Saturday, October 24, 2009

ang pagluluksa

Nung nakalipas na mga buwan hindi ko akalain na ang isa sa mga taong pinakamahalaga sa akin ay kukunin na ni Lord. Napakasakit. Wala na ang lola ko na sasabihin sa kin na matulog na ako dahil galing ako sa trabaho. Wala na ang taong magsasabi sa kin na kumain na ko pagkagising ko. Ang isa sa mga taong nagaruga sa kin simula noong kabataan ko. Wala na siya. Mahirap tanggapin pero we need to move on and accept the fact that she's gone.

Pinipilit kong pumasok sa trabaho para lang hindi mo maramdaman yung pain na dulot ng pagkawala nya. Unti unti pa nga lang ako nakaka move on at ang aking pamilya ng biglang sa hindi inaasahan pagkakataon ay sumunod naman ang ang tiya. Ilang linggo lang ang pagitan nila. Mahirap tanggapin pero kailangan. Yun ang reality eh. Dati naisip ko pano kaya yung mga taong namamamatayan ng mas higit pa sa isang taong mahal mo. Dun ko na realize na hindi ganun kadali. Kala ko mas ok kasi parang sabay lang halos eh, parang isang bagsakan na lang.


Nakikita ko ng mga tao na parang wala lang sa kin ang lahat pero deep inside kinakaya ko lang. Dahil kung bibigay ako, parang ang hirap para sa amin nun. Ito ang mga panahon na kailangan eh matatag ka. May time pa na para akong baliw dahil umiiyak ako on my way to work. I don't care kung nakatingin na sa kin mga kasakay ko but I have to release those tears to make me feel better.

Sabi nila dapat daw maging masaya ka for them because their sufferings was over pero kahit anong gawin mong pag convince sa sarili mo na maging masaya for them, masakit pa din eh. May mga time na maiiyak ka once na may mahalagang okasyon or makita mo yung mga things na connected sa kanya. Sabi nga ni Kris Aquino " We lied when we said we will be OK". Sa totoo kasi, mahirap maging ok kahit na tanggap mo na dun din naman papunta yun.

Death is terrifying because it is so ordinary. It happens all the time.

3 comments:

Traveliztera said...

Oo... though u try to be really optimistic about everything, the emotions and memories give u a huge impact na mjo matagal i-heal... I know that with prayers, you'll be comforted well by God... TC always... You'll get through this...


-steph toh btw... this is my new blog

kulas said...

Emotera,

Sorry about your Lola and Tita. Understand ko feelings mo dahil dumaan din ako diyan.

Time heals all, ika nga. Time brings good memories, too.

You'll be fine. I know it.

Filipino Small community in Florida said...

Nakikiramay po.

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...