Monday, May 26, 2008

tuyo ng damdamin

sabi ko sa naunang post dito nagkita kami nung friend ko. Actualy, hindi lang old friend. Isa sya sa mga pasts ko. Matagal na kasi kaming hindi nagkita kaya yun. Madalas pa din naman kami mag text at mag message sa isa't isa pero isang taon na din simula nung huli naming pagkikita. Magkaibigan kami ngayon, mas pinili namin ang relasyon dahil alam namin na mas magtatagal kami kung hanggang dun na lang. Sampung buwan din naman nagtagal ang aming relasyon, aabot pa nga sana ng isang taon kaso dahil sa mga pangyayari sa aming paligid naghiwalay din kami. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko na isipan na magpost nito. Baka kasi mabasa nya ito dahil nung minsan ay nakita ko sa cbox ko na nagmessage sya. Pero ayos lang baka nga mag comment pa yun pag nabasa nya ito.Dahil matagal nga bago ulet kami magkita, na curious din akong malaman kung anu na ba sya ngaun.

Bakit nga ba kami nagkita? Matagal na kasi nyang sinsabi na treat nya daw ako kasi may new work na sya. At isang tanghali, araw ng huwebes nga eh nagtext sya sa akin. Sabi nya magkita daw kami, at dahil alas singko naman ang lakad namin ng pinsan ko, pumayag na ako. Medyo late nga lang ako sa usapan pero ayos lang. Kumain kami, nag arcade, nag ikot sa mga stores, nagyaya sya manood ng movie kasi hindi na ako pumayag dahil magkita nga kami ng pinsan ko. Nagmamadali na akong nagpaalam dahil magbyahe pa ko papunta sa lugar kung san kami magkita ng pinsan ko.


how will you know that ur love has faded???it's when...you see each
other...and everything's quite normal. nothing special...no racing of heartbeat
for some one else!!!


Isa iyan sa mga text na natanggap ko nitong nakaraang linggo.
Napaisip ako, dahil sa aming pagkikita ng aking old special friend, narealize ko na may katotohanan ang quote na ito.
Narealize ko na, wala na ang dating kaba pag nakikita kami. Wala na din ang kilig na nararamdaman ko pag magkasama kami.Nasabi ko na sa sarili ko na over na pala talaga ako sa kanya. Isa ito sa mga rason kung bakit din ako pumayag na makipagkita sa kanya gusto kong malaman kung ganun pa din ba, kung pwede pa nga kaya ibalik ang tamis ng pag ibig.

ngaun alam ko na, ang concern at care ko para sa kanya ay para na lang sa isang kaibigan. kung dati ay nasaktan ako ng malaman na may ibang babae sa buhay nya, ngaun ay kaswal ko na lang pinakinggan ang mga kwento nya. Sa totoo lang, masaya ako kung makikita nya ang taong magpapasaya sa kanya. Masaya din ako dahil naka move on ako sa maayos na paraan.

Friday, May 23, 2008

sino na ang mag-aalaga kay emoterang nurse???

Nung isang lingo, pagkagising ko medyo iba na ang boses ko. Nagbibinata na ata ako ah at bakit may parang kung anong nakatarak sa lalamunan ko eh hindi naman ako nag concert kagabi. Dahil feeling ko mawawala din naman yun, di ko na lang pinansin. Umalis ako ng bahay kasi nagtext ang aking old friend, basta sya yun. Ibang kwento na iyong pagkikita namin, sa susunod na post na lang.Hehehe. Pagkatapos namin magkita punta ako sa SM Taytay dahil magkita naman kami ng pinsan ko dun dahil ililibre daw nya kami ni Tita Mai. Saktong 5 ng hapon andun na ako, check ko agad phone ko para tingnan kung nagtext na sya.

Nagtext na nga sya: Ate, di ako makakapunta kasi nilalagnat ako. Pero wait mo si Tita Mai punta sya dyan.

Habang nagaantay ako, nagikot-ikot ako sa SM, na hindi ka naman mapapagod sa paglalakad sa buong mall dahil miniature lang ito ng mga SM malls. Siguro pag nagpabalik balik ka lang ng 20 times yun mapapagod ka na siguro. Sa aking paglalakad napadaan ako sa Bacolod Inasal, pag tingin ko sa isang mesa parang pamilyar iyong bulto kaso malayo kaya para hindi ako mapahiya sa pumasok ako sa kainan na iyon,text ako:

tita, nasa SM ka ba ngayon?
Tita Mimi: Yup, dito ako inasal. Wer k?

Hindi na ako nagreply punta na agad ako Inasal para makikain ng order nyang Pancit Efuven. Tapos tumawag na si Tita Mai, papunta na daw syang SM. Pag dating nya diretso na kami Dairy Queen at nag order ng ice cream. Dahil pasaway ako ayun kain ako ng blizzards kahit na alam kong gumanda na an gang boses ko simula kaninang umaga.

The next day, sama na ng pakiramdam ko, ang ginawa ko, naligo ako para mawala kaso after kong maligo gininaw na ako. Ayun na, tinamaan na akong ng walang hiyang lagnat na may kasamang tonsillitis. Text na agad ako kay mother dear na bumili ng paracetamol.
Ininom ko na ang para at hindi na ako nag abala pa na uminom ng antibiotic eh baka kasi lagnat laki lang kaya ako nilagnat. . Sabi ko pa naman sa posts ko bawal magkaskit pero pasaway pa din ako.

Kinabukasan medyo mababa na ang lagnat ko kaya lang parang may malaking tinik sa aking lalamunan, lunok lang ako ng lunok at inom ng tubig pero wa effect pa din. No choice talaga kailngan ko na talaga ng antibiotic. Ito ang hate ko eh, iinom ng gamot na capsule at tablets. Pinagbigyan ko na nga ang paracetamol na pumasok sa bituka ko pati ba naman ang capsule na antibiotic eh makikisama pa sa pagpasok sa bibig ko. Hayyyyy....Mas okay pa nung bata pa ako eh, syrup iyong mga iniinom na gamot pag may sakit tapos strawberry flavor pa.

Sabi ni mommy parang hindi daw ako nurse, painom daw ako ng painom ng gamot sa mga pasyente samantalang ako eto ayaw uminom ng gamot. Hindi naman nya ako mapilit dahil alam nya naman dawn a mas alam kong ang tamang gawin. Hindi naman din ganun kalala ang sakit ko, hindi ko na sya inabala sa pagbabantay sa aming shop kaya mag isa kong inalagaan ang sarili ko. Pero syempre pag may sakit kailangan ng therapeutic communication para mas gumaling ako. Tinext ko ang aking friend “may sakit ako,huhu”. Di ako nagkamli ng tinext. Reply agad sya alalang-alala sa akin at yun kung anu-ano ang sinabi nya sa akin, parang sya nga yung nurse ko. Nagtetext kung uminom na ako ng gamot. Wag ka kumain nyan, kumain ka nito, inom ng tubig, pahinga na wag mag puyat. O di ba may taong nagpapaalala sa akin ng mga alam ko na. Alam kong busy sya pero lagi nya kong kinukumusta. Pero ang layo nya sa akin eh, puro mga messages at tawag lang ang naging nursing intervention nya sa akin. Wala ang kanyang physical presence. Kaya wala akong magagawa kundi ang alagaan ang aking sarili.

Sino na nga ba magaalaga sa taga pagalaga ng may sakit? Iyon ang tanong sa akin ni badoodles. Ang sagot ko, syempre ako pa din, nasa akin pa din naman ang aking ikagagaling. Nasa akin kasi kung kakain ako ng mga bawal at iinom ng gamot sa tamang oras. Hindi ko dapat iasa sa iba ang aking kalusugan. Dapat ko ng ingatan ang sarili ko ngayon, natuto na ako. Hindi na ako magpapasaway, pero mahirap ata yun, minsan na lang pala ako mag pasaway at hindi na lagi. Sabi nga nila prevention is better than cure. I agree to that. Kasi madami akong hindi napuntahan na lakad dahil sa pag gupo ng sakit sa aking katawan, hindi naman naging obvious na nagkasit ako eh kasi nagcocomment pa din ako sa mga blogs at nag jojoin sa forum kahit na masama ang pakiramdam ko. Ang point ko lang eh nasa iyo ang pagiingat sa kalusugan mo. Kung alam mong hindi maganda para sa health mo ang isang bagay, iwasan mo na para hindi na lumalala ang sitwasyon. At syempre kailangan ng dasal sa Panginoon para sa iyong magandang kayaman, ang pagiging healthy.

Tao din ako, nagkakasakit din katulad ng aking mga pasyente. Kung mayroon man mag-aalaga sa kin na pang matagalan. Sana mahanap ko na.

Friday, May 16, 2008

anak ako ni darna???


Pre school ako nun, malakas ang ulan pero wala naman bagyo kaya sympre may pasok ang mga nasa prep. Dahil sadyang bahain ang kalsada sa may school na yun, na kahit mahabang ambon lang eh binabaha na dun, ayon nagkaroon ng dagat sa labas ng gate. At ilang minuto na din akong nagaantay kay kuya alex(sya ang aking sundo), hindi naman yun karaniwang huli kung dumating pag susunduin ako. Paglalabas nga ako andun na sya at naghihintay. Hindi naman ako pwdeng umuwi dahil baka matangay ako ng alon sa labas ng school at mabobojack ang guard na magpapalabas sa akin dahil nga wala pa ang aking sundo. Lumipas ang ilang minuto habang nakaupo ako sa bench, nagkaingay ang aking mga kaklase na wala pa din sundo. Nakatingin sila sa gate dahil andyan si darna at papalapit sa aking inuupuan. Kinarga nya ako at nilampasan namin ang dagat na nawawala pag maganda ang panahon. Di ko inaasahan ang pag dating nya. Ang galing pala nya,dumating sya sa oras na aking pangangailngan. Hindi nawala sa akin ang eksenang ito. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanyang pagdating. Sana iligtas nya ulet ako sa susunod.

Isang gabi, hindi ako makatulog, dahil bata pa din ako nun,pumunta ako sa kwarto nila mommy para dun maki tulog. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si darna. Iniluwa nya ang bato at naging si mommy. Ang laki ng mata ko sa gulat dahil sa aking nalaman. Dahil sa aking nasaksihan, dahan dahan akong bumalik sa aming kuwarto at tumabi ulit sa himbing na himbing na aking ate. Totoo nga kaya ang aking nakita?

Imposible!!!

Imposible ata na si mommy at si darna ay iisa.ordinaryo lang si mommy. Gumigising ng maaga para asikasuhin kami at sya ang pinakuhuling natutulog para siguraduhin na maayos kami habang nagpapahinga. Hindi sya si darna, normal lang naman ang mga gingawa nya ah. hindi iyon basehan para magkaroon sya ng powers. Inilihim ko ang mga bagay na ito. Bata pa ako kaya baka hindi sila maniwala pag sinabi ko ang lihim ni mommy. Maghahanap na muna ako ng mga ebidensya para mapatunayan ito.hindi ko inaasahan na napakadali pala ang maghanap ng ebidensya. Sa araw-araw pinatunyan nya na sya nga si darna..

Sa paglipas ng mga araw, buwan at planeta este taon pala, napatunayan ko na ang matagal na lihim ng aking ina. Totoo nga na siya si darna . Sya ang kayang gawin ang lahat para sa aming mga anak nya. Ibubuwis ang kanyang buhay para lang sa aming kaligtasan.Magsasakripisyo para lamang sa aming kapakanan. Ginawa nya ang mga bagay na mas higit sa inaasahan na gagawin ng isang ina. Kahit na minsan alam kong nahihirapan sya, pero patuloy sya sa pakikipaglaban sa mga masasamang tao na mananakit sa amin

Matagal man bago ko napatunayan na sya nga ay may katangi tanging kapangyarihan pero ayos lang. Hindi na naman siguro lingid sa kaalamanan ng aking mga kapatid ang lihim nyang taglay. Nagkukunwari na lang kaming hindi alam. Pinapantayan ang pagaalaga nya at pinaparamdam ang aming pagmamahal.

Nitong mga nakaraang araw medyo nag ha-hypotension si mommy, minsan kasi kulang sya sa tulog. Sinabi ko na lang na magpahinga ng mabuti at magkakain ng mga pagkain mayaman sa iron. Alam kong kailngan na ni mommy na magpahinga sa pag aasikaso ng aming shop. Kailangan na di nya isuko ang kanyang bato na nagtataglay ng kanyang powers. . Grabeh pala ang powers na taglay nya sana ganun din ang powers na ipapamana nya sa akin balang araw.

Nung isang araw, nagusap kami sabi nya mga ilang taon pa at hihiwalay na ako sa kanila at gagawa ng aking sariling pamilya. Ipapamana nya na sa akin ang bato. Ang pagiging darna. Bigla akong natulala, ako na ang magiging darna? Handa na nga ba ako sa isang ganito kabigat na responsibilidad? Sa ngayon, alam kong hindi pa. Makasarili pa kasi ako eh, nagsasaya sa aking simpleng buhay. Napapaisip din talaga ako, kakayanin ko ba ang mga ginawa ni mommy para sa amin?? Masyadong pang maaga para guluhin nito ang aking isipan. Matagal pa naman yun. Sasabihin ko na lang sa kanya na unang ipamana ang bato sa aking ate, mas matanda naman yun sa akin eh. Saka ko na isusuot ang costume ni darna.

Thursday, May 8, 2008

broken vow

Amoy na amoy ang bango ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang lahat ay naka suot ng magagarang damit. Masasayang ngakukwentuhan ang magkakaibigan, magkakapamilya at magkakapuso. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang lahat at sisimulan na ng pari ang seremonya. Lumingon ako sa paligid, love is in the air talaga. Ang excitement ng mga tao ay kitang kita. Maligaya ang lahat sa loob ng simbahan na ito.

Ayun ang lalaking aking tinatangi. Ang kisig nya tingnan sa kanyang puting uniporme. Mababanaag ang ningning sa kanyang mga mata habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaklase sa akademya. Obvious sa kanyang mukha na kinakabahan sya dahil ilang minuto na lang iiwan na niya ang mundo na pagiging binata pero alam kung abut abot ang kaniyang kasiyahan. Matagal nya na itong inantay. Panghabang buhay na isusumpa sa harap ng altar ang walang wagas na pag-ibig hanggang kamatayan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Iba’t ibang emosyon ang naghahari sa aking pagkatao. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik tuloy sa akin ang nakaraan, kung paano kami nagkakilala ng lalaking aking minamahal.

Broken hearted ako ng ipakilala sya sa akin ng isang kaibigan. Sa totoo lang wala akong pakialam sa kanya. Higit na mas matanda sya sa kin, seryoso sa kanyang buhay at ako, isang kolehiyala na walang magawa sa kanyang buhay. Ako ang tipong party dito at party doon. Walang pakialam sa paglustay ng pera. May direksyon naman ang buhay ko pero gusto ko ay magsaya. Wala naman siguro masama dahil hindi naman pumapalpak ang grades ko. Hindi ko sinsadya na dumating sya sa buhay ko.

Sa bawat araw na lumipas andyan sya para sa akin. Handang magbigay ng payo. Tumayong aking nakakatandang kapatid, pinagkatiwalaan nya ng kanyang mga lihim at nararamdaman. Unti-unti, hindi ko namamalayan na nababago na pala ang buhay ko dahil sa kanya. Mas nagseryoso na ako sa aking pag aaral. Hindi na din ako naglalabas upang gumimik. Hindi ko na din pinaunlakan ang mga imbitasyon ng mga nagpapalipad hangin sa akin. Ewan ko ba, parang siya ang nagturo sa akin na maging mature. Hindi ko na din napansin na wala na din ang pakiramdam ng pagiging broken hearted. Dahil nga kaya sa kanya?? Hindi ko alam ang sagot. Dito ako nasimulang naguluhan. Dito na din sya nagtapat ng nararamdaman para sa akin. Ang saya ko. Sya na nga siguro ang bigay ng Diyos para sa kin. Sino nga ba ang makakapagsabi na isang military pala ang bibihag na aking puso. Kahit na iba ang mundo nya tinanggap ko iyon dahil iyon ang kanyang buhay. Sya ang prinsepeng inantay ko na magliligtas sa akin kasama ang pangakong mamahalin ako at aalagaan habang buhay.

“From this moment life has begun from this moment you are the one…………..”

Sabi ng kanta ni Shania Twain, hindi ko namalayan na Nagsisimula na pala ang wedding march. Bumalik na sa kasalukuyan ang aking isip. Tingnan mo naman ang lalaking yun. Lubos na kasiyahan at pagmamahal ang nakikita ko sa kanyang mukha habang nagiintay sa harap ng altar.

“I do” sagot nya sa pari. Tanda ito ng pang habang buhay na pangako.Pagkarinig sa katagang ito tumulo ang luhang kanina ko pa pinpigilan na lumabas. Sabi nga nila normal lang ang iyakan sa mga kasalan. Pero……..

Iba ang luha na ito, luha ng pagdadalamahati at kabiguan. Masaya sya samantalang ang puso ko ay nagluluksa.

Unti Unti akong lumayo dahil sa luhang ito. Lumabas ng simbahan, alam kung nakasunod ng tingin ng iba sa akin dahil lumikha ng ingay ang takong ng aking suot na sapatos. tumakbo pabalik sa kotse na naglulan sa akin papuntang simbahan. Doon ako umupo at umiyak ng umiyak.Sa totoo lang hindi ko intensyon na gumawa ng eksena sa kasalang iyon. Kaso ang puso'y ko'y nagluluksa.
Wala na siya. Iba ang magdadala ng kanyang apelyido. Ang pangako sa akin na pang habang buhay ay nasira na.Paalam sa pangakong kay tagal kong pinanghawakan at nagbigay ng pag asa. Iba ang pinili nyang makasama habang buhay. Hindi ako ang makakasama nya. Kundi ang babaeng iyon na hinarap nya sa altar. Malamang na patapos na ang seremonya. Hindi nya alam na naging saksi ako sa kasalang iyon. Masokista nga ko siguro.

Pumailanlang ang tunog sa radyo ng kotse aking sinakyan. Tumagos hanggang sa buto ang mga salitan ng kantang:


Tell me her name
I want to know
The way she looks
And where you go I
need to see her face
I need to understand
Why you and I came to an end

Tell me again
I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night
When I'm here all alone
Remembering when
I was your own

I'll let you go
I'll let you fly
Why do I keep on asking why
I'll let you go
Now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow