Ang tagal ko na palang hindi nagpopost ng entry dito at alam kong namiss na ko ng mga nasa blog roll ko kaya, (wag ng kumontra..haha) eto ako at nagbabalik para magpost. Sa totoo lang wala nman akong kwento. Nawala kasi bigla ang blogging mode ko dahil sa plurk. Kung ano ang plurk, click nyo yan. Ewan ko ba mas nagagawi na ako dun kaysa sa blog ko. Pero sympre, ang blogging ay isang bisyo ko na kay hirap talikuran, parang nakaraan na kay sarap balik balikan at
parang first love na ang sarap halikan.
Anyways,nitong mga nakaraang linggo,Halos araw araw eh nanood na ako evening news dahil na din yan sa gulo sa Mindanao at sa patuloy na issue ng Meralco na yan.Kahit na nagiinit ang ulo ko sa pagpanood, at tumataas ang blod pressure ko nagtyatyaga pa din ako saksihan ang mga kalokohan ng gobyerno. Isa sa mga news na napanood ko ay ang ginawa ng MMDA sa street vendors s R.Papa sa Manila. Alam kong mali din ang ginagawa ng mga street vendors. Mali talaga na magtinda sila sa lugar na iyon pero mas mabuti na siguro na makita silang nagtitinda dun ng mga pagkain kaysa naman ang mandukot, mang hold-up o magnakaw. At sabi nga nila sa interview, hindi ganun kadali ang makakuha ng puhunan para dun. Nakakalungkot lang isipin na ganun ang naging eksena dun.
Naalala ko pa nung mga college days ko ay naging laman na din ako ng street na yun at kumain ng sari saring pagkain na pwedeng mabili dun. Nung una ayaw ko din talaga kumain dun kaso dumating ang mga pagkakataon na kailangan kong mabusog kahit na nagtitipid ako. Jologs na kung jologs pero lahat naman siguro ng tao ay may pagka jologs na taglay. Inaamin ko, masarap din naman ang mga pagkain dun, Fish ball, banana-Q, calamares, mais at kung anu- ano pa. Sa awa ng Diyos eh hindi pa naman ako nagkaroon ng Hepa o Typhoid ng dahil sa mga pagkain dun. Kaya talagang hindi ko makakalimutan ang street na yun.Parte na siguro ng buhay bilang isang estudyante mula sa Unibersidad ng Malayong Silanganan ang magawi sa street na ito. Pero ng dahil sa mga taga-MMDA wala na ang araw-araw ng piyesta ng street food sa R. Papa. Isa nga ito sa mga lugar na namimiss ko sa Maynila eh. Sayang nga lang, hindi na ito gaya ng dati. Hindi na mararanasan ng mga college students ang magandang experience sa pagkain dun. Siguro ngayon, puro mga kotse na naka park na lang ang nasa kalsada at wala na ang mga food cart na pinanggagalingan ng mga pagkain na pantawid gutom sa murang halaga. Asan na kaya ang mga vendors dun? Anu na kaya racket nila ngayon?
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Saturday, August 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
13 comments:
shamy, taga UE ka din ba??
unibesidad kasi ng bandang silangan ang sabi mo e.hehehe
ako din ay mahilg kumain ng mga street foods...na miss ko tuloy ang hotdog na mamiso at yung calamares na tig do dos?? tapos malalaki...hehe
sa awa din ng maykapal, hindi pa din ako nabibiktima ng hepa-b..wag naman sana..hehe=)
ingat ka lagi=)
na miss kita=)
taas na ba karma ng plurk mo?
malamang sa ibang university naman sila ngayon,o kaya sa circle.pwede din sa luneta.hahaha
tsktsk!
kawawa naman ung mga vendors..
siguro ngayon relax mode muna sila..
tapos babalik din sila dun sa pwesto nila pag wala ng nagbabantay na MMDA..
pati ako rin..
nahumaling na sa plurk..
kakaasar kasi e..
di ka lang makapag-update..
biglang baba ng karma..
pero dibale..
enjoy naman..
hahahah
sham (feeling close!) taga-san u? ... wla lang madalas kc me b4 sa R.Papa.. sa Obrero ba.
ok lang ginagawa ng MMDA... dapat walang street vendors... sa palengke sila dapat magtinda... saka kawawa yung mga nsa loob ng palengke, hindi na sila papasukin.
SHamyyy bruha ka!! san ka ba nagpunta bababsunog ko plurk dahil iniiwan mo na kami!! Y_Y
teka at bakit bigla ka na din nag-mala political post at itinataguyod mo naman ngayon ang kapakanan ng mga vendors? aba kakalabanin mo ba ako sa eleksyon gerl?! hahahahaha. ako sa family planning ikaw sa vendors. ayos pang masa tayo gerl. hahahahah apir!
sobrang namiss kita. ^ ^
*di padin ako nagchecheck frenster kaya sory kng nasa pending add request padin ako, wag mo isipin di kita aaccept. sory tlg di lang ako nakakapag chck heheh
@rio
hindi po doc feu po ako...hehe
nakakamiss nga eh...sulit kasi dun...
na miss din kta...busy busyhan...:)
48 plang karma ko
@pensucks
hehehe...sana nga may bago na sila pinagkkkitaan...hehe
@ayyzzz
kawawa kasi sila pati ung puhunan nila natangay dahil kinumpiska ng MMDA
hahaha...korek ka dyan...kaya nga lagi tyong nagkikita sa plurk eh...hahaha
@roland
hehe...okay lang yun close na tyo from now..hahaha... rizal po ako pero manila ko nag college
ang target kasi ng mga vendors ay college students...nakakaawa lng kasi mas okay na yung ganun sila kaysa nman magnakaw, mandukot o mang snatch db??
@Tentay
wag mo nman ipasunog ang plurk...gerl, nagbabalik na ako...hahaha...misan na lang ako dun...nauubos oras ko eh...
APIR!!!
cguro pag medyo over na sa pagiging emotera at medyo okay na ang lhat dadating tlaga sa panahon na medyo political na...wag ka mag alala senador lang ang pwesto ko...kw pa din ang presidente...go taray club!!!haha
miss ko na din kaw ng sobra...kaya eto nagbabalik na ako sa blogsperyo...:)
*okay lang yun gerl,minsan ko lang din nman buksan ang account ko sa FS kaya accept mo na lang pag may time ka...:)
ay gerl... ahahahah!! kumakain den ako nang pisbol at calamares.. jologs den ako!!
mga MMDA nga naman.. walang awa minsan no??
hindi lahat ng tama, ay maganda.
hindi lahat ng mali, ay tama.
maganda ba sa plurk? di ko magets eh hahahaha. bobo ko sheteng...
shamyyy,, mawawala muna ko sa blogging huhuhu... imessage mo sakin cp number mo sa fresnter txt txt tauuu... =(
heheh..yeah, konti na lang mga nagtitinda dun... and akshalli, lumilipat na sila ng pwesto..sa mau NOBAL NA! waaahh~
-
wei
hahahak ako ren naadeeek dun sa plurk na yun. hellow! akow nga pala un uriko dun..
xP eh bmba naman karma kow. nga pala exchange links tayow!!:))
napabayaan ko na nga ren blog ko..
hihi sigi sigi .gudluck sa training mow!!:))
ok lang yan, illegal ang pagbebenta sa kalye.
kaya iboboto ko si bayani sa susunod na eleksyon.
pero tama kayo masarap ang street foods, pero mahirap din matyambahan ng hepa.
Post a Comment