Tuesday, April 22, 2008

larong panlalaki pwede naman pala sa babae

Nung kabataan ko puro lalaki ang mga kalaro ko. May mga babae din pero minsan ko lang din sila makalaro. At minsan, pag wala na talaga choice ay iyong kapatid ko naman na lalaki ang kalaro ko. Dahil sa mga pangyayaring ito kung anu-ano ang natutunan kong laro. Naglalaro din naman ako ng barbie doll, kaso kawawa iyong laruan dahil binabasa ko sila kaya ang pangit na nila pagkatapos. Pero mas madalas kong laruin ay ang teks, jolens, trumpo at dampa. Ayos di ba. Mga larong panlalake talaga ang nakagisnan kong laruin. Napagkamalan na nga akong tibo sa school namin. Pati madami akong ka-close na lalaki nung elementary dahil sila ang ka kwentuhan ko sa mga bagay na ito. Wala naman ako paki dahil lalaki kaya ang crush ko nun kaya hindi ako tomboy noh. Enjoy naman kahit na ganun. Pwede naman din ang mga larong iyon sa akin di ba?

Sa high school, sympre medyo pa-girl na at wala na din masyadong laro ng mga panahong yun. Natuto na din ako mag browse sa internet. improving di ba, pero wala pa kong blog nun dahil months old pa lang ang aking blog, in short baby pa itong blog ko. Dumating ang time naman na nauso ang mga LAN games, ayun natuto akong mag counter strike at mga classmate kong boys ang kalaro namin nun. Ewan ko ba, feeling ko kasi magaling din ko dun.

Pag dating ng college, anu naman natripan ko na larong panlalake?? bilyar siguro pero hindi ko masyado nagawa ito dahil medyo busy ako nun. Ahhh, alam ko na pag dating ng last year ko sa college na addict ako sa arcade. As in pag may free time, punta ko ng galleria para mag laro. Ang mga laro ko dun: car racing, baril barilan, video games at basketball. Ewan ko kung bakit naisipan kung maglaro ng mga yun. Tomboy nga siguro ko. Pero may tomboy ba na lalaki ang gusto sa buhay.Ay ang gulo ko talaga.

Sa paglipas ng panahon ang lahat halos ng bagay ay unisex na.Ang mga lalake nga may hikaw na ngayon, dati ay sa babae lang yun di ba. Ang long hair ay hindi na din sa babae lang, mga lalake din long hair na.

Gaya ng mga laro na nasubukan kong laruin, pwede naman sa aming mga babae yun, enjoy naman kasi kaya wala dapat na sinasabing na larong panalalake lang yun. Kung kaya ng mga lalakeng laruin yun pwede din sa babae, right???Nag-enjoy ako sa aking kabataan dahil natutuhan ko ang mga larong yun.

3 comments:

Mel said...

may kras ako dati sa megamall na magaling mag tekken, ewan ko nde ko talaga malapitan kasi pag naglaro kami ng tekken matatalo ako, haha!

nakakabilib talaga ang gma babaeng mahilig mag arcade lolz

Unknown said...

nakamamangha talagang makakita ng babaeng magaling sa gawain na typikal na inihahabilin lamang sa kalalakihan. isang malaking kabalastugan, kung ako ang tatanungin.

kung kaya't saludo ako sayo. isang patunay na hindi dapat ikinakahon ang oryentasyon (bigyan tugon ang oryentasyon at hindi kasarian), sa pagkat lahat ay tao at may kanya-kanyang hilig at kalakasan.

wow, ang saya mag-filipino. dumudugo na ilong ko.

emotera said...

@mel
minsan kasi nakaka addict talaga... nauubos nga pera ko dun dati eh

@angelo
thanks sa iyong papuri...
dumugo na ba ilong mu?eh hindi ko naman sinabi magtagalog ka...hahaha...
GUd luck sa boards mo...:)

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...