Saturday, October 24, 2009

ang pagluluksa

Nung nakalipas na mga buwan hindi ko akalain na ang isa sa mga taong pinakamahalaga sa akin ay kukunin na ni Lord. Napakasakit. Wala na ang lola ko na sasabihin sa kin na matulog na ako dahil galing ako sa trabaho. Wala na ang taong magsasabi sa kin na kumain na ko pagkagising ko. Ang isa sa mga taong nagaruga sa kin simula noong kabataan ko. Wala na siya. Mahirap tanggapin pero we need to move on and accept the fact that she's gone.

Pinipilit kong pumasok sa trabaho para lang hindi mo maramdaman yung pain na dulot ng pagkawala nya. Unti unti pa nga lang ako nakaka move on at ang aking pamilya ng biglang sa hindi inaasahan pagkakataon ay sumunod naman ang ang tiya. Ilang linggo lang ang pagitan nila. Mahirap tanggapin pero kailangan. Yun ang reality eh. Dati naisip ko pano kaya yung mga taong namamamatayan ng mas higit pa sa isang taong mahal mo. Dun ko na realize na hindi ganun kadali. Kala ko mas ok kasi parang sabay lang halos eh, parang isang bagsakan na lang.


Nakikita ko ng mga tao na parang wala lang sa kin ang lahat pero deep inside kinakaya ko lang. Dahil kung bibigay ako, parang ang hirap para sa amin nun. Ito ang mga panahon na kailangan eh matatag ka. May time pa na para akong baliw dahil umiiyak ako on my way to work. I don't care kung nakatingin na sa kin mga kasakay ko but I have to release those tears to make me feel better.

Sabi nila dapat daw maging masaya ka for them because their sufferings was over pero kahit anong gawin mong pag convince sa sarili mo na maging masaya for them, masakit pa din eh. May mga time na maiiyak ka once na may mahalagang okasyon or makita mo yung mga things na connected sa kanya. Sabi nga ni Kris Aquino " We lied when we said we will be OK". Sa totoo kasi, mahirap maging ok kahit na tanggap mo na dun din naman papunta yun.

Death is terrifying because it is so ordinary. It happens all the time.

Wednesday, June 3, 2009

bulilit bulilit muling nagbabalik

balik eskwela na naman ang mga estudyante.Balik traffic na naman sa kalsada. Balik gastos sa mga magulang. Kaya eto ako, nagbabalik din sa aking tahanan. Parang ang tagal ng aking pagbabaksyon.. bilis talaga ng panahon oh.

parang kailan lang estudyante pa ako.grade school ako nauso sa school yung pagandahan ng pencil case. padamihan ba nga ng layer at padamihan ng mailalagay dun. Tapos uso din ang mga bag na may stroller. kahit na mabigat yun, sikat ka pag may ganun. Dumating din ang rubbershoes na kapag nagjumping jack eh iilaw ng color red ung sapatos mo. Parang dati ang liit ko pa samantalang ngayon... haaayyy maliit pa din naman ako...wahahaha

anyway, masarap talaga maging bata. konti lang responsibilidad at konting bagay lang masaya ka na. pero may isang commercial talaga na ilang buwan ng kinaaliwan ko at yun ay ang commercial ng Camella homes....hahaha


Sensya na friends sa sobrang tagal ko ng hindi naka pag post. ang corny na ng lumalabas sa utak ko....Sa susunod na lang ulet...nakakamiss kayo...

Thursday, January 8, 2009

by the looks

Bumalik na naman ang aking emotera side kahapon. Naglalakad ako sa Edsa Sentral na may pumasok sa isip ko. Kaya yan share ko na lang dito ang aking narealize kahapon.



By the looks? Bakit nga ba yan ang title. Ah kasi iba't ibang tao ang nakasalubong ko sa paglalakad. May cute, may guapo, may hindi kagandahan, may maganada, may feeling guapo, in short iba-iba. Kung dati, manlalait talaga ko physically at sobrang tinitingnan ko ang pisikal na katangian ng tao, ngayon hindi na ako ganun. Siguro dahil na din yun sa dami ng nakilala ko at sa paglipas ng panahon ay nag iba na din ang pananaw ko sa buhay.Dati, mga sobrang guapo talaga ang crush ko pero ngayon hindi na. I look in the inner beauty of a person. One time, may nanligaw sa akin. Guapo talaga, as in maputi, matangkad at proud ka talaga na ikaw ang gf nya. Pero hindi ko sya sinagot dahil sobrang yabang at medyo may pagka slow sya. OoooopS!!!! Hindi po sa nanalait ha. May point in making this post is hindi mahalaga ang panlabas na kaaanyuan ng tao para magustuhan mo sya. Para sa akin, I need someone na may sense, yung hindi lang katawan mo ang habol sa yo kundi ang buo mong pagkatao including your attitude.


Mas mahalaga sa kin na may sense kausap yung tao kaysa guapo sya. Kasi kahit na mapunta kami sa isang island o makulong sa isang lugar okay lang. Hindi ka ma- bored dahil alam mo na iyong kasama mo ay hindi lang mukha ang maipagmamalaki. iyong kahit na kayong dalawa lang eh masaya iyong pag-uusap nyo dahil may kasama din humor ang pag-uusap nyo. May mga nakilala akong may mga ganitong katangian. At napahanga talaga ko. Siguro epekto din ito ng pagbabasa ng isang kwento na binasa ko habang nasa work ako eto oh TWENTY QUESTIONS.

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...