Friday, May 16, 2008

anak ako ni darna???


Pre school ako nun, malakas ang ulan pero wala naman bagyo kaya sympre may pasok ang mga nasa prep. Dahil sadyang bahain ang kalsada sa may school na yun, na kahit mahabang ambon lang eh binabaha na dun, ayon nagkaroon ng dagat sa labas ng gate. At ilang minuto na din akong nagaantay kay kuya alex(sya ang aking sundo), hindi naman yun karaniwang huli kung dumating pag susunduin ako. Paglalabas nga ako andun na sya at naghihintay. Hindi naman ako pwdeng umuwi dahil baka matangay ako ng alon sa labas ng school at mabobojack ang guard na magpapalabas sa akin dahil nga wala pa ang aking sundo. Lumipas ang ilang minuto habang nakaupo ako sa bench, nagkaingay ang aking mga kaklase na wala pa din sundo. Nakatingin sila sa gate dahil andyan si darna at papalapit sa aking inuupuan. Kinarga nya ako at nilampasan namin ang dagat na nawawala pag maganda ang panahon. Di ko inaasahan ang pag dating nya. Ang galing pala nya,dumating sya sa oras na aking pangangailngan. Hindi nawala sa akin ang eksenang ito. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanyang pagdating. Sana iligtas nya ulet ako sa susunod.

Isang gabi, hindi ako makatulog, dahil bata pa din ako nun,pumunta ako sa kwarto nila mommy para dun maki tulog. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si darna. Iniluwa nya ang bato at naging si mommy. Ang laki ng mata ko sa gulat dahil sa aking nalaman. Dahil sa aking nasaksihan, dahan dahan akong bumalik sa aming kuwarto at tumabi ulit sa himbing na himbing na aking ate. Totoo nga kaya ang aking nakita?

Imposible!!!

Imposible ata na si mommy at si darna ay iisa.ordinaryo lang si mommy. Gumigising ng maaga para asikasuhin kami at sya ang pinakuhuling natutulog para siguraduhin na maayos kami habang nagpapahinga. Hindi sya si darna, normal lang naman ang mga gingawa nya ah. hindi iyon basehan para magkaroon sya ng powers. Inilihim ko ang mga bagay na ito. Bata pa ako kaya baka hindi sila maniwala pag sinabi ko ang lihim ni mommy. Maghahanap na muna ako ng mga ebidensya para mapatunayan ito.hindi ko inaasahan na napakadali pala ang maghanap ng ebidensya. Sa araw-araw pinatunyan nya na sya nga si darna..

Sa paglipas ng mga araw, buwan at planeta este taon pala, napatunayan ko na ang matagal na lihim ng aking ina. Totoo nga na siya si darna . Sya ang kayang gawin ang lahat para sa aming mga anak nya. Ibubuwis ang kanyang buhay para lang sa aming kaligtasan.Magsasakripisyo para lamang sa aming kapakanan. Ginawa nya ang mga bagay na mas higit sa inaasahan na gagawin ng isang ina. Kahit na minsan alam kong nahihirapan sya, pero patuloy sya sa pakikipaglaban sa mga masasamang tao na mananakit sa amin

Matagal man bago ko napatunayan na sya nga ay may katangi tanging kapangyarihan pero ayos lang. Hindi na naman siguro lingid sa kaalamanan ng aking mga kapatid ang lihim nyang taglay. Nagkukunwari na lang kaming hindi alam. Pinapantayan ang pagaalaga nya at pinaparamdam ang aming pagmamahal.

Nitong mga nakaraang araw medyo nag ha-hypotension si mommy, minsan kasi kulang sya sa tulog. Sinabi ko na lang na magpahinga ng mabuti at magkakain ng mga pagkain mayaman sa iron. Alam kong kailngan na ni mommy na magpahinga sa pag aasikaso ng aming shop. Kailangan na di nya isuko ang kanyang bato na nagtataglay ng kanyang powers. . Grabeh pala ang powers na taglay nya sana ganun din ang powers na ipapamana nya sa akin balang araw.

Nung isang araw, nagusap kami sabi nya mga ilang taon pa at hihiwalay na ako sa kanila at gagawa ng aking sariling pamilya. Ipapamana nya na sa akin ang bato. Ang pagiging darna. Bigla akong natulala, ako na ang magiging darna? Handa na nga ba ako sa isang ganito kabigat na responsibilidad? Sa ngayon, alam kong hindi pa. Makasarili pa kasi ako eh, nagsasaya sa aking simpleng buhay. Napapaisip din talaga ako, kakayanin ko ba ang mga ginawa ni mommy para sa amin?? Masyadong pang maaga para guluhin nito ang aking isipan. Matagal pa naman yun. Sasabihin ko na lang sa kanya na unang ipamana ang bato sa aking ate, mas matanda naman yun sa akin eh. Saka ko na isusuot ang costume ni darna.

5 comments:

chroneicon said...

ang ganda! promise! naaliw ako =D

Anonymous said...

galing galing! :D

Mel said...

solid to!

sa susunod baka emoterang darna ka na tol! hehe

pero seryoso, mas tumaas respeto ko sa mga ermats lalo

mabuhay!

emotera said...

@chroneicon
tnx!!natutuwa ako at naaliw ka idol...:)

@kurisujae
tnx! tnx!

@mel
matagal pa akong magiging emoterang darna...hehehe...
para tlga ito sa mother ko...iniba ko lang ang twist...:)

Rio said...

darna! pahiram naman ng bato..hehe
nice artik=)

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...