Nung bata ako, laging sinsabi ng mommy ko na may nagbabantay sa aking guardian angel. Hindi mo daw yun nakikita pero inutusan yun ni God para bantayan ka. May mga times nga na kinakausap ko angel ko para ingatan ako lagi. Hanggang sa lumaki ko ay pinaniwalaan ko na binbantayan ako ng angel ko.
Pagkalipas ng panahon, may lalaki akong nakilala, si Angelo, ito yung time na nasa simbahan ako at umiiyak kay God dahil sa isang kabiguan sa pag-ibig. Para syang anghel na bumaba sa lupa.Pinahiram nya ko ng kanyang panyo para sa aking mga pumapatak kong luha dulot ng sakit sa pagkabigo. Pinagaan nya loob ko ng mga oras na yun, at ang mga luha ay napalitang ng mga ngiti sa aking labi. Nagpalitan kami ng numbers at nagpatuloy ang aming komunikasyon. Dito nagsimula ang panibagong kabanata ng aking buhay pag-ibig.
Makalipas ang ilang buwan ay naging magkasintahan kami ni Angelo. "Angel" ang endearment na ginamit namin sa isa't isa. Masaya ang aming naging relasyon. . May mga tampuhan pero agad din naman namin naayos bago lumipas ang isang araw. Andyan sya para pasayahin ako pag malulungkot. Andyan sya para sa mga espesyal na araw sa buhay ko. Iningatan nya ako at pinahalagahan ng higit pa sa pag-aalaga ko sa aking sarili. Masayang- masaya ako sa piling nya. Sya na nga ang lalaki para sa akin. Ngunit dumating ang isang pagsubok sa aming relasyon. Pumasa sya sa exams nya sa academy at magrereport na para sa medical nya. Masaya ko para sa kanya dahil isa ito sa mga pangarap nya. Sa totoo lang ayaw ko na pumasok sya don. Pano na ko?? Malalayo na ko sa angel ko.
Dumating ang raw ng pagpasok nya sa academy. Nawalan kami ng komunikasyon dahil bawal ng cellphone sa loob. Ito ang mas lalong nagpatibay ng aming relasyon. Lagi nyang sinsabi sa akin na kahit na malayo kami tumingin lang ako sa langit at wag magalala dahil "were still under the same sky and he'll never be that far".
Pagkalipas ng mga araw at buwan, natapos nya ang unang taon. Nagkaron na din sya ng cellphone at nagka access na din sa internet. Hindi man sya pisikal na araw araw kong nakakasama pero at least nakakapagusap na din kami ng madalas. Hindi ko nakakalimutan ang mga take life nya magkausap lang kami. Minsan din naman ay dinadalaw ko sya sa academy para may quality time pa din kahit minsan. Hindi ko din makakalimutan na lagi nya akong kinakantahan.
"the laughters, the sorrow
pictures in time
fading to memories
how could i ever let you go?
is it too late to let you know?"
Lalong pumatak ang mga luha ko habang bumalik sa kasalukuyan ang aking isip. Nasa parehong simbahan ako kung saan kami nagkakilala ni Angelo. Andyan ang kanyang pamilya, kaibigan, mistah at mga kakilala, halos lahat ay nakaputi. Amoy na amoy ang bulaklak. Maaninag na din sa bestida kong puti ang umbok ng aking tiyan.
Muling naglakbay sa nakaraan ang aking isip. Hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Ang gabing bumago sa magiging buhay ko sa mga susunod na panahon. Mahimbing ang aking tulog habang nasa duty nya si Angelo. Dalawang taon na syang nakakagraduate at ganap ng opisyal.
"When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm stronger I've figured out
How this world turns cold
And breaks through my soul
And I know, I'll find deep inside me
I can be the one
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven"
Nagising ako sa pagkanta nya. Nagulat ako, akala ko pa naman umuwi na sya mula sa duty nya. Ringtone ko nga pala ang version nya ng your guardian angel. Natuwa ako ng makita ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko. Ang guardian angel ko talaga kahit nasa operation hindi nakakalimot na kumustahin ako. Excited pa ko sagutin ang tawag nya kahit naudlot ang masarap kong tulog...
i've tried to run from your side
but each place i hide
it only reminds me of you.
when i turn out all the lights
even the night, it only reminds
me of you.
Hinimas ko ang maumbok kong tiyan. Anu ba yan kung saan saan na napadpad ang utak ko habang nasa loob ng simbahan na ito. Andito ko para sa aking Angelo. Pumatak na naman mga luha ko. Tumungin sa paligid at huminga na malalim. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang lungkot at pagdadalamhati.
Iniwan nya na ko ng tuluyan. Bumalik na sa langit ang guardian angel ko....
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
2 comments:
like it though it is a sad love story...but well lets face the fact that in love it is not always end in 'happily ever after'...
mahusay.... sana mas pinahaba mo ng kaunti para mas nahook ako sa kwento. nevertheless mahusay!
Post a Comment