-----sa aking nakaraan na posts ay tungkol sa kabit ang post actually, tumagal lang yan ng ilang araw dahil hindi naman talaga ako ganoon katanga para ipagpatuloy ang kahibangan na yan...salamat sa mga nag comment dun dahil itinigil ko na...dahil wala naman kwenta ang lalaking iyon dahil wala syang bayag para pumili at makontento sa isa-----
Sa aking paglilibot sa blogsperyo ng mga nakaraang araw(medyo sandalian lang ang paiikot ko dahil sandali na lang akong magonline dahil sa kung ano-anong bagay na pinag gagawa ko) napansin ko na tungkol ata sa lovelife ang mga post ng mga tao ah. Oh my!! parang gusto ko tuloy sumigaw ng:
"tang inang pag-ibig yan oh, nauso pa. Pati tuloy ang blogsperyo ay nagkaroon ng love virus"
Oo, may mga bigo, may mga inlove, may mga pagmamahal na hindi kayang ipaglaban, may pag-ibig na lihim, at pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng blogs nila. Ah ewan!!! Gusto ko na sana manahimik na lamang kaso inggitera ako kaya ito nag post na naman ako tungkol sa aking lovelife.
Sa tuwing may mga messages ang aking mga college friends sa friendster, sa mga text messages ng aking mga kasamahan sa ospital at mga ym messages ng aking mga high school friends ay laging nasisingit sa usapan ang aking lovelife.
friend ko: Mustah lovelife?
ako: ito parang coke...
friend ko: Ha? Bakit?
ako: parang coke kasi ZERO!!!
Sa totoo, hindi naman ako nababahala kung wala akong ma consider na lovelife ngaun. Hindi pa naman siguro akong matatawag na old maid dahil 21 years old pa lang ako at alam kong hindi pa makunat na tsitsaron ang aking matris, so bakit ko pagkakaabalahan ang lovelife???
Bakit ba ang mga nasa paligid ko ang nababahala sa aking buhay pag-ibig?Hindi pa naman ako huli sa byahe at madami pa akong gusto gawin gaya ng maging kasing galing ni chroneicon sa pag gigitara, maging sikat gaya ni greenpinoy at maging kasing galing na magsulat gaya ni badoodles.
Marami pa akong kakaining bigas bago ko magawa ang lahat ng yan kaya bakit ko uunahin ang aking lovelife....
Minsan pakiramdam ko para akong binebenta, kulang na lang eh mag- ads sila sa manila bulletin ng: FOR SALE:EMOTERANG NURSE. o kaya naman ay ilako ako sa buong maynila at sabihing "bili na kayo!! libre lang ito, si emoterang nurse"
"pakilala kita sa barkada ko, single din yun, sa ano nagaral, ganito yung course, ok naman sya"
"binigay ko number mo sa isa kong classmate, hindi pa yun nagkaka gf kaya naisapan ko na ibigay number mo, okay lang naman db??single ka naman ngayon?"
"sama ka naman, madami ka makikilala dun malay mo dun mo makilala ang magiging jowa mo"
Hayyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!
kailangan ba talaga eh may lovelife ang isang tao??Hindi ko naman siguro ikamamatay ang status ko ngayon.Mahirap kaya na mabigo ulet. Dahil hindi naman ako pwede pumunta sa ospital at sabihin sa doctor na:
" Doc, broken hearted ako pwede paki suture ang mga atrium at ventricles ng puso ko?wasak na wasak kasi eh".
At ayoko naman na umiyak iyak na naman dahil baka mamatay ako dahil sa dehydration. So ngaun,ang pumper ng aking dugo ay bedrest muna. Umiiwas na ako sa sakit na dulot ng lecheng pag-ibig na yan.
Masaya naman ako kahit na wala akong matatawag na jowa sa panahon ngayon. Masaya ako ngayon dahil sa aking pamilya at mga kaibigan.
Unattached. Not committed. Availble. Okay na ako sa ganyan, dahil alam kong darating din naman ang taong yun o baka nga nasa paligid lang sya at hindi ko pa napapansin ang kanyang existence. Hindi man sya kasing ideal ni Prince Charming, alam kong kasing real naman sya ni Shrek. Kaya sa lahat ng nagbabasa nito, ito ang masasabi ko mga bloggers.
Sa mga taong committed ngayon: I'm happy for you. Cherrish that moment. Fight for your right to love
Sa mga taong bigo: Hindi ka nagiisa, madaming emo ngayon noh!!!inuman lang ang katapat nyan...Tagay!!!
Sa mga nakikipaglaro lang sa pag-ibig: Good luck sa Karma!!Sana lang hindi mo ikamatay yan...HAHAHAHA
Sa mga taong single and ready to mingle: APIR!!!!
16 comments:
"happy & single" ---i guess alang masama dun, mas ok nga eh, di ba kasi sabi nila alang "hassles".
pero lam ko darating pa din sa buhay ng isang tao ang mainlab. ilambeses man tayo masaktan, wag sana nating gawing rason yun para pigilan ang tibok ng puso natin. ;)
enjoy mo lang muna yan sis.
stay happy!!! ;)
ahehe... honga! di naman ikamamatay ng isang tao ang walang lablayp ah.di ba? kaya okey lang yan.. walang problema.di ka nag-iisa.
OKay okay, sigi ako din makiki-apir ako jan!! gerl mabuti naman at natauhan ka na. di kagaya ko nagpaka lagpak muna ng pride bago nagising. amf talaga. hahaha.
anyway, baka sa dami ng quotes na nababasa mo baka nabasa mo na to anyway share ko nlng...
Some say it's better to be single because you're free, no one will make you cry and you can flirt with anybody.
but don't they realize, it's much better having someone to make you free but stops you when you're out of control...
would make you cry but then wipe your tears and make you smile...
and would flirt with you, and know its only you...
ayon wala lang. na share ko lang. tagshk!!
Gerl, may WANTED pala sa blog ko, kapag nakita mo, please please pakisabi saakin. maraming salamt! hahaa.
single and ready to mingle..hehe! that's the spirit...enjoyin mo lang muna pagiging single mo..sakit sa ulo magkasyota.
heheheh.. ok lang yan.. "Mingle while Single"..
Just enjoy ur life and make the right decisions..
amp!!
kabagang.. kapitbahay lang pala kita no! :)
@camillee
salamat sis camille...wait na lng ako kun sino dadating...
kaya enjoy muna ako ngyon...
@pensucks
oo nga...hahaha...madami kami
@tentay
gerl, APIR!!!
iba ka tlga...atapang atao...yaan mo huntingin natin yun at pabaril natin sa bagumbayan...wahahaha...
sbihin mo na lang eh.
BABANGON AKO DUDURUGIN KTA!!!!!
@Gasti
enjoy nman ako...sakit sa ulo an syota pag asawa ba hindi???hahahaha
@jhamy
msrap ang buhay single...hahahaha
ma jollibee k nman lapit k lng sa jollibee eh...wahahaha... kapitbahay apir!!!
nice post. pero di ba we don't need somebody to complete us? we're beautiful, single or hindi :)
--
putyang lab yan oh
hakhak
elyens
XXXxx
naman/// ewan ko, recently, people wants to hear something from me. Mga payong friend para sa sawi nilang lovelife..haha!
hmm at dahil singular ka, makakapagfocus ka na sa priorities mo ^^
wei po dito ^^
oi gerl sory dito ako nag coment, blocked kasi un chatbox mo sa office pc. anyway wala ko plurk eh. ano ba yon. hahahahhaha!! in fairness di na ko masyado emotera. mukang masaya nang muli ang mga araw ko. hahahahhaha!! anyway, gusto ko padin ipakain sa langam. isama mo na sa listahan mga nakaatraso sayo. isasama ko na sa scheduled feeding time with ants. hahahahhaha!
aba, may plugging! hahah!
di ako magaling sa gitara.
go girl, ibandila ang T.I.I.S.!
sama ka ulit samin, hinahanap ka na ng alak!!!
@ladyracer
tnx...we are beautiful no matter what they say...:)
@rimewire
alyens!!!hahahaha
@gagitos-wei
wow, love guru kn pla wei...hahaha...
@tentay
plurk.com...may nag invite lng kasi sa kin dun...inivite ko lang kyo...hehehe...mukhang nahanap mo na si mr.dreamboy??tama ba??hahahaha...masaya yan...pakain na ntin sila sa langgam...wahahahaha
@chroneicon
may bayad ang plugging na yan...hahaha...
tiis?inlove ka kaya db??hahahaha
sama ulet ako sa inyo mga inaasikaso kasi ko kaya hindi pa ko nakakasama...:)
paano kung pareho kayong may asawa ung babae hwLay sa asawa pero yung lalaki hndi p sila hwalay ng asawa nya pero nabuntis nung boy ung girl?
Wala ng maraming katwiran. Landi talaga yan ng katawan. Pinagaganda nyo, kasi mahal ko. Pwede ba, wag bigyang katwiran ang pagiging pokpok. Matino ba na pumatol sa may asawa? Eh kung nagmahal ang katwiran nyo, aba pwede na pala magtalo talo ang lahat. Pwede rin aminin na nangangati kayo at naghahanappppplng mkkamot.
Pwede puba humingi ng advice
Single mom ako for almost 8yrs na more on focus ako with my kids kc sobrang hirap ng pinagdaanan namen sa ex ko with legal case oa involve... for 8 yrs never ako na link to anyone.. but this oct last year meron ako nakilala thru online everytime halos 24/7 kmae magkausap hanggang sa makauwi sha this year 1st time namen magmeet me nagyare samen and sobrang saya ko tlga for evrything kc with have alot of plans and etc... so nagpaalam sha the next day uwi muna ng province then i said yes ... but few days nagiba pakiramdam ko check ako social media laking gulat ko me asawa na pala sha naka post lahat trhu online and with kids nadin sha they look so happy... sobrang sakit pero babae din and a mom i feel sorry to his wife din which a policewoman pa....ako nmn po e maayos din nmn stable... ask ko lang po by chance pwede bako kasuhan ng kahit hindi ko nmn alam na me asawa sha... sana mabigyan nyo po ako advice... and wala nmn po ako balak ipagpatuloy start nung nakita ko online ... ang hindi aware si guy na alam ko na kc sinabihan nyako na me aayusin lanv sha sa province then pakakasalan nya nako ... and kahit mahal kk sha hindi nmn ako papayag na makasira
Sana po mabigyn nyo ko advice kung pwede puba akobg kasuhan
Maraming salamat pi
Post a Comment