Thursday, April 12, 2018

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ako ay muling nagbabalik. Nakakataba ng puso isipin na meron pa din pa lang sumusubaybay sa aking mga walang kwentang sinusulat. Basta salamat sa lahat. Salamat sa pagmamahal at sa mga hindi nakakalimot kay emotera. T

Naku mga momshie for sure madami ang nag google ng tanong na yan. Lalo na yung mga ka edad ko na pinanganak during 80's at Pinpressure at pinapamigay na ng kanilang pamilya para lang makapag asawa na. Hahaha

Wag kayong mag alala mga friends tuloy ang laban. Ang isang sundalo ng pag ibig kahit ilang beses man na mas masaktan lalaban, susugod at magmamahal pa din. Sa edad kong trenta y uno, oo ilang beses na nagyari yan. Una sa crush ko nung elementary, nagka girlfriend sya nun ayun ngaun bakla pala. Wala akong galit sa mga bakla, mahal ko sila dahil madami akong kaibigan na bakla. Grade 4 ako nun eh ang sakit mga teh. Naging man hater ako after. Titibo tibo na lang ganun.

Nung high school naman mga crush ng bayan ang gusto ko kaya heart broken din ang naging labas ko. Eh kasi hindi naman ako maganda so ayun sympre ang mga naging girlfriend nila eh yung mga sikat, matatangkad at magaganda. Eh sympre akala ko ang forever ko eh high school sweetheart ko kagaya ng nanay at tatay ko. Hindi pala. So sabi ko naku, for sure during college ako andun si Mr. Right.

Sa Maynila ako nun nag college so, I said to myself "more chances of winning" eh kasi hindi pa naman ako nagkaka boyfriend kaya sabi ko yun na yun. That is my chance. Madami dami din naman akong naging crush, una yung classmate ko nung 1st year college ako, sweet pa sya talaga, naisip ko na ang future ko with him. Like paano kami kung mag asawa na kami, ilan magiging anak namin. Oh di ba planado ko na eh. Kaso hindi naman pala ako gusto. Just an info, after few years kong grumaduate at nag trabaho nakilala ko ko yung kapatid nya. Akala ko baka tadhana na ang naglalapit sa amin. Yun pala hindi na ako maaalala ng walang hiya. Ang sakit!!!

Balik ulit tayo sa college, so ayun madami akong naging crush, masa madali lang din talaga magpalit ng crush eh. Naging crush ko naman ay basketball player ng FEU. Eto yung mga panahon nila Arwind Santos pero ndi sya yung crush ko. Nood nood pa kami ng practice nila sa FEU gym. Pero sympre pra kaya akong elementary nung college at madaming model look a like sa FEU so kaya sympre wala din yun.

Ilang tao din ang naging malapit sa puso ko lalo na at nakakatabi ko sila sa klase everyday. Kaso kasi madalas friend zone lng kami. Ang saya ko kasi kasama eh kaya aliw na aliw sila pero friend zone lng. Takot din kasi akong magtapat ng feelings kasi nga sayang ang friendship. Ayoko nga magaya kay JoLina at Marvin. Tapos magbibitaw ako ng linya na "And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend …"


Hay naku, Ate Charo ang haba na nitong post ko, pang maaalala mo na kaya. Saka ko na ikwekwento ang ibang mga lalaki na dumaan sa buhay ko. Dahil gagawa ako ng classisfications nila. 

To make the story short. May nakilala ako sa trabaho after being single for many years. Responsable, matalino, mabait, sweet, madasalin pero hindi guapo. Sa akin wala ang pisikal na anyo. Ang mahalaga ay ang ang kalooban. Pinagdasal ko sya, as in everyday. Sabi ko pa, " Lord, please ibigay nyo na sya sa akin, sya na yun eh, Please, please please!! Umaga at gabi as in pinagdasal ko. Sabi ko pa "Lord balato nyo na ito sa akin, ang tagal kong nag hintay eh, ang tagal kong nagpaka single. He is my Greatest Love. Ang sarap pala nun, Finally!!!!!!

Wait..








Oooooops...






Hindi pa pala sya si Mr. Right. Hindi pala. Iniwan nya ako. Walang ha o ho. Basta hindi na lang sya nag text at tumawag. Nagkikita kami sa office pero iniiwasan nya ako. Nagtanong ako sa mga malalapit sa kanya, sa mga padrino nya para maging kami pero wala. Sinaktan nya ako ng sobra. Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mack. Iyon na ang naging hudyat na umalis ng bansa. Ang sakit eh. Dun ko na feel na para akong Zombie. Tumitibok ang puso ko pero lutang na lutang ako. Nagpapasalamat na lang ako sa pamilya ko at mga kaibigan ko na patuloy na pinalalakas yung loob ko. I gave him chances to make things work. Hindi sya nambabae or whatever. Naduwag sya. Natakot sya na ipaglaban ako. Siguro nga talaga, sabi ni Lord, wag mong ipilit ang hindi sakto syo. Wag mong ipilit ang hindi ko binibigay for you kasi may nakalaan for you. May nakalaan na swak na swak syo. 

November 27,2016 
I got married. Sa isang taong hindi ko inakala. Sa taong sa umpisa pa lang eh sabi ko panandalian lang ito. Laru laro habang wala pa yung Mr. Right ko. Sa taong puro ekis sa checklist ko. 

Minsan, hanap tyo ng hanap sa Mr. Right. May mga expectations tayo na gusto natin sa taong mamahalin natin. May mga ideals and qualifications. Pero hindi natin alam na meron pala talagang nakalaan para sayo. Hindi man sya yung nasa checklist mo. Hindi ka naman nya susukuan. At kahit ilang dasal na ang gawin mo na alisin sya sa buhay mo, gagawa at gagawa pa din talaga si God ng paraan para pag lapitin kayo. 

Saan ko nga ba nakita ang aking Mr. Imperfect Right ko. Ito ay isang dating app na pwede lng sya sa mga taong nasa Autsralia. Doon kami nag simula. Nagkita sa Starbucks amd the rest is history. Nagtatanong yung iba ano nga ba ang sikreto? Siguro para sa akin, kailangan mong imulat ang mata mo. Minsan pinipilit natin ang mga bagay bagay na hindi naman para sa atin. Darating ang para syo, kailangan lang makinig ka kay God kasi sa right time nya ibibigay eh. At kung wala pa, find love somewhere else, like your family, your friends, your travels. Iba iba naman kasi yan ng tadhana. Iba iba tayo ng purpose sa mundo. Sa akin ito siguro. 

PS: 3 manghuhula sa pinas sa iba't ibang lugar ang nagsabi sa akin na ibang lahi ang mapapangasawa ko. Pilit kong iniwasan para i prove na ang hula ay hula lamang. pero dun pa din talaga bumagsak. 

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...