napansin ko, mga lalake ang nag comment sa nakaraan kong post. Ilang araw na din akong hindi ngapopost dito kaya naisipan kong magpost uli.kasi baka amagin na ito eh.
ako ay nagmumuni muni kanina ng ako'y mapaisip bakit nga ba babae ang nanganganak. Sabi nila parusa daw yun ng Diyos sa mga babae dahil si Eba ang unang nagkasala at siya ay babae kaya ganun.
Hindi naman sa inaaway ko ang mga lalaki ha. Gusto ko lang na maisiwalat na parang unfair para sa amin. kasi sa totoo naiirita ako pag meron akong buwanang dalaw. Eh kasi naman puti ang uniform ko sa ospital at masyadong maaksyon ang mga gingawa ko dun at pag meron ako, naku conscious na conscious talaga ako na baka may mantsa na ang pantalon ko. Sa galing ng gamit kong napkin eh hindi pa naman ako nag ka stain sa work. Dugo na pasyente ang tumitilamsik sa aking uniform.
Bkit nga ba babae ang nadadalantao, siyam na buwan kang di nireregla. Ayos sana yun. kaso may buhay sa iyong tiyan na kailngan mong ingatan sa loob ng siyam na buwan. tapos pag oras na ng paglabas ng bata ayun mag lalabor ka. Naku, halos sapakin na ng pasyente ang mga nurse sa tindi ng sakit. Ilang oras din naman itong labor, swerte na pag mga 1-3 hours lang eh pano kung abuting ng 24 hours o abutin ng ilang araw. Sobrang hirap nun.
Tapos pagkalabas ng anak kailngan ay breatfeeding. Iba talaga pag babae. Buhay ang naksalalay sa kanilang mga kamay.
Teka, eh pano kung ayaw mu ng anak?Sympre punta si girl kay Dr. Quack Quack para i-abort ang bata kaso ganun din yun eh. Ang isang paa ng babae parang nasa hukay.
Minsan pa pag walang kwenta pa ang nagdeposito kay babae, iiwan sya ng walang bayag na lalaking yun.
Anu nga ba ang role na mga lalaki sa mga ganitong pagkakataon?? sympre ang Moral Support at Financial Support. Kailngan intindihin ang mga babae pag meron. Lalo na ng mga asawa or jowa nila. Hindi ko alam pero mainit talaga ang ulo ko at maigsi ang pasensya ko pag may dalaw ako. At hindi ko matukoy kung bakit siguro ay dahil sa pagbabago ng mga hormones pag ganitong pagkakataon.
Sa mga panahon na buntis ang babae kailngan talaga ng suporta, lalo na galing sa asawa. Kasi insecure daw lagi ang mga buntis at laging nag seself-pity.kaya dapat wag na kayong mangaliwa noh. Eh isa kayo sa mga dahilan ng umbok na iyon eh.
Hindi makukumpleto ang mundo at hindi din naman kami magiging masaya kung wala kayo. Kaya sana boys, andyan kayo sa saya at hirap na pinagdadaanan ng mga babaeng espesyal sa inyo.
dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....
8 comments:
ayoko talaga sa lahat yung mga babaeng nagpapa-abort.
nakakapag-init ng ulo.
kaya nga mali ang gngwa nila...
tapsiboy, sana iniwan mo ang link mu para naman mabisita ko site mo...:)
@ tapsiboy - apir tayo! basagin ang mukha ng mga nagpapaabort at ng mga abortionist. mga iresponsable sila!
nice post! alam mo lagi din itong sumasagi sa isip ko (kung meron). parang sobrang hassle sa mga babae ang dapat nilang pagdaanan. regla, panganganak, pag-aalaga ng anak, hindi maka-ihi sa poste, nahaharass sa MRT or LRT etc etc.
samantalang napakaconvenient ang maging lalaki. pero alam ko may dahilan si God kung bat ganyan ang buhay buhay. alam kong patas pa rin ang lahat ng mga yan.
chroneicon:
ndi lang naman ang abortion ang topic ko ah...hahahaha...
rj:
salamat sa comment...natutuwa ako at napansin mo ang hassle ng pagiging girl...
may dahilan si God kung bkita ganito, lahat naman ng bagay may dahilan kaya sana understanding mga lalake bout this
kanina duty ako ... pagdating ng 4am, pumasok ako sa tambayan namin kapag wala ulet ginagawa sa patient. minsan lang ako pumasok don kasi ang toxic e... aun... pagpasok ko, nakita ko ang friend kong guy. napansin ko kasi laging nagkakataong pag nag-uusap kmi ng mga friends ko tungkol sa regla, sumusulpot siya haha. anyway... kmusta naman at napag-usapan naming dalwa bigla ang ka-unfairan ng paghihirap ng guy sa girl. ang tuli--ang tanging prosesong recommended gawin sa kanila--ilang oras lang ang proseso at ilang weeks lang para gumaling lahat. ang girl... ilang months ang paghihirap at ang hirap mag-labor ng ilang oras na tipong pati complications maraming kelangang i-expect...
hay buhay nga naman...hehehe
despite such sufferings, tayo pa ang usually nababastos... damn u bastosssss! hehehehe hey... i'll add u sa blogroll ko a =)
blog hopping lang...
usapang babae to pero makigulo na rin... fair na ba sa'yo na babae ang manganak tapos lalaki ang mag breastfeed?? hehehh naisip mo lang..
care for xlink?
di ren eh. in d 1st place torture sa lalake yung nakakakita cl ng nk-miniskirt o bakat na panty ng babaeng maganda. khit ayw mo gwin kelangan mo iputok sama ng loob mo kung ayw mo sumaket puson buong arw. taz me guilt feeling kp. habambuhay na pahirap yn sa lalake noh. babae after menopause wl n. laos na. e lalake gurang na gs2 p umiskor khit d n ky. kc call ov nature weeeeh
Post a Comment