Nung isang lingo, pagkagising ko medyo iba na ang boses ko. Nagbibinata na ata ako ah at bakit may parang kung anong nakatarak sa lalamunan ko eh hindi naman ako nag concert kagabi. Dahil feeling ko mawawala din naman yun, di ko na lang pinansin. Umalis ako ng bahay kasi nagtext ang aking old friend, basta sya yun. Ibang kwento na iyong pagkikita namin, sa susunod na post na lang.Hehehe. Pagkatapos namin magkita punta ako sa SM Taytay dahil magkita naman kami ng pinsan ko dun dahil ililibre daw nya kami ni Tita Mai. Saktong 5 ng hapon andun na ako, check ko agad phone ko para tingnan kung nagtext na sya.
Nagtext na nga sya: Ate, di ako makakapunta kasi nilalagnat ako. Pero wait mo si Tita Mai punta sya dyan.
Habang nagaantay ako, nagikot-ikot ako sa SM, na hindi ka naman mapapagod sa paglalakad sa buong mall dahil miniature lang ito ng mga SM malls. Siguro pag nagpabalik balik ka lang ng 20 times yun mapapagod ka na siguro. Sa aking paglalakad napadaan ako sa Bacolod Inasal, pag tingin ko sa isang mesa parang pamilyar iyong bulto kaso malayo kaya para hindi ako mapahiya sa pumasok ako sa kainan na iyon,text ako:
tita, nasa SM ka ba ngayon?
Tita Mimi: Yup, dito ako inasal. Wer k?
Hindi na ako nagreply punta na agad ako Inasal para makikain ng order nyang Pancit Efuven. Tapos tumawag na si Tita Mai, papunta na daw syang SM. Pag dating nya diretso na kami Dairy Queen at nag order ng ice cream. Dahil pasaway ako ayun kain ako ng blizzards kahit na alam kong gumanda na an gang boses ko simula kaninang umaga.
The next day, sama na ng pakiramdam ko, ang ginawa ko, naligo ako para mawala kaso after kong maligo gininaw na ako. Ayun na, tinamaan na akong ng walang hiyang lagnat na may kasamang tonsillitis. Text na agad ako kay mother dear na bumili ng paracetamol.
Ininom ko na ang para at hindi na ako nag abala pa na uminom ng antibiotic eh baka kasi lagnat laki lang kaya ako nilagnat. . Sabi ko pa naman sa posts ko bawal magkaskit pero pasaway pa din ako.
Kinabukasan medyo mababa na ang lagnat ko kaya lang parang may malaking tinik sa aking lalamunan, lunok lang ako ng lunok at inom ng tubig pero wa effect pa din. No choice talaga kailngan ko na talaga ng antibiotic. Ito ang hate ko eh, iinom ng gamot na capsule at tablets. Pinagbigyan ko na nga ang paracetamol na pumasok sa bituka ko pati ba naman ang capsule na antibiotic eh makikisama pa sa pagpasok sa bibig ko. Hayyyyy....Mas okay pa nung bata pa ako eh, syrup iyong mga iniinom na gamot pag may sakit tapos strawberry flavor pa.
Sabi ni mommy parang hindi daw ako nurse, painom daw ako ng painom ng gamot sa mga pasyente samantalang ako eto ayaw uminom ng gamot. Hindi naman nya ako mapilit dahil alam nya naman dawn a mas alam kong ang tamang gawin. Hindi naman din ganun kalala ang sakit ko, hindi ko na sya inabala sa pagbabantay sa aming shop kaya mag isa kong inalagaan ang sarili ko. Pero syempre pag may sakit kailangan ng therapeutic communication para mas gumaling ako. Tinext ko ang aking friend “may sakit ako,huhu”. Di ako nagkamli ng tinext. Reply agad sya alalang-alala sa akin at yun kung anu-ano ang sinabi nya sa akin, parang sya nga yung nurse ko. Nagtetext kung uminom na ako ng gamot. Wag ka kumain nyan, kumain ka nito, inom ng tubig, pahinga na wag mag puyat. O di ba may taong nagpapaalala sa akin ng mga alam ko na. Alam kong busy sya pero lagi nya kong kinukumusta. Pero ang layo nya sa akin eh, puro mga messages at tawag lang ang naging nursing intervention nya sa akin. Wala ang kanyang physical presence. Kaya wala akong magagawa kundi ang alagaan ang aking sarili.
Sino na nga ba magaalaga sa taga pagalaga ng may sakit? Iyon ang tanong sa akin ni badoodles. Ang sagot ko, syempre ako pa din, nasa akin pa din naman ang aking ikagagaling. Nasa akin kasi kung kakain ako ng mga bawal at iinom ng gamot sa tamang oras. Hindi ko dapat iasa sa iba ang aking kalusugan. Dapat ko ng ingatan ang sarili ko ngayon, natuto na ako. Hindi na ako magpapasaway, pero mahirap ata yun, minsan na lang pala ako mag pasaway at hindi na lagi. Sabi nga nila prevention is better than cure. I agree to that. Kasi madami akong hindi napuntahan na lakad dahil sa pag gupo ng sakit sa aking katawan, hindi naman naging obvious na nagkasit ako eh kasi nagcocomment pa din ako sa mga blogs at nag jojoin sa forum kahit na masama ang pakiramdam ko. Ang point ko lang eh nasa iyo ang pagiingat sa kalusugan mo. Kung alam mong hindi maganda para sa health mo ang isang bagay, iwasan mo na para hindi na lumalala ang sitwasyon. At syempre kailangan ng dasal sa Panginoon para sa iyong magandang kayaman, ang pagiging healthy.
Tao din ako, nagkakasakit din katulad ng aking mga pasyente. Kung mayroon man mag-aalaga sa kin na pang matagalan. Sana mahanap ko na.
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
No comments:
Post a Comment