Tuesday, July 8, 2008

si kulasa, si tomas at ako

kahapon, pagkatapos ng mahabang confe ayun madali akong naligo dahil magkita kita kami ng high friends sa bagong bagong starbucks sa SM Taytay. Dahil sa taytay lang naman yun naisipan ko ng hindi magdala ng cellphone dahil sandali lng naman cguro namin iinomin ang isang venti na frapp. Pagkatapos ng mahabang kwentuhan at kodakan eh napagpasyahan na din namin umuwi dahil maguupload ang mga gelays ng pic.hahaha.



Pagdating ng bahay kinuha ko agad ang celphone ko. 40 messages received.

Binasa ko ung mula kay kulasa (si kulasa ay friend ko nung college at kasama ko ups and downs ng lovelife ko).



"girl, favor naman,text mo nga si bf, pls.pls.di nagrereply alam ko di pa yun tulog"



so tinext ko ang bf nya kasi simple lang naman ang favor na yun, tatawagin ko na lang sa pangalan na tomas ang bf nya, na hindi alam kung sino ko, basta pinatext sya ni kulasa sa kin

"nytnyt suplado...:)"


Nagreply naman si tomas after mga 10 mins cguro yun, after ko basahin ang lahat ng messages,
Tomas: alam ko kung sino ka...

Ako: cge cno nga ako?

Tomas: ikaw si tadz,hahaha

Ako:cno yun?

Tomas: bakit ba ayaw mo kong tigilan?ano pa ba gusto mo?

Ako: All i want is friendship

Tomas: sa mga nagyari sa atin b4 i dont think it is possible na maging friends pa tayo. simula nung nagdecide ka na magpakasal ka naputol na lahat sa atin



(napagkamalan pala ni tomas na ako iyong ex nya na niloko sya at nagpakasal sa ibang lalaki, naki ride na lang ako at pinanidigan ko na lang na ako nga iyong ex nya...)



Ayoko na isulat pa ang mga sinabi ni tomas sa text..mahahaba kasi at para na din sa privacy nya.

To make the story short, parang hindi pa totally move on ung si Tomas sa ex nya. Unfair yun para sa aking friend na si Kulasa. Imagine, magkatext kami kasi nga alam nya na ko iyong ex nya samantalang si Kulasa na present gf nya ay hindi nya nirereplyan.



OUCH!!ang sakit nun...dahil dyan naguilty na ko,di ko na nireplyan ung si tomas.

Text si kulasa sa akin
"girl, ano?ano na napagusapan nyo, makipagbolahan ka"

Ako: Nagreply, pero wait send ko syo mga messages nya.

Kulasa: I feel so bad girl, after all my effort akala ko ok na sya, akala ko sapat na ko para maka move on sya,un pla til now affected pa din sya. Parang ayoko na, ang dami na syang mga bagay na ginawa para masaktan ako pero pnbyaan ko lang kasi nga mahal ko..haayy

Sa pagkakataon na ito na gulity ako, feeling ko ang sama sama kong kaibigan. Imagine, ako pa ang naging way para saktan ang aking friend. I send some advice to Kulasa. sinabi ko na baka naman closure lang ang gusto ni Tomas kaya sya nagrereply.

I don't know what to do, pakiramdam ko napaka unfair ko sa ginawa kong ito. Nasaktan ko ang friend ko, nasaktan ko din si tomas dahil parang ibinalik ko ang sakit dahil akala nya ako nga ung ex nya, at unfair dun sa ex dahil wala syang kaalam alam na nagpanngap ako na sya.

Ang akala kong isang simpleng pabor na nagawa para sa aking kaibigan na si Kulasa ay naging cause na masaktan sya. Parang ang sama ko talaga.

Mali ba ako dahil ginawa ko ung favor na hiningi sa kin ni Kulasa?? Masama ba akong kaibigan dahil finorward ko pa kay Kulasa lahat ng text ni Tomas O naging totoo akong kaibigan dahil dun??

Kahit kailan hindi ko gawain ang manakit ng damdamin ng ibang tao, ang manira ng relasyon, ang maging dahilan ng kalungkutan ng ibang tao pero bakit ganito ang nangyari??

Okay lang na ako ang masaktan ng iba, ako ang malungkot. Mas kaya kong dalhin ang ganun kaysa ako naging dahilan. Ok lang sa akin na agawin ng iba ang mahal ko, ang sirain ng iba ang relasyon ko sa taong mahal ko, masakit yun pero ayos lang sa akin kaysa ako ang nakigulo sa may relasyon ng may relasyon.

Sana lang hindi sumuko si Kulasa at ipaglaban nya ang damdamin kay TOmas.

Kulasa, tandaan mo andito lang ako bilang kaibigan mo.Mahal mo si tomas, ipaglaban mo sya. Ikaw ang maging way para maka get-over na sya sa ex nya. Isa lang yan sa mga dapat nyong harapin ni Tomas, wag ka agad sumuko. Dahil mahal ka din naman ni Tomas. Takot lang masaktan ulet sya kaya ganyan.

14 comments:

tequilabreath said...

just my two cents worth:

sa tingin ko, tama yung ginawa mo na sinabi mo kay kulasa yung pinag-usapan niyo ni tomas. after all, that's what a real friend is supposed to do. ikaw na din ang nagsabi na si kulasa ang friend mo at hindi si tomas.

secondly, hindi enough na magstay si kulasa sa relationship na yan dahil lang mahal niya si lalake na hindi pa over sa ex niya. i think your friend should be loved completely and without any conditions. unfair kasi yun for her. parang ang nangyayari is panakip-butas lang siya ni tomas.

third, si tomas deserved what he got. in the first place, hindi ka dapat papasok sa bagong relationship kung madami ka pang hang ups sa previous relationship mo.

ayun lang po.

bow.

TENTAY™ said...

aba aba aba. parang ako ikaw ha!!
kwento ko din dito ha. di pwede sa blog ko kasi binabasa yon ng super x ko hahahaha..

tnwagan ko sya gamit cp ng fren ko, di ako smasagot, pinakingan ko lng voice nya... tpos nagtxt, hu u? tentay?

amp talaga!!! di na ko sumagot...

after 1 wk nagtext ako ng mga kowts epal lang kumbaga? same # padin. tapos txt sya, "sino ba to bat ayaw mo sumagot wala ka ba daliri" ded ma ako, txt padin ako ng txt tapos sabi nya "kilala na kita kng sino ka... tentay =)" kapal ng face na magsmile amp. hahahahha!!

naisip ko lang. bakit ganon, ako talaga agad sumagap sa isp nya eh no? eh pano pala na parang story mo, ung gf nya un nagttrip at ako pa talga una sumagi s isip nya. o ha shakra ko yan gerl.

lol natatawa ko nakakarelate tayo sa isa't isa...!!

anyway masasabi ko k kulasa (taga St. Scho ba sya?) ang korni ko hahahahha. anyway, kng gnwa n nya lahat at stak up si tomas, wag n sya magstay. bakit nya buburuhin sarili nya sa lalaking nakikita lang sya parang panakip butas eh? gaguhan ba ito? wag na magpakamartir naman!!

ikaw naman gerl, wala ka naman kasalanan eh. ginwa mo lang parte mo. mas masakit kng ako si kulasa kng di mo sinabi sakin dahil hinayaan mo ko mamukha tanga.

in short, patayin si tomas/ hahhahahahaah!!!

apir tayo shammy! :P

emoterang nurse said...

TEQUILA BREATH AT TENTAY:
hala!!isang post na yung comment nyo ah...nadaig nyo pa ko...
wahaha...
but i love it...nakakatuwa kayo...:)


tequilabreath,
salamat...alamkong tama naman ang ginwa ko kaso hindi ko din maatim na nakikitang nasasaktan ang friend ko...

mahal ni kulasa si tomas...at sabi ni kulasa nagayon daw ay nagsorry si tomas...pero ndi sinabi ang reason, naguilty ata...medyo ok na sila nagaun...at mukhang natauhan na si tomas...may pagmamahal nman si tomas kaso parang gusto nya ng closure parang gnun...

salamat sa pagdaan...balik ka ulet...:)

emoterang nurse said...

tentay,
gerl, di ko na gets...paki ulet nga...comment ba yan??akala ko post eh...wahahahaha

taga st.scho??ndi eh...
magakakasundo tlaga tyo dahil sa mga kwento natin...parang relatedness eh...hahaha...

nakakatuwa ka tlga tentay...

APIR!!!!

pag nadaan ako ng market market ipapage kita girl...hehehe...:)

Jhamy whoops! said...

WELL.. sa tingin ko tama lang yung ginawa mo.. kase hindi naman maganda ung gnagawa nung guy sa frend mo.. to think na napaniwala nya yung frend mo na ok na sya. yun pala, hindi pa.. my hang ups pa sya! unfair nga yun sa frend mo!

nakakainis talaga ganyang mga lalaki.. galing mag pretend! galing mag paikot.. uber asar!

sana maging ok na frend mo! goodluck sknya at sana maging ok sya at totally na nyang iwan ung tomas na yun!

amen!

TENTAY™ said...

ABA Syempre naman kapag ang babae ay minaltrato, babae din ang kakampi. sunugin ang mga lalaki sa pantalan!!! hahahahahahaahahah

sige gerl, pag walang nag page sakin, ikaw papa page ko ha!!! apir~!

ayyzzz said...

"Ok lang sa akin na agawin ng iba ang mahal ko, ang sirain ng iba ang relasyon ko sa taong mahal ko, masakit yun pero ayos lang sa akin kaysa ako ang nakigulo sa may relasyon ng may relasyon."

ganyan rin ako..
wala ka pong maling nagawa.
ur juz being honest with your friend...

u dont have any faults at all.

emoterang nurse said...

@jhamy whoops

amen!!!

unfair nga tlga yung gnwa ni tomas...kaso ayun stick pa din sila nu kulasa...ewan ko ba...pero at least nagawa ko ung part ko as a friend kay kulasa...

kainis tlga yung mga gnun eh...isasabay ko nga sa pagpapakain sa langgam(suggestion ni tentay)....hahahaha

emoterang nurse said...

@tentay
naku gerl, kala ko pakain sa langgam??pero pwede na din ung sunugin sila sa pantalan...wahahahaha

intayin ko ung page mo sa beeper ko...hehehe...natatawa tlga ko lagi sa mga comments mo gerl...:)

APIR!!!!

emoterang nurse said...

@ayyzzz

napagisip isip ko din na tama ang ginawa ko...salamat sa inyong mga comments...napagtanto ko yan...hehehe

ganun ka din ba???APIR din tyo gerl...:)

TENTAY™ said...

Gerl balita ko de uling pc mo, tapon mo naman dito donate mo nalang saakin. hahahahhaah!!

o bili ka na ng gasolina, sunugin na naten si tomas. hahaha

emoterang nurse said...

wahaha...pagtyagaan ko muna ang de uling na ito..wala pa kong pambili ng de kuryente eh...


tara na!!! may dala na akong gasolina kaw na bahala sa posporo..hahahah...sama mo na din ung ipapasunog mo...hahahah

chroneicon said...

wala kang kasalanan sham.. naging tunay ka lang na friend. let logic prevail!

Chyng said...

i disagree sa paghuli ng isang boypren sa pamamagitan ng imaginary fling. u might discover something na di dapat malaman. tandaan: what you dont know wont hurt you.

nwey, ofcourse your friend deserves to know the truth. ganun tlga.. (--,)

dame ko na comment..