Monday, May 2, 2011

matandang dalaga na ba ako?

laging bigo
laging sawi sa pag-ibig
minamalas, oh kay sakit
may balat nga ba ako sa pwet?
mabuti pa ang tindera sa aming kanto
nakakainggit
tl..
ang sweet nila ng kanyang nobyo
gusto ko lang maranasang umibig
tamaan ni kupido
gusto ko lang maranasan ang langit
tumibok muli ang puso ko


Tumatakbo ang oras naiiwan na ako
ng panahon
Di na nagbago bawat araw
pare-pareho
parang kahapon
tumakabo ang oras
-MOJOFLY

'Yan ang kanta na sinabi sa kin ng tita ko na bagay sa akin. Hanggang ngayon kasi wala akong pinapakilala na jowa sa kanila. Tumantanda na daw ako at kailangan ko ng humanap ng makakasama sa aking pagtanda. Ang mga kamag anak namin ang laging tanong "Ikaw kailan ka papakasal? Asan ang boyfriend mo?" Halos karamihan din sa mga kaibigan ko na nasa FB eh ikakasal na or meron ng pamilya.

Actually, para sa akin hindi naman ako nagagahol or nagmamadali. 24 years old pa lang naman ako at hindi pa ko maicconsider na old maid or matandang dalaga. Masaya pa ako sa pagiging single at hindi pa ako handa na humarap sa pang habang buhay na relasyon. Alam kong darating din ako sa ganung parte ng buhay pero hindi pa ngayon. Marami pa akong mga pangarap na gustong maabot at alam kong hindi ko yun mararating kung magkakaroon na ako ng sariling pamilya.

Bakit nga ba hanggang ngayon eh kahit jowa wala ako? Choosy ba ako or hindi lang ako lapitin ng mga boylets? Hindi ko alam ang sagot dyan. Meron naman mga nanliligaw pero hindi ko lang talaga nakikita ang sarili ko kasama sila. Kung tutuusin okay naman sila, may mga trabaho, okay ang pamilya at masayang kausap pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw ko maging committed. Alam kong hindi lang ako ang babae na nakakaramdam ng ganito. Ilan din sa mga kaibigang kong babae ang single at ganito ang sitwasyon.

May kasabihan nga na ' as a woman gets wiser it is harder for her to find a man'.

Meron akong dalawang kwento na ibabahagi. Dalawang kwento na may magkaibang ipinupunto.

Unang kwento:
May isang may ari ng taniman ng bulaklak. Sabi nya sa isang babae pumunta sa hardin at pumitas ng isang bulaklak na sa tingin nya ay pinaka maganda sa lahat ng tanim at walang kapareho sa lahat, ngunit, pag nalampasan nya na ang nasabing bulaklak hindi nya na pwedeng balikan bagkus ay pwede pa din sya pumitas sa mga bulaklak na makikita sa iyong paglalakad. Ginawa nga ng babae ang sinabi nga taniman ng may ari. pumunta sya sa taniman. Sa paglalakad nya may nakita syang magandang bulaklak. Hindi nya pinitas dahil naisip nya na baka may mas maganda pang bulaklak sa gitna ng taniman. Nagpatuloy sya sa paglalakad at may nakita na naman syang napakagandang bulaklak. Ito ang pinaka maganda ang kulay at pinaka katangi tangi pero hindi nya ito pinitas dahil iniisip nya na mas may maganda pa sa mga susunod na tanim. Nagpatuloy sya sa paglalakad at wala na syang nakita katulad ng nakita nya kanina. Napansin nya na malapit na sya sa dulo ng taniman. Pumitas na lang sya ng isa sa mga nakatanim. Maganda din naman ang napili nya pero hindi kagaya ng nadaanan nya kanina na katangi tangi at pinaka best sa lahat ng nakita nya sa taniman.

Pangalawang kwento:
Ito ay isang kwento ng isang prinsesa, bago namatay ang kanyang mga magulang sya ay pinamanahan ng isang singsing. Kabilin bilinan ng kanyang ama na ibibigay lamang nya ang singsing sa karapat dapat na tao na alam ang kahalagahan ng singsing.
Dumating sa buhay ng prinsesa ang isang hardinero. Natuwa ang prinsesa sa kanya at inisip nya na sya ang tao na dapat nyang pagbigyan ng singsing. Ibinigay nya ang singsing sa hardinero pero hindi nito alam ang tamang paggamit sa singsing. Ginamit nya ang kanyang pagtabas ng damo sa singsing at nawala lang ito sa porma at inisip na wala ng silbi ang singsing kaya tinapon nya ito sa ilog na malapit sa palasyo. Nagulat ang prinsesa sa ginawa ng hardinero at nagiiyak. Pinabayaan sya ng hardinero at iniwan. Naging malungkot ang prinsesa dahil sa nangyari.
Isang araw may dumating na prinsipe. Minahal sya ng prinsipe ngunit wala na ang singsing na dapat ay para dito. Kahit na anong gawin nilang hanap sa ilog alam nilang hindi na nila ito mahahanap.

Parehong may point ang kwento ko. Isang nagantay sa tamang tao ngunit huli ng malaman nya na lumampas na pala sa buhay nya ang taong karapat dapat sa kanya. Yung isa naman ay isang taong hindi naintay ang tamang tao at nagmadali.

Sa aking mga taga subaybay, kayo na ang bahala mag isip kung ano ba ang tama. Para sa akin dadating ang tamang tao para sa akin. Isang tao na hinintay ko at makakasama ko habang buhay. Makakasundo sa mga bagay bagay at desisyon. Kaya kung asan ka man, MAGPAKITA KA NA PLEASSSSSEEEEE!!!!

Sunday, January 9, 2011

taghiyawat

Ito ang unag post ko sa blog na ito ngaung 2011. Sa lahat ng followers ko, salamat sa patuloy na pasuporta. Medyo busy lang kaya ngaun lang ulet nakabalik. Madami inasikaso sa trabaho, pamilya, kaibigan, love life at pati na din kalusugan.

Isa sa mga naging problema ko last 2010 ay ang pimples ko. Actually, normal lang talaga skin na may pimples pero paisa isa lang at usually iyon ay pag magkakaron na ko ng monthly period. Pero last September, ang paisa isa kong pimple eh dumami at hindi ko na mapigilan. Napilitan akong pumunta sa aking dermatologist para naman mawala sya. So what happen is kailangan ko bumisita every two weeks for facial and glycolic peeling tpos drink lactoferrin everyday plus the morning and evening rituals for BP gel, tretenoin and clindamycin. Sa mga ito medyo mahirap din kasi ang sakit na nga sa mukha nung facial and sakit pa sa bulsa dahil 1500pesos ever session sa derma wala pa yung mga meds. Medyo nawala naman sya na konti kaya lang medyo hindi ako satisfy kasi ang tagal ng process eh. Mostly na din ng mga kakilala ko eh nagugulat dahil tadtad na ng pimples mukha ko. Nakakawala na din ng self confidence kaya I decided to find other ways para mawala sya. Sakto naman na nakausap ko yung trainor ko. He let me try to use BEAUCHE.

Hesitant ako gumamit ng product na yun. First time ko kasi narinig yun eh, so nagresearch ako para malaman kung ano ibang testimonials ng ibang tao regarding sa product kahit na nakita ko naman yung effect dun sa trainor ko.

Nag search ako sa net nung mga places na malapit sa min na may ganun and bumili ko. try ko kaagad to see anong effect sa kin. first few days medyo naging smooth face ko and natuyo yung mga pimples ko but after few days doon na dumating ang tiis ganda. sobrang nagbalat ang mukha ko. Moisturizer ako lagi pero ganun pa din talaga. Balak ko ng itigil sana sya kaso nabasa ko naman sa ibang users na ganun tlga during first two weeks.

Its my three weeks now of using the product, ok naman sya. Humupa na ang pagbabalat. wala na masyado pimples pero may mga marks pa din. Smooth and rosy cheeks na ko because of the product. For only 710pesos for one month nakita ko talaga yung changes. Kaya ngaun continous pa din ako sa paggamit at medyo proud na ko sa face ko kahit wala ng face powder ok lang...:)

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...