laging bigolaging sawi sa pag-ibigminamalas, oh kay sakitmay balat nga ba ako sa pwet?mabuti pa ang tindera sa aming kantonakakainggittl..ang sweet nila ng kanyang nobyogusto ko lang maranasang umibigtamaan ni kupidogusto ko lang maranasan ang langittumibok muli ang puso koTumatakbo ang oras naiiwan na akong panahonDi na nagbago bawat arawpare-parehoparang kahapontumakabo ang oras-MOJOFLY
'Yan ang kanta na sinabi sa kin ng tita ko na bagay sa akin. Hanggang ngayon kasi wala akong pinapakilala na jowa sa kanila. Tumantanda na daw ako at kailangan ko ng humanap ng makakasama sa aking pagtanda. Ang mga kamag anak namin ang laging tanong "Ikaw kailan ka papakasal? Asan ang boyfriend mo?" Halos karamihan din sa mga kaibigan ko na nasa FB eh ikakasal na or meron ng pamilya.
Actually, para sa akin hindi naman ako nagagahol or nagmamadali. 24 years old pa lang naman ako at hindi pa ko maicconsider na old maid or matandang dalaga. Masaya pa ako sa pagiging single at hindi pa ako handa na humarap sa pang habang buhay na relasyon. Alam kong darating din ako sa ganung parte ng buhay pero hindi pa ngayon. Marami pa akong mga pangarap na gustong maabot at alam kong hindi ko yun mararating kung magkakaroon na ako ng sariling pamilya.
Bakit nga ba hanggang ngayon eh kahit jowa wala ako? Choosy ba ako or hindi lang ako lapitin ng mga boylets? Hindi ko alam ang sagot dyan. Meron naman mga nanliligaw pero hindi ko lang talaga nakikita ang sarili ko kasama sila. Kung tutuusin okay naman sila, may mga trabaho, okay ang pamilya at masayang kausap pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw ko maging committed. Alam kong hindi lang ako ang babae na nakakaramdam ng ganito. Ilan din sa mga kaibigang kong babae ang single at ganito ang sitwasyon.
May kasabihan nga na ' as a woman gets wiser it is harder for her to find a man'.
Meron akong dalawang kwento na ibabahagi. Dalawang kwento na may magkaibang ipinupunto.
Unang kwento:
May isang may ari ng taniman ng bulaklak. Sabi nya sa isang babae pumunta sa hardin at pumitas ng isang bulaklak na sa tingin nya ay pinaka maganda sa lahat ng tanim at walang kapareho sa lahat, ngunit, pag nalampasan nya na ang nasabing bulaklak hindi nya na pwedeng balikan bagkus ay pwede pa din sya pumitas sa mga bulaklak na makikita sa iyong paglalakad. Ginawa nga ng babae ang sinabi nga taniman ng may ari. pumunta sya sa taniman. Sa paglalakad nya may nakita syang magandang bulaklak. Hindi nya pinitas dahil naisip nya na baka may mas maganda pang bulaklak sa gitna ng taniman. Nagpatuloy sya sa paglalakad at may nakita na naman syang napakagandang bulaklak. Ito ang pinaka maganda ang kulay at pinaka katangi tangi pero hindi nya ito pinitas dahil iniisip nya na mas may maganda pa sa mga susunod na tanim. Nagpatuloy sya sa paglalakad at wala na syang nakita katulad ng nakita nya kanina. Napansin nya na malapit na sya sa dulo ng taniman. Pumitas na lang sya ng isa sa mga nakatanim. Maganda din naman ang napili nya pero hindi kagaya ng nadaanan nya kanina na katangi tangi at pinaka best sa lahat ng nakita nya sa taniman.
Pangalawang kwento:
Ito ay isang kwento ng isang prinsesa, bago namatay ang kanyang mga magulang sya ay pinamanahan ng isang singsing. Kabilin bilinan ng kanyang ama na ibibigay lamang nya ang singsing sa karapat dapat na tao na alam ang kahalagahan ng singsing.
Dumating sa buhay ng prinsesa ang isang hardinero. Natuwa ang prinsesa sa kanya at inisip nya na sya ang tao na dapat nyang pagbigyan ng singsing. Ibinigay nya ang singsing sa hardinero pero hindi nito alam ang tamang paggamit sa singsing. Ginamit nya ang kanyang pagtabas ng damo sa singsing at nawala lang ito sa porma at inisip na wala ng silbi ang singsing kaya tinapon nya ito sa ilog na malapit sa palasyo. Nagulat ang prinsesa sa ginawa ng hardinero at nagiiyak. Pinabayaan sya ng hardinero at iniwan. Naging malungkot ang prinsesa dahil sa nangyari.
Isang araw may dumating na prinsipe. Minahal sya ng prinsipe ngunit wala na ang singsing na dapat ay para dito. Kahit na anong gawin nilang hanap sa ilog alam nilang hindi na nila ito mahahanap.
Parehong may point ang kwento ko. Isang nagantay sa tamang tao ngunit huli ng malaman nya na lumampas na pala sa buhay nya ang taong karapat dapat sa kanya. Yung isa naman ay isang taong hindi naintay ang tamang tao at nagmadali.
Sa aking mga taga subaybay, kayo na ang bahala mag isip kung ano ba ang tama. Para sa akin dadating ang tamang tao para sa akin. Isang tao na hinintay ko at makakasama ko habang buhay. Makakasundo sa mga bagay bagay at desisyon. Kaya kung asan ka man, MAGPAKITA KA NA PLEASSSSSEEEEE!!!!