"kasi nasasaktan ako kahit hindi nman ako dapat nasasaktan... sana kaya kong tiisin ang sakit na nararamdaman ko...sana kaya kong sabihin na masaya ko para syo, para s inyo...sana kaya ko... pero hindi eh...kasi umaasa pa din ako na sabihin mo... SANA AKO PA RIN... SANA AKO NA LANG."
-BASHA
"diba ikaw pa nag sabi sakin na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas-OK na mas mamahalain tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin yung nag-iisang tao na mag tatama ng mali sa buhay natin yung lahat ng mali sa buhay mo."
-POPOY
Sino nga ba ang ang hindi makakaalala sa mga linyang yan sa pelikulang 'One more chance' nila John Lloyd at Bea. At ilan nga ba sa atin ang ilang daang beses na napanood yan at hindi pa din nagsasawa panoorin online o kahit na sa cinema one. Bakit nga ba? dahil aminin man natin o hindi, nakakarelate tayo eh. Minsan sa buhay natin nagmahal tayo at umasa o nagbigay ng second chance sa isang tao.
Hindi ko ikakaila sa lahat na ako ay isa sa mga tao na naniniwala sa second chance. Siguro karamihan naman sa mga babae ganun. Kunwari naka move on na pero deep inside umaasa pa din na magkakabalikan sila ng ex nya (Yun lang naman eh kung walang third party na involved sa side ng babae).
Mahirap para sa isang babae ang maka move on sa isang relasyon lalo na kung lalake ang may kasalanan. Pero anu ba magagawa ng mga babae? Iba iba, gaya ng mag pa make over, makipag date sa ibang lalaki, uminom araw araw, sagutin ang dating manliligaw na hindi mo type, mag stalk sa facebook page ng ex at laitin ang new gf nya, erase ang number ni ex kahit na kabisado naman o magbakasyon at magparty para may maipost sa instagram. Ilan lang yan sa mga ways ng babae para maka move on.
Pero.....
Paano kung bumalik si ex?????
Loka lokahan days ulet...Isang sorry makikipagbalikan dahil mahal pa din yung isa at hindi pa nakaka move on...
Sabay tugtog ng kanta ni James Ingram
Just once...
Can't we figure out what we keep doin' wrong
Why we never last for very long
What are we doin' wrong
Just once...
Can't we find a way to finally make it right
To make the magic last for more than just one night
If we could just get to it
I know we could break through it
Second chance, meaning pag pumalpak sa una ok lang para matuto ka at i-apply ang mga natutunan mo sa unang beses. Parang sa exams, meron re take o sa isang subject na meron remedial class. Gagawin mo ang lahat para mag work out ang lahat. Kung ano hindi mo nagawa noon iaapply mo. Kung anu yung mga nagawa mong mali hindi mo na uulitin. Sabi nila unfair ito dahil, pano nga naman daw pagbubutuhin ng isang tao ang chance nya kung alam naman nya na pwedeng take two na parang eksena sa isang pelikula.
Worth it nga ba na ibigay ito sa isang tao? o nagsasayang lang kayo ng oras pareho? Sa akin, sulit ang lahat. lalo na kung parehas pa din kayo ng nararamdaman. Kung sa paghihiwalay nyo na realize mo na sya pa din ang pinapangarap mo. ang taong naiisip mong pakakasalan at makakasama habang buhay. Ang tamis!! Ang tamis tamis!
Sa second chance, marerealize nyo na kung san nga ba patungo ang relasyon nyo. Dalawa lang naman kasi ang katapusan nyan, ikasal kayo o maghiwalay. Ang mahalaga ginawa mo ang lahat para ipaglaban ang nararamdaman mo para hindi ka mabubuhay na madaming 'what if's at 'if only's.wala ka sinayang na pagkakataon. Kung anu man ang nangyari after nun. Alam mo sa sarili mo na madami kang natutunan, mga bagay na magpapatibay sa'yo bilang tao at alam mong nagmahal ka ng totoo. Sa susunod na relasyon buong buo ka dahil nakilala mo ang sarili mo at ang kapasidad mo sa pagmamahal. Na kahit na makita mo siyang may kasama ng iba, masasabi mo sa sarili mo na wala kang regrets. Parang pares ng sapatos, kahit na isang bote ng rugby ang ilagay mo o kahit makasampung repair na yan sa mr.quickie, wala na talaga, kailangan mo ng itapon at palitan dahil pag dating ng tag ulan bibigay at bibigay din. Kailan mo ng bago, yung sapatos na komportable ka umaraw man o bumaha.
No comments:
Post a Comment