Nagtataka na siguro kayo kung bakit ang tagal ko magpost. Medyo madami kasi ko kailangan gawin sa buhay ko. Hindi yun plurk, dahil minsan na lng din ako nagpupunta dun. hindi ako nakakasagot sa mga message nyo sa cbox at hindi na din ako nagagawi sa mga blog nyo dahil kailangan kong isaayos ang buhay ko. Kailangan kong bigyan direkston ang existence ko sa mundo.
Failure!!! Nasaktan ako ng marinig ito mula sa isang tao. Sa totoo lang wala akong pakialam kung failure ang tingin ng ibang tao sa kin. Paki alam ko ba sa kanila. Buhay ko ito at wala silang karapatan na pangunahan ang buhay ko. Kaso, galing ito sa isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay. OUCHH!! ang sakit naman. Hindi ko inaasahan na maririnig ko mula sa kanya ang mga salitang yan. Isa sya mga taong pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob pero sa kanya ko pa narinig. Isa sa sya sa mga taong nagbibigay pag asa sa akin at nagiging dahilan ko para lumaban. Kung iba pa sana nagsabi sa kin nyan siguro matatanggap ko pa eh. Siguro magkikibit balikat lang ako o kaya deadma lang. Kaso hindi eh.
Sa totoo lng, sa sarili ko, hindi failure ang tingin ko sa buhay ko. Oo na, tambay ako ngayon pero sapat ba yun para sabihin na failure ako??? Siguro okay lang sa kin na sabihan nyan kung addict ako, kung sampu na anak sa iba't ibang lalaki, kung bumagsak ako sa isa sa mga subject ko nung college o kaya naman eh nag pakulay ng pink sa buhok sa kili kili kaso hindi eh. Hindi naman napariwara ang buhay ko. May mga na achieve na naman ako sa buhay ko kahit papano, mga bagay na pinaghirapan ko din makuha. Nagtapos ako sa kolehiyo, nalamapasan ang lahat ng mga subjects, pinasa ang board exam at nagtrabaho sa ospital ng ilang buwan. Hindi ko naman sa pinagyayabang ko yan. Gusto ko lang iparating na nag-effort din naman ako para may mangyari sa buhay ko.
Kaya ngayong eto ako, kailangan kong iwasan ang mga bagay na nakasanayan. Medyo iiwan ko muna ang blogsperyo ngunit ako'y magbabalik pag naayos ko na ang lahat. Dadalaw din ako sa mga blog nyo sa susunod. Pero ngayon, busy mode muna. Magtratrabaho muna ako kung san san para patunayan ang aking worth.
FAILURE!!!Hindi ko muna magagawa ang pangako ko sa sarili ko na mag update ng blog... Ngayon, kailangan ko munang puntahan ang training ko.
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Thursday, August 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
9 comments:
mare, you're not a failure... haggat hindi ka naggigive up at may tiwala ka sa sarili mo... kaya mo yan... naranasan ko rin yang ganyang feeling... kahit wala pa naman nagsasabi sakin nyan, pero minsan ganun din naffeel ko... but then, pinapatunayan ko din sa sarili ko na hindi ako ganun... kaya mo yan mare... wag ka na malungkot. ok.... mamimiss kita.. namiss na nga kita ng matagal, eto ka ulit... :(
failure ka??? anu pa ako?? hindi ako grad.. nakapagtrabho nga lang ako kase kaya ng dila ko ang makipag usap sa mga amerikano..
ikaw marami kang mapagmamalaki gerl.. may diploma ka.. board passer ka.. hindi naman porket bum ka ngyun e wala ka nang kwenta..
hindi naman siguro masamang magphinga muna at maging stress free ka pamsamanatala daba..
ok lang yan gerl.. wag ka nang malungkot.. mag eeb pa tayu! =)
gerl i need to get ur contact numbr para sa eb naten nila mareng she and tequilabreath
email me
jham18_bnc@yahu
tc!
failure? ikaw? hindi ah..
may failure bang board passer?
kung alam lang nila kung gaano kahirap kumuha ng board exam na yan....hay...cheer up, shamy!
ur not a failure...=)
wag mo na lang silang intindihan... cge pagbutihan mo ah... naku ma miss ko ang pagiging emotera moh... haha.
ingatz!
eto naman.
masyado mo namang kinakarer..
ang mga bagay bagay.
gaya ng nasabi nila.
hindi ka failure shammyyy!!!
hindii!!
think +++(positive) x3 yan a
hehe..
You will only be a failure if you stopped trying and given-up...
Hehehe... Seryoso ko naman masyado... Tandaan nyo lahat tayo winner, nasa tiyan pa lang tayo ng mga nanay natin... Kasi andito tayo ngayon buhay...
@she
salamat she...lilipas din ito... babalik din ako agad pag medyo maayos na ang sked ko... miss ko na kayo...magkitakita daw tyo sabi ni jham...
@jham
gerl, salamat pinalakas mo loob ko pagkabasa ko nyan...oo nga kita kits pa tyo...basta text nyo lng ako...october cguro pwede na ko...magulo pa sked ko ngaun eh...
@rio
thanks doc...oo nga eh mahirap talaga ang board... tama!! hindi ako failure...:)
@roland
namimiss ko na nga ang magblog pero gnun tlga kailngan may patunayan...babalik din ako agad...wala pa tlga ko sa mood magsulat eh...
@ayyzzz
kailangan kumarir eh...
salamat ayyzz na miss kita san ka ba nagsususuot??hehehe
@axel
salamat axel...winner tlga tyo sa iba't ibang paraan...
*tear tear*
sana makasama ulet ako sa mga lakad...
sabi nga ng orient pearl...
wag mong isubo este isuko..
kaya mo ya-an!
Post a Comment