Thursday, May 8, 2008

broken vow

Amoy na amoy ang bango ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang lahat ay naka suot ng magagarang damit. Masasayang ngakukwentuhan ang magkakaibigan, magkakapamilya at magkakapuso. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang lahat at sisimulan na ng pari ang seremonya. Lumingon ako sa paligid, love is in the air talaga. Ang excitement ng mga tao ay kitang kita. Maligaya ang lahat sa loob ng simbahan na ito.

Ayun ang lalaking aking tinatangi. Ang kisig nya tingnan sa kanyang puting uniporme. Mababanaag ang ningning sa kanyang mga mata habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaklase sa akademya. Obvious sa kanyang mukha na kinakabahan sya dahil ilang minuto na lang iiwan na niya ang mundo na pagiging binata pero alam kung abut abot ang kaniyang kasiyahan. Matagal nya na itong inantay. Panghabang buhay na isusumpa sa harap ng altar ang walang wagas na pag-ibig hanggang kamatayan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Iba’t ibang emosyon ang naghahari sa aking pagkatao. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik tuloy sa akin ang nakaraan, kung paano kami nagkakilala ng lalaking aking minamahal.

Broken hearted ako ng ipakilala sya sa akin ng isang kaibigan. Sa totoo lang wala akong pakialam sa kanya. Higit na mas matanda sya sa kin, seryoso sa kanyang buhay at ako, isang kolehiyala na walang magawa sa kanyang buhay. Ako ang tipong party dito at party doon. Walang pakialam sa paglustay ng pera. May direksyon naman ang buhay ko pero gusto ko ay magsaya. Wala naman siguro masama dahil hindi naman pumapalpak ang grades ko. Hindi ko sinsadya na dumating sya sa buhay ko.

Sa bawat araw na lumipas andyan sya para sa akin. Handang magbigay ng payo. Tumayong aking nakakatandang kapatid, pinagkatiwalaan nya ng kanyang mga lihim at nararamdaman. Unti-unti, hindi ko namamalayan na nababago na pala ang buhay ko dahil sa kanya. Mas nagseryoso na ako sa aking pag aaral. Hindi na din ako naglalabas upang gumimik. Hindi ko na din pinaunlakan ang mga imbitasyon ng mga nagpapalipad hangin sa akin. Ewan ko ba, parang siya ang nagturo sa akin na maging mature. Hindi ko na din napansin na wala na din ang pakiramdam ng pagiging broken hearted. Dahil nga kaya sa kanya?? Hindi ko alam ang sagot. Dito ako nasimulang naguluhan. Dito na din sya nagtapat ng nararamdaman para sa akin. Ang saya ko. Sya na nga siguro ang bigay ng Diyos para sa kin. Sino nga ba ang makakapagsabi na isang military pala ang bibihag na aking puso. Kahit na iba ang mundo nya tinanggap ko iyon dahil iyon ang kanyang buhay. Sya ang prinsepeng inantay ko na magliligtas sa akin kasama ang pangakong mamahalin ako at aalagaan habang buhay.

“From this moment life has begun from this moment you are the one…………..”

Sabi ng kanta ni Shania Twain, hindi ko namalayan na Nagsisimula na pala ang wedding march. Bumalik na sa kasalukuyan ang aking isip. Tingnan mo naman ang lalaking yun. Lubos na kasiyahan at pagmamahal ang nakikita ko sa kanyang mukha habang nagiintay sa harap ng altar.

“I do” sagot nya sa pari. Tanda ito ng pang habang buhay na pangako.Pagkarinig sa katagang ito tumulo ang luhang kanina ko pa pinpigilan na lumabas. Sabi nga nila normal lang ang iyakan sa mga kasalan. Pero……..

Iba ang luha na ito, luha ng pagdadalamahati at kabiguan. Masaya sya samantalang ang puso ko ay nagluluksa.

Unti Unti akong lumayo dahil sa luhang ito. Lumabas ng simbahan, alam kung nakasunod ng tingin ng iba sa akin dahil lumikha ng ingay ang takong ng aking suot na sapatos. tumakbo pabalik sa kotse na naglulan sa akin papuntang simbahan. Doon ako umupo at umiyak ng umiyak.Sa totoo lang hindi ko intensyon na gumawa ng eksena sa kasalang iyon. Kaso ang puso'y ko'y nagluluksa.
Wala na siya. Iba ang magdadala ng kanyang apelyido. Ang pangako sa akin na pang habang buhay ay nasira na.Paalam sa pangakong kay tagal kong pinanghawakan at nagbigay ng pag asa. Iba ang pinili nyang makasama habang buhay. Hindi ako ang makakasama nya. Kundi ang babaeng iyon na hinarap nya sa altar. Malamang na patapos na ang seremonya. Hindi nya alam na naging saksi ako sa kasalang iyon. Masokista nga ko siguro.

Pumailanlang ang tunog sa radyo ng kotse aking sinakyan. Tumagos hanggang sa buto ang mga salitan ng kantang:


Tell me her name
I want to know
The way she looks
And where you go I
need to see her face
I need to understand
Why you and I came to an end

Tell me again
I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night
When I'm here all alone
Remembering when
I was your own

I'll let you go
I'll let you fly
Why do I keep on asking why
I'll let you go
Now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow

10 comments:

ToxicEyeliner said...

hayyy...

=(

nakakadala mga ganitong posts...

neens said...

awww...i got teary eyed...

hugs...

chroneicon said...

naman e... sabi na nga ba hindi masaya ang post.. kaasar haha. pero galeng!

emotera said...

@toxiceyeliner
nadala ka ba??madrama nga ito


@neens
hugs...nakakaiyak tlga ito

@chroneicon
thanks sa pagsabi na magaling ako...hehehe...sensya na matagal ko na itong ginawa eh...may english version pa nga eh...pero mas feel ko ito...;)

Anonymous said...

nalito ako sa story ibig sabihin hindi ikaw yung bride..

Anonymous said...

naku.. DAO MING SI AT SHANCAI ba yan? hehe.. joke.. pero sa totoo lang.. *tissue* pls.. nakakaiyak ang story..

www.superjen.vze.com
www.walongbote.co.nr

Nanaybelen said...

mabuti hindi mo tinuloy. matanda na pala sya e

emotera said...

@gasti
hindi ako iyong bride...he married someone else...i'm juz there to watch

@jennifer
medyo parang gnun pero ibang version ito...


@belen
natuloy po ang kasal kasi hindi naman po ako iyong bride...iba ang pinaksalan

Anonymous said...

may experience ka ba ng ganito? ang galing ng pagkakasulat. saludo ako sa'yo! naka-relate ako ng sobra dito. keep posting!=)

emotera said...

@y
hindi pa nman sila kasal...hehehe...

thanks sa compliment...:)

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...