Possible naman ito, ilang lalaki din naman ang naka close ko at naging tunay ko talagang mga kaibigan. Katunyan nga ang aking bestfriend ay lalaki. Pero hindi ko naman siya pinagnasahan. Ay naku, alam ko mga lihim nya ata alam nya ang mga lihim ko kaya paanong magnanasa ako sa lalaking iyon. kahit na nga matulog kaming magkatabi wala, as in walang mangyayari...
May mga pagkakataon na akala natin love mo na yung tao kasi concern ka sa knya yun pala hindi love nga yun, love para sa isang kaibigan. Kaya ka concern sa kanya dahil nga you like that person as a friend...Oo, nangyari na ito sa kin, kala ko talaga love ko sya yun pla hindi...kaya ngayon mas pinili namin ang maging friends after ng 10 months namin na pagiging mag jowa...Mas okay nga yun kasi hanggang ngayon friends kami at magdadalawang taon na kaming friends after our break up...Maganda na din db kasi mas nagtagal kami sa ganun... Mas naging okay ang relationship namin as friends...
Teka, pero minsan may mga pagkakataon na more than friends na ang tingin mo sa kaibigan mo, as in kaya ka nag eeffort ay dahil mahal mo sya. Sya ang pangarap mong maging karelasyon. Sya ung kasama sa mga daydreaming mo. At ang fave song na nasa mp3 mo ay para sa kanya. Kinikilig ka pa pag nagkakasama kayo kahit andun ang buong tropa na walang kaalam alam sa iyong nararamdaman. Minsan naman kasi sweet sa yo si friend kaya feeling mo na din ay baka more than friends na din ang tingin nya syo. Baka mutual pala ang nararamdaman nyo at takot lang sya kasi nga friends kayo...
Sabi nga nila mas magandang pundasyon sa mga mag jowa ay nagsimula kayo as friends at least daw kilala nyo na isa't isa. Lam mo na kung ano ung mga tantrums nya at mga weaknesses nya...Pero bakit minsan ang friendship ang nagiging borderline, ang dahilan kung bakit hindi pwede pa ituloy ang relasyon nyo sa mas higher level. Pag kasi friends bawal mong taluhin. Baka masira lang ang nasimulan na friendship at magkailangan na kayo...
Ikaw??Handa ka ba na mag risk, i-risk ang friendship para malaman nya na mahal mo sya?? O mas mabuti na yung friends na lang kayo at least yun mas magtatagal kayO?? Mas okay na ba syo ang pagnasahan sya ng lihim o sasabihin mo na sa kanya ang iyong nararamdaman at bahala na si batman?? Bahala na kayo!!! Basta ang alam ko hindi ko ito kwento...para ito sa mga friends ko na nasa ganitong sitwasyon...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
dahil sa feedjit nalaman ko na lumalabas pala ang aking site pag nagsearch ka ng tungkol sa:
- saan ako makakakita ng babaeng nanganganak
- kwentong barilan
- kwentong kalibugan ng mga babae
leche, wholesome p0 akong tao at nakakagulat na isa sa mga lumlabas sa yahoo at google search ang link ko...nakakatawa...hahahahaha...hindi ko alam bakit ganyan...pero okay lang sana may mapulot sila sa blog kong ito...hahaha
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
16 comments:
ako okey na ako sa prendship na turingan.naranasan ko na din yan, pero mas pinili ko pa rin ang kaibigang turingang.
the greatest mistakes we make are the risks we dont take... so if you think something will make you happy, go for it so that you wont live your life askin' "what if?"... and if ever those risks dont turn out well, remember, it's still better than having to end up wondering what could've happened and saying: "if only"...
sensya na habang tinype ko yan eh dumugo ang ilong ko, pupunas muna ako shammy. hahahahhaha...
ayon nga sa mga madalas na natatangap na kowt, madalas ang pagkakaibigan ang simula ng lahat. pero iyon din ang linyang gumuguhit ng limitasyon ng lahat.. panira eh no. lahat nlng di pwede. pakshet na life ito!!
natawa naman ako sa fidjit result mo gerlalu. isa ka palang rated PG hahahahah!!
tampo ko ha hindi mo ko dinaanan non wikend. =(
@pensucks
mas ok na din tlga ang friendship mas nagtatagal kasi ung gnun eh...mas less ung complications pag gnun...
@tentay,
gerl, ng binasa ko ang first paragraph ng comment mo...sasabihin ko sna na dumugo ilong ko...nosebleed tlga...hahaha...magpunas din muna ko gerl...hahahaha
nabasa ko na din ang quote na yan gerl,kagulo tlga nyang friendship eh...
ay naku tentay, wholesome ang aking blog pero yan nag mga lumabas...natawa nga din ako dyan...hahahha
gurl, dumaan ako sa blog mo dis weekend...wala ba ako comment???
ay naku may sira tlga ang aking pc...wag ka na tampo gel...smile na...:)
hahaha..
nakakawindang na fidjit!
mas okey din sa akin yung prenship na lang.. basta bahala na c spiderman :D
nakakarelate ako sa post mo. :)
binasa ko ulit, nagpadugo lang din ng ilong at heto anemic na ko bruha ka! hahahahahaha
asus palusot ka pa sisishin mo pa un pc mo eh baka di mo na click un "OK"
hahahaha inaway eh no!
@ayyzzz
kawindang talaga hahaha...
mas ok na nga pag friendship n lng
@dakilang tambay
tlga??APIR!!!!
@tentay
ayoko na basahin ulet baka himatayin pa ako eh anemic na nga ako..hahahahaha
PUBLISH YOUR COMMENT ang hindi ko na click...hahaha
inaway tlga ako dito eh noh...taray club k tlga...hahahaha
hayyyy.. dapat lagyan ng linya sa gitna palagi ang pagkakaibigan.. para lam mo kung lumalagpas ka na at kaylangan mo umurong..
para sakin mahirap yang ma fol ka sa kaibigan mo.. kung prehas lang na nararamdaman, ok lang.. pero pag one way.. isip sister.. maraming maguguho..
letcheng pagibig!
*antok mode*
hehe...kung ano talaga feeling mo, ilabas mo ^^
-
wei
Uhmmm... Hirap atang sagutin ng mga tanong na yan...
hehehe...
"kwentong kalibugan ng mga babae"
-- hahaha natawa ako dito. ang kulit!!!
pero sa serious side muna, hmmm nakakarelate ako. di mo din minsan masasabi kung mas okey ba talagang sa prendship muna magstart ang lahat... :(
mahirap maging hypocrite hehe...
kalibugan? apir! ahaha!!!
@jhamy
mahirap talaga gerl pag friends eh...mahirap mag cross sa borederline pero pag pareho naman mas ok...go lang...
letseng pagibig nga...hahaha
@wei
mahirap din cguro...yung friend ko kasi ndi nya mailabas eh....
@axel
hirap nga...salamat sa pagdaan axel...first time mo naligaw dito...hehehe
@LV
natawa din talaga ko nung yan yung lumabas...hahaha
okay lang yan LV...tama na ang emo mode...inuman lang ang katapat nyan...hahaha...nagbabalik ka na kaya happy post na ulet...:)
@chroneicon
nakakarelate ka chie??hahaha...
APIR!!!!!!
we used to be friends, then eventually exclusively date each other. and after two years- i/we ran out of reasons why we shouldnt be together.. ayown! (--,)
Oo nga eh, first kong nadaan...
Basta eto lang, kapag mahal mo i-Chroneicon mo.... este, i-Jollibee mo... LOL
Post a Comment