hahaha

----------------------------------------------------------------------------------------------------------