- Ang weather sa Melbourne ay traydor, araw araw pagkagising ko sa umaga weather agad ang una kong titingnan. Bakit? kasi kahit na umalis ka ng bahay mo na tirik ang araw lalamig at lalamig din talaga sa hapon kaya ang jacket or cardigan, dapat lagi mo dala.
- Hindi "fries" ang tawag sa piniritong patatas "chips" ang tawag dun. Oo, ang chips ay yung mga produkto ng Jack and Jill pro dito yun yung kasama sa Mcdo Meal o Sa KFC Meal.
- Ang tissue at wipes ay karaniwang flushable so kahit saang toilet ka pumunta wag kang magugulat kung walang basurahan para sa tissue dahil pwede mo naman i-flush yan.
- Hindi sila magaling sa spelling. Kung anung bigkas syang baybay, kaya wag mong pagtawanan ang mga puti kasi ganun talaga sila. Hindi nila ginagamit ang "Z" sa mga salitang ORGANISATION, ANALYSE, REALISE etc. Hindi ka wrong spelling kung "S" ang gagamitin mo.
- LATER. Sa atin ang meaning nyan ay mamaya. Dito hindi ganun. Parang meaning nung eh sa susunod o pag sinabing 'See you later' parang goodbye yun. Kaya wag maguluhan kasi iba yung gamit nila sa salitang yun.
- Pag sinabi nila na HOLIDAY hindi ibig sabihin na Rizal Day or Araw ng kagitingan o Labour Day. Sa kanila ang meaning nun eh VACATION. Summer Holiday, Christmas Holiday or School Holiday.
- Ang pabati nila sa yo pag nagkita kayo ay "Hey Mate!" "How are you doing?" kahit na wala sila sa mood sasabhin nila yan syo for the sake na binati ka nila. "Mate" ang tawag nila sa mga friends.
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Tuesday, May 14, 2013
Buhay Melbourne
Isang taon na din nakakaran buhat ng manirahan ako dito sa Melbourne, Victoria, Australia. At sa loob ng panahon na ito, madami akong natutunan, kwentong napakinggan at mga puting nasilayan. Cliche man na masasabi pero hindi naman talaga ganun kadali na manirahan sa ibang bansa. Lungkot, lamig at lumbay ang araw araw mong makakalaban. At sa sobrang boring ng aking pakiramdam, binisita ko ulit itong aking santuaryo. At sa aking mga taga subaybay at taga basa eto ako, buamabalik upang ibahagi na alam ko, mga bagay na nakakatawa kung iisipin pero mahalaga sa buhay mo kung pupunta ka dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
1 comment:
Gusto Online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
Post a Comment