Bago ako magsimula, gusto ko sabihin na hindi ako bastos, medyo lang. Sa mga nakaraan na posts ko, talaga naman na pambabae ang mga nilalagay ko. Tingin ko kasi sensitibo ang aking posts ngayon at baka isumbong ako ng mga mambabasa ko sa GABRIELLA o di kaya ay sa Obispo ng aming lugar. Pero gusto kasi isulat ito eh. Bakit ko ba isusulat ito?
May isang topic kasi kaming napagusapan ng mga kaibigan ko sa isang inuman, inuman ng tubig sa swimming pool.
Sabi ko sa aking friend “Uy, importante ba syo kung birhen pa ang babae pag pinakasalan mo?
Friend: “Alam mo kung mahal mo, tatanggagapin mo sya kahit hindi na. Hindi naman iyong katawan lang ang habol mo sa kanya. Malay mo nagmahal lang sya ng sobra dati kaya binigay nya lahat-lahat. Pero sympre, mas okay sana kung virgin pa”
Sa totoo lang, hindi lang naman sya ang lalakeng nakausap ko na ganito iyong sinabi tungkol sa issue na yan. Madami na din ako narinig na ganito ang reaksyon sa issue na
yan. Masasabing moderno na ang panahon ngayon at marami ng mga bagay ang naiba sa pagdaan ng mga araw at buwan.
Naalala ko nga, nung high school kami issue talaga pag nalaman ang pinakatatago tago mong lihim na may nakauna na sa iyo. Eh sympre naman, Christian school kami at ang mga ganitong bagay ay talagang nakakagulat at pinaguusapan ng mga kaklase mong tsismosa.
Sa mga aking nalaman sa iba, nabasa sa libro at napagaralan sa sexuality nung college may palatandaan kung birhen na ang babae. Ito ay ang pagdudugo ng dahil sa pagkapunit na hymen. Pero may nagsabi na sa akin na minsan kahit na una pa lang ng babae walang pagdudugo. Kahit na ganun, parang naisip ko unfair din naman di ba. Sa amin merong ganun tapos sa lalaki wala. At pag madami na experience ang lalake mas okay. Pero dapat sa babae hindi.
Para sa akin, hindi issue ang virginity ng isang tao. Bakit ba iisipin mo ang nakaraan eh tapos na yun. Kahit na pagbali baligtarin mo ang bahay nyo eh hindi na yun mababago. At sabi nga ng iba kong kakilala, kailngan din daw na malaman nyo kung compatible sa aspetong iyon. May point din siguro sya. Kaya sana ang mga taong masyadong judgemental tungkol sa bagay na ito ay lubusang maintindihan na hindi malaking issue ito. At dahil hindi na birhen ang isang babae, madumi na syang babae. Isa man iyong kasalanan pero kung humingi na sya ng tawad sya Diyos dapat ay magpatawad din ang tao. Isa nga itong bagay na medyo sensitibo na pag usapan, lalo na sa ating bansa kung saan tayo ay pinalaki sa konserbatibong paraan. Pero hindi ito kailangan iwasan dahil sasabihin na medyo masyado ng pribado ang topic. Kailngan pag usapan ang mga bagay na mahalaga. Kasi iyong iba na iniisip ang pagkawala ng kanyang pagiging birhen ay nawawalan ng self confidence at hindi mailabas ang kanyang saloobin dahil natatakot sya na i-judge sya ng mga taong nasa paligid nya. Hindi naman sa sinasabi ko na ipagkalat mo na ikaw ay hindi na virgin, ang sa akin lang, sana maging open-minded ang mga tao sa lipunan tungkol sa issue na ito. Bilang isang nurse, open ako sa mga ganitong topic pero ang iba kasi ay may pagka konserbatibo at baka batikusin ang aking post. Wala aking paki alam, blog ko ito noh. Kaya ito ang aking tanong, virgin ka pa ba? Hindi pwersahan ang pagsagot. Pwde ka naman sumagot ng “NO COMMENT”
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Wednesday, April 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
8 comments:
ok ang post na ito. sana lang mabasa ng mga hipokrito. dapat hindi sila nanghuhusaga. sulat lang nang sulat!
open minded naman ako. at wala rin akong paki kung virgin pa ang babae o hindi. mas ok pa nga minsan pag hindi na eh kasi wala na yung madugong labanan. at isa pa bigay todo agad at hindi pademure pa. pero kung virgin ako syempre gusto ko virgin din kapartner ko para pareho kami magkapaan. lols! madali lang naman matuto.
at nga pala sa isip,puso at diwa ko virgin pa rin ako. pero ang nakuna sakin ay ang kamay ko.
seriously, sa panahong ito, konti na lang ang mga birhen. Ika mo nga, importanteng malaman kung compatible kayo sexually bago pa kayo pumasok sa bagong kabanata ng relasyon ninyo. Pero as always decision ng tao yan kung gusto niyang panatiliing pure siya hanggang sa gabi ng kasal niya.
Mga panget na lang siguro ang birhen ngayon!!! Joke Xp (shouldn't have said that)
Blog hopping po.
ako virgin pa.hehe.
para sakin.di na importante kung virgin o hindi ang gf o asawa mo. hindi importanteng iba ang nakaUNA, mas mahalaga na ikaw na ang HULI.kung mahal mo, tanggap mo kung ano ang PAST nya.di na kailangang gawing issue ang virginity.
;D
for me ''virginity'' is important, mhirap kc isipin na iba nkauna sa taong mhal mu ndi vah??
but soetimes my ngyayari tlga n d muh inaasahan na mngyari. .
lyk 4 example nlang ng ngyari sa bezfren qoe, dhil ng kron xa ng mask o bukol sa knyang puson, na kinakailangan gmutin dhil klakihan na ito, at ang tanging nging solution nito ay mg pa popsmere xah. .isa itong gmit n kailangan ipasok sa puerta mo pra mlinis ito,msakit ito sa mga virgin,dhil my klakihan ito,.dinugo nga ung bez qoe msakit pra sa amin toh. .dhil ang kina iingat ingatan mo bgla n lang mawawala sa isang iglap!!!
pro qng mhal k tlga xempre tangap mo ito khit ano kp. .
haha..nkktuwa ka, ganda ng topic mo,,pero may lalaki tlga ang ppli sa birhen,,kasi thats the only way to prove that shes an innocent,ung matinong babae..hahaha alam tlga ang HYMEN..watch kanalang www.defloration.tv ^_^
Ako I'm a guy, virgin padin. gusto ko pag nag asawa ako dapat virgin din sya syempre para fair naman. kc ako nagsisikap na magtiis at maghintay(up to now). pangit naman kung sya lang ang naka bonus
yun ang paniniwala ko eh. siguro pinalaki ako ng magulang ko na konserbatibo. pero syempre kanya kanya ang paniniwala ng tao yan respetuhin nalang natin ang kaligayahan nila
Hello kwentong babae...
Panoorin mo to -
http://www.youtube.com/watch?v=oNQVwswajSk
Kanya-kanyang choices ang mga modernong Pilipina. Ang importante, anuman ang piliin mo, huwag kalimutan ang respeto at pag-iingat sa sarili.
Post a Comment