Naalala ko pa kung pano ko natuto na gumamit ng mga kung anu anong kolerete sa mukha.Pero simple lang naman ang gamit ko.hehehe. Nagsimula kasi ang lahat ng ako'y mapagkamalan na elementary student ng aking katabing mama sa bus. Samantalang first year college na ako nun ha. Hindi ko naman din siguro masisi iyong mama kasi naman napakabata din talaga ng itsura ko nun. Hindi kasi ako matangkad tapos maigsi ang gupit ko at baby face pa ako nun. Iyon ang pangyayari kung bakit ako nagsimulang mag lip gloss man lang para naman para medyo matured na ang dating. I mean para naman magmukhang high school student na ako. Nung nag 2nd year ako, dun ko na natutunan ang mag face powder, pag curl ng eyelashes, mag blush on at ang nakakaiyak na paglalagay ng eyeliner. Nakilala ko kasi ang patron ng pag make-up, ang aking friend na si Pasquil. Ayun, naging prinsesa ako ng eyeliner dahil sa kanya. Sya kasi ang reyna eh.
Common na nga siguro sa mga babae ang may pintura sa mukha, este make up. Hindi na siguro yun mawawala sa mga bag ng kababaihan at ang mga yun ay nakalgay sa kanilang mga kikay kit.
Karamihan siguro sa mga kalalakihan ay nagugulat kung bakit kailangan pa ng ganito samantalang mas maganda ang natural na ganda kaysa ang magkulay ng mukha at maiba ang itsura nila.Bakit nga kaya kailangan pa nito?? 2nd year ako ng sinabi ng professor ko
sa humanities na "Make-up add beauty".May basehan naman pala kung bakit ganun.Sa aking observation gumaganda naman talaga ang ibang mga babae pag may make-up kaso minsan may OA mag make-up kung kaya't nagiging mukhang clown na ng dahil sa make-up.
Sa mga magazines, kung anu anong make-up, kulay nito at brand nito ang makikita. Pinagkakagastusan talga ito ng mga kababaihan. At pinagaaralan ang paglalagay nito. May mga short courses nga na pwedeng pag enrollan para sa mga ganito eh di ba.
Ang mga artista at ang mga nasa print ads, foundation ang gamit sa mukha pero ako face powder lang. Ito kasi ang nagbibigay ng pantay na kulay sa mukha. Minsan kasi may light color or dark spots sa mukha kaya ito ay ginagamit para maganda ang dating ng skin.
Lipstick,lipgloss at lipshiner, obvious naman na sa lips to ginagamit. Gamit yan para naman mukhang kissable ang lip. Iba iba ang kulay para bagay sa damit na suot at sa okasyon na pupunthan. Pag mga mall lang lip gloss lang pwede na para lang hindi mag dry ang lips. At kung medyo pormal, Lipstick na medyo dark ang kulay para bumagay sa okasyon.
Sa mata naman, madaming pwede ilagay. Andyan ang eye shadow, eyeliner at mascara. Ang nagamit ko lang dyan ay ang eyeliner. At pag nag lalagay ako eh napapaluha ako dahil nga hindi ako sanay mag ganun. Pero nung nasanay na ako, no more tears na ang lola nyo. Iyong eye shadow hindi ako nag ganyan kasi hindi ko talaga matutunan yan. Iyong mascara okay sana kasi maganda talaga ang eyelashes mo pag may ganun kaso ako kasi mahilig magkamot na mata kaya hindi ako nag gaganyan kasi kakalat lang yung mascara sa gilid ng mata ko, eh baka ma irritate pa, kaya ayoko.
Para naman magmukhang mestisa ang dating kailngan ng blush on para sabihin na rosy cheeks. Pag bagay sayo ang kulay at maganda ang pagkakalagay mo sa pisngi ang ganda talaga tingnan. Blooming ang dating mo sa mga makakakita syo. Kaso may mga nakita ako na OA mag blush on. Hindi na nga bagay sa kanila ung color na ginamit nila tapos hindi pa maganda ung pagkakalagay. Hindi naman sa nilalait ko sila, kaya lang ang sagwa talga tingnan eh.
Minsan, ganun talaga sa pag make up eh, may gumaganda may pumapangit. Kaya dapat alam mo talaga ang mga color na bagay sayo when it comes to these, pati na kung anu ang tamang way ng pag aapply nito. Kasi pag hindi mo alam,ikaw din ang nakakahiya.Hehehe.
Pero may mga sadyang magaling na talaga pag dating sa art na ito. Gaya na lamang nung nakasakay ko isang beses sa jeep. Sales lady ata sya sa SM. At nakita ko talaga kung panu sya maglagay. Ang galing talaga kasi kahit umaandar ung jeep at maliit lang yung gamit nyang salamin, pantay iyong pagkakalagay nya ng make up sa magkabilang side ng mukha nya at maganda din ang combination nya ng colors. Iyong mga magandang assets ng mukha nya na emphasize talaga. Gusto ko nga sya tanungin kung panu nya nagawa yun eh kaso after nya matapos sa paglalagay ng mga yun sa mukha nya maya maya lang bumaba na sya. Ang galing eksakto lang yung paglagay nya sa mukha sa oras ng pagbyahe nya. Saludo talaga ko sa babaeng yun.
Parte na siguro talaga yun ng mga babae. Pero meron din naman na allergic sa make-up kaya hindi naglalagay ng make-up. Ang masasabi ko lang nasa nagdadala naman yan eh.Kaya kanya nkayang trip lang kung meron o wala. Kung makapal o hindi ang paglalagay. Go lang kung san masaya di ba?
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
2 comments:
"may OA mag make-up kung kaya't nagiging mukhang clown na ng dahil sa make-up."
ay totoo to! marami ako nakikita hahaha!!
korek...madami talaga na ganyan..:)
Post a Comment