Monday, April 28, 2008

bawal magkasakit

Minsan naisip ko na parang nakakalungkot isipin na ang buhay ng isang nurse ay parang alila din pala. Kailngan mong mag alaga ng mga may sakit, utusan ng mga bantay ng pasyente at pati na din ang bigyan solusyon ang problema nila na hindi mo naman obligasyon. Mahirap nga naman kung iisipin kaso ito ang propesyon na aking pinili at natutunang mahalin sa paglipas ng mga araw. Hindi ako ipokrita para sabihin na ayaw kong umalis ng bansa. Kung ako papipiliin gusto kong mangibang bansa at kumita ng mas malaking halaga para sa pamilya ko at para nadin sa magiging pamilya ko sa kinabukasan. Nakakalungkot nga naman diba dahil ganito ang mentalidad ng lahat kaso hindi mo naman masisi. Bakit??eh ang mahal na kasi ng bigas. Relasyon? Hindi sapat ang kita naming para sa bumuhay ng pamilya. Hindi sapat upang magpagamot kung sakaling mahawa ka sa sakit ng mga pasyente. Hindi sapat na pampalubag loob sa mga pasyenteng walang tiwala sa kakayahan mo at minsan at magrereklamo ng walang kwentang bagay.

Sa aking propesyon ginawa ko ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang bawat hinaing ng aking mga inaalagaan pasyente ngunit ako’y nalulungkot pag naiisip kong ang budget ng bansa para sa kalusugan ng mga taong nagbabayad ng tamang buwis ay hindi naibibigay. Ang mga facilities ay hindi sapat para sa pangangailngan ng pasyente. Gusto ko man tugunan ay wala akong magawa dahil ako’y nurse lang at hindi ako ang naghahawak ng budget. Siguro kong may naibigay ang tamang halaga para sa ospital na aking pinagtratrabahuhan, malamang na hindi siguro malala ang sakit ng iba sa aking mga pasyente. May mga mas humaba pa siguro ang buhay. May pinost akong letter ng isang nurse sa isa ko pang blog. Sinabi nya ang mga malpractice na nangyari sa iang ospital kung saan nakaratay ang kanyang ama. Sa totoo, nalungkot ako ng basahin ko yun. Sa gobyerno din ako nagtrabaho at nakita ko ang scenario sa ospital na public. Gusto kong makatulong sa kanila pero paano? Ang kita ko ay kulang pantugon sa pangangailangan ko.

Sa totoo lang natutuwa ako pag may discharged na pasyente. Ibig sabihin bumuti na ang kanyang lagay. Kasama ako sa mga tumulong sa kanyan pag galing. Ang mga salitang lagi kong sinasabi pag uuwi na sila “WAG NA KAYONG BABALIK HA?MAHIRAP MAGKASAKIT”. Mahirap talaga lalo na kung walang plate para sa X-RAY ang ospital. Walang CT scan machine dahil hindi afford yun ng gobyerno. Hindi ka na pwede I admit dahil wala ng O2 gauge. Grabeh di ba? Totoo ang mga sinabi ko. Ganyan ang mga nangyayari sa public hospital. Kaya nga I can’t blame others kung bakit ayaw nila mag pa admit sa ganun.

Ang mga ito ay dahil kinurakot ng gobyerno ang budget na nakalaan para sa health. Kailan pa kaya ito masosolusyunan? Sana lang tigilan ang pag kurakot. Kawawa ang mga walang pera pag nagkasakit dahil matagal ang pag galing dahil wala naman libreng gamot at swero.

totoo nga ang commercial ng sabihing BAWAL MAKASAKIT.

10 comments:

lethalverses said...

korek!! nakakapanginig ng laman ang korupsyon natin dito...

bastos sa unang pagbabasa, pero ito ang totoong topic namin ni jeckyll sa "naniningalang bahagi".

ayan, dito lang nilantad ang tunay na kahulugan ng tula namin iyon hehe... hush! sikreto yan hehe

chroneicon said...

emotera, read mo to

http://lethalverses.blogspot.com/2008/03/trenta-pesos-na-alaala-ng-pgh.html

Anonymous said...

i agree! sa gobyerno rin ako nagttrabaho kaya alam kong tama ang sinasabi mo.sabagay, hindi na nman kailangan maging govt employee k, dahil sobrang obvious naman.

pareho kau ng sentimiento ng kapatid ko, nurse din kasi sya e...though nasa private hospital cya...kakarampot din ang sweldo at di kayang bumuhay ng pamilya...

nakitambay, nakibasa at naki-comment :)

emotera said...

@chroneicon
nabasa ko na...nakakalungkot talaga isipin na ganyan talaga pag nagsakit... mapapadali ang buhay mo pag wala kang pera

@kurisujae
totoo talga...sa kin nman sna naman eh kung nangurakot sila sana hindi naman lahat, sana laanan pa din nila ng tamang halaga ang bawat dept.

thhanks sa pag visit...balik ka ulet...:)

Anonymous said...

hi,thanks for dropping by,

im not sure kung pano mag-add ng team member pero eto alam ko.

punta k sa dashboard/settings/permission

tapos add author: u need to know ung email add ng i-aad mong blogger.tapos yun n.

x-links? na-add n kita. :D thanks!

RJ said...

nung nag-aaral pa lang ako, wala akong pakelam sa mga korupsyon na yan. pero nung nagtrabaho na ko at nakikita ko ang payslip kong namumutiktik ng kaltas, tama si lethalverses, nakakapanginig ng laman.

emotera said...

@kurisujae
tnx sa info...:)

@rj
kaya nga eh,tama kayo...buti sana kung nakikita mo iyong pagbabago sa paligid...kya dapat sa susunod na eleksyon ung hindi masyadong nangungurakot ang iboto...

iboto nyo ko!!!

RJ said...

ewan ko, pero tingin ko kahit sino ang maupo dyan ay walang mangyayari. kahit ako, minsan naiisip ko kung ako ang may power, matutukso din ako sa mga ganyan dahil sa present ng sistema.

para madali, gusto kong bagsakan ng bomba ang ibabaw ng malakanyang ala nagasaki bombing.

Anonymous said...

yung mga syringes sa mga public hospitals halos di na rin mabasa yung guage. kakalungkot isipin na may mga nasasayang na buhay dahil sa kakulangan sa medical facilities at manpower. yung takbo ng gobyerno tlga ang dapat sisihin dyan.

nice post ma'am! good luck sa po sa work!

Anonymous said...

ate...
hindi lahat ng opisyal ng gobyerno corrupt.....
yung tatay ko hindi...
Sabagay konsehal lang xa....
pero TANGA kasi sya...
hindi nangurakot...
yan tuloy naghihirap kami...
pero pinagmamalaki ko yung ginawa nya...
na kahit ganito kami ngayon...
hindi sya gumaya sa iba...
ate punta ka naman sa web blog ko...
www.emotheraphy.wordpress.com
yan po ung URL..
you'll see a different emo this time...

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...