Wala din naman akong inspirasyon na magsulat ulet pero ayoko naman na amagin na ito at pagbukas ko ay mga spider web na sya. Pano na ang mga taga subaybay ko na walang awa sa kanilang sarili dahil nagaaksaya ng oras sa pagbisita sa link na ito.
Kaya naisipan kong mag post na tungkol sa aking sarili. Tungkol sa aking pagkatao. Sa taong dahilan ng wlang kwentang blog na ito. Para naman maintindihan nyo kung bakit ganitong mga bagay ang mababasa dito.Ewan korni nga siguro itong naisip ko..hahaha...just for the sake na nag post ako...
una, bakit nga ba Emoterang Nurse?
sa totoo lang hindi ko alam. Dati kasi buong pangalan ko ang nakalagay dyan kaso parang ang hirap tandaan pag ganun eh. Kasi naman laging nalalagyan ng 'R' iyong pangalan ko kaya naisip kong kailangan ko ng code name or pen name na mas madaling tandaan. At nung panahon na iyon medyo emo mode ako kaya naisip ko bakit hindi emotera,pero anong klaseng emotera? pwedeng emoterang bata di ba? kaso para kung kawawang bata pag ganun. Dahil nurse naman ako naisip ko emoterang nurse na lang. Baka may makilala din akong nurse pag nabasa nila ang aking code name.
pangalawa, bakit pink ang background??
dahil tamad akong mag hanap ng codes para dito, ung ready na template na alng dito sa blogger ang ginawa ko. eh kasi naman pag kumuha pa akong ng codes sa kung saang site, good bye to my links. at iisa isahin ko na naman ang mga codes, tamad pa naman akong ulitin ang mga yun kaya ito na lang. Girl na girl naman ang color at maayos naman syang tingnan kaya pwede na din.
pangatlo, sino nga ba talaga ako?
Ako ay isang blogger na 21 years old na mukhang 12 years old. Hahahaha. Isang Nurse na nagaalaga sa mga pasyenteng nangangailngan ng aking kalinga. Isang simpleng tao, na may kababawan sa buhay. Taeng yan! Paulit ulit na lang ata ang sinasabi ko.
those who don't know me think i'm quiet but those who know me, wish i was
ganyan akong tao, kabaligtaran nga siguro ng wat you see is wat you get.
Ako iyong tipo ng tao na tahimik sa unang beses pero sa paglipas ng panahon, sinsabi nila na luka-luka daw ako. Para akong bahay bata, kailangan mo muna dumaan sa vagina bago malaman na aking kahalagahan. Parang uvula na kailangan mu muna ibuka ang bibig para makita ang aking totoong pagktao.
Hindi naman sa plastic ako. Kasi ang plastic mapag panggap. Pero ako, pag ayaw ko ayaw ko. Hindi mo ko mapipilit, lalo na pag recitation sa harap ng klase. Ooops!! dati pa yun nung elementary pa ko dahil nung nag college pala ay kumapal na parang swelas ng sapatos ang mukha ko dahil sa halos araw araw na reporting sa harap ng klase. At pagiging stalker ko...hahaha...sabi nila stalker daw ako, pero sa totoo hindi... Ako lang iyong tao na pag kinwentuhan mo ng tungkol sa sarili mo o tsimis sa ibang tao ay makikinig ako ng buong puso at after few months, maaalala ko pa din yun. Kaya madami akong alam na impormasyon na alam dahil sa mga kwentong yun.
Minsan kaya ako tahimik dahil i give others a chance, wat i mean is hindi ako iyong tipo na eepal para lang mapansin. Observant akong tao, nakikinig sa bawat kwento, nakamasid sa bawat galaw at nagre react sa mga bagay bagay. May kaartehan din naman siguro ako, pero alam kong nasa lugar naman ang pag iinarte ko. Hindi ako iyong idealistic na tao, ako iyong taong realistic. Ang hirap i-explain nun kasi english eh.
Basahin nyo na lang ang mga pambobola ng aking mga katototo sa sikat na sikat na friendster.
ang kaibigan kong wlang kinata2kutan....dahil nka2takotwala daw kinakatakutan??haler?takot ako na maospital at sumakay sa space shuttle...hahaha
xa,....hahahahahahahaha (nonsense...)ang masa2bi ko lng sau, aking kaibigan
ay... "great things come in small packages" -from my college
friend, ERNIE
ito ang aking first seatmate sa college.. nung una
sinusungitan ko pa siya kasi naman napaka talkative nya para sa isang matahimik
na tulad ko!!! lagi siyang nakikinig sa mga story ko, mapatungkol sa skul,
lovelife, family at kalibugan! lagi siyang game sa lahat ng iyan, nung 1st sem
nga, tuwing gabi ata ang tawag nito sa bahay nagtatanong kung ano mga
asssignments namin.. -from greyzie, college seatmate
-------------hahaha, binuko ako na hindi ko alam lagi ang assignment
Tong girl na to!!! Small yet so terrible!!! Astig to ksama!!! Lagi ko to ksama---------------mahilig talaga magtext eh noh?? napaghahalata...
dti nung 4th yr ksama si hazel at pb!!sobrang kulit tlga!!! Me toyo din to tlad
ko kya ngkakasundo kmi!!saya saya to ksama!!! As in pagtumawa to eh sasakit ang
tyan m!!!Mkulit pro maasahan tong friend ko na to!!! Very trustworthy pa!!!Pro tong
friend ko na to ang di nakakalimot sa kaibigan katunayan eh tntxt ako nito
lagi!!! -from Aiben, high school friend
Iyan ay mga bahagi ng testimonial sa friendster ko...may katotohanan naman ang mga yan...
Lecheng post na ito,
walang kwenta... pero salamat at binasa mo...
sa susunod na lang ang may kwentang posts...ipapahasa ko muna utak ko o kaya naman bibili ko ng brand new na utak, san ba makakabili nun???
sa divisoria at quiapo kasi puro slightly used...
13 comments:
d pa hasa? e ang lupit na ng posts mo.. potek pano pa kaya pag nahasa?
hahaha...malupit ba ito??
girl nman iba pa rin mga post mo, iba pa din ang mga sinusulat ng giutar hero...pero salamat sa comment nkakataba ng puso, dahil nanggaling syo..ANG LANDI!!!...:)
hay...pagtapos ng aking matagal na pag aantay d2 sa blog mo...meron na din akong nabasang bago..hehehe
pag nalaman mo kung san nakakabili ngbagong utak..pwede bang paki sabi sa kin..kailangan ko din atang bumili e..hehehe...=)
ok lang kahit ganyan ang template mo...cute naman yuung author e...=)
pareho tyo ng ugali pgdating sa katahimikan... ang galeng...!!! hahaha!!!
@rio
sensya na natagalan, hindi ko kasi lam kung san nga ba makakabili eh...hahahaha...pero infrom kita pag nakabili na ako...:)
@toxiceyeliner
pareho tayo teptep??hehe
apir!!!!
pareho tayo in a way.. isa rin akong malaking contradiction. ahihi
natawa naman ako.. ngaun ka pa nagpakilala at nagdisclaimer.. ahihihi :P
wow magkakaugali pala tyo ni ayzotot e.teka.since sham2x tawag ko sayo at tep2x tawag nio sakin, ay-ay nalang si ayz.ahahahahha
@ayz
pareho ba tyo??apir!!!!
wala akong maipost eh kaya yan na lang muna...hehehe
@toxiceyeliner
good idea yan...hahaha....
ay-ay pwede yun o kaya naman ayz ayz...
"ayz ayz baby..."
ewan ko ba dyan kay teptep! ahahaha.. ayaan mo na sya.. magaling mag isip ng nick yan si teptep e.. ahihihi
ala! pare pareho tayo! apir sham! :P
kung anu2 nga naiisip nyang c teptep...hehehe...
uu nga ayz...apir!!!!
hahaha wala ka kamong maisip na maisulat? di din mahaba ang entry na to ha. hehehe
haha! ok naman yung mukang 12 years old noh kung muka kang 35 matutuwa ka kaya? hehehe...
okay naman yung mga post mo ah...hmmmmm
-wei
@pogingpayatot
hahaha....copy paste lang naman kaya mahaba yan...
@wei
oo nga noh...hahaha
salamat!!!
Post a Comment