Wednesday, April 30, 2008

birhen

Bago ako magsimula, gusto ko sabihin na hindi ako bastos, medyo lang. Sa mga nakaraan na posts ko, talaga naman na pambabae ang mga nilalagay ko. Tingin ko kasi sensitibo ang aking posts ngayon at baka isumbong ako ng mga mambabasa ko sa GABRIELLA o di kaya ay sa Obispo ng aming lugar. Pero gusto kasi isulat ito eh. Bakit ko ba isusulat ito?

May isang topic kasi kaming napagusapan ng mga kaibigan ko sa isang inuman, inuman ng tubig sa swimming pool.

Sabi ko sa aking friend “Uy, importante ba syo kung birhen pa ang babae pag pinakasalan mo?
Friend: “Alam mo kung mahal mo, tatanggagapin mo sya kahit hindi na. Hindi naman iyong katawan lang ang habol mo sa kanya. Malay mo nagmahal lang sya ng sobra dati kaya binigay nya lahat-lahat. Pero sympre, mas okay sana kung virgin pa”

Sa totoo lang, hindi lang naman sya ang lalakeng nakausap ko na ganito iyong sinabi tungkol sa issue na yan. Madami na din ako narinig na ganito ang reaksyon sa issue na
yan. Masasabing moderno na ang panahon ngayon at marami ng mga bagay ang naiba sa pagdaan ng mga araw at buwan.

Naalala ko nga, nung high school kami issue talaga pag nalaman ang pinakatatago tago mong lihim na may nakauna na sa iyo. Eh sympre naman, Christian school kami at ang mga ganitong bagay ay talagang nakakagulat at pinaguusapan ng mga kaklase mong tsismosa.

Sa mga aking nalaman sa iba, nabasa sa libro at napagaralan sa sexuality nung college may palatandaan kung birhen na ang babae. Ito ay ang pagdudugo ng dahil sa pagkapunit na hymen. Pero may nagsabi na sa akin na minsan kahit na una pa lang ng babae walang pagdudugo. Kahit na ganun, parang naisip ko unfair din naman di ba. Sa amin merong ganun tapos sa lalaki wala. At pag madami na experience ang lalake mas okay. Pero dapat sa babae hindi.

Para sa akin, hindi issue ang virginity ng isang tao. Bakit ba iisipin mo ang nakaraan eh tapos na yun. Kahit na pagbali baligtarin mo ang bahay nyo eh hindi na yun mababago. At sabi nga ng iba kong kakilala, kailngan din daw na malaman nyo kung compatible sa aspetong iyon. May point din siguro sya. Kaya sana ang mga taong masyadong judgemental tungkol sa bagay na ito ay lubusang maintindihan na hindi malaking issue ito. At dahil hindi na birhen ang isang babae, madumi na syang babae. Isa man iyong kasalanan pero kung humingi na sya ng tawad sya Diyos dapat ay magpatawad din ang tao. Isa nga itong bagay na medyo sensitibo na pag usapan, lalo na sa ating bansa kung saan tayo ay pinalaki sa konserbatibong paraan. Pero hindi ito kailangan iwasan dahil sasabihin na medyo masyado ng pribado ang topic. Kailngan pag usapan ang mga bagay na mahalaga. Kasi iyong iba na iniisip ang pagkawala ng kanyang pagiging birhen ay nawawalan ng self confidence at hindi mailabas ang kanyang saloobin dahil natatakot sya na i-judge sya ng mga taong nasa paligid nya. Hindi naman sa sinasabi ko na ipagkalat mo na ikaw ay hindi na virgin, ang sa akin lang, sana maging open-minded ang mga tao sa lipunan tungkol sa issue na ito. Bilang isang nurse, open ako sa mga ganitong topic pero ang iba kasi ay may pagka konserbatibo at baka batikusin ang aking post. Wala aking paki alam, blog ko ito noh. Kaya ito ang aking tanong, virgin ka pa ba? Hindi pwersahan ang pagsagot. Pwde ka naman sumagot ng “NO COMMENT”

Monday, April 28, 2008

bawal magkasakit

Minsan naisip ko na parang nakakalungkot isipin na ang buhay ng isang nurse ay parang alila din pala. Kailngan mong mag alaga ng mga may sakit, utusan ng mga bantay ng pasyente at pati na din ang bigyan solusyon ang problema nila na hindi mo naman obligasyon. Mahirap nga naman kung iisipin kaso ito ang propesyon na aking pinili at natutunang mahalin sa paglipas ng mga araw. Hindi ako ipokrita para sabihin na ayaw kong umalis ng bansa. Kung ako papipiliin gusto kong mangibang bansa at kumita ng mas malaking halaga para sa pamilya ko at para nadin sa magiging pamilya ko sa kinabukasan. Nakakalungkot nga naman diba dahil ganito ang mentalidad ng lahat kaso hindi mo naman masisi. Bakit??eh ang mahal na kasi ng bigas. Relasyon? Hindi sapat ang kita naming para sa bumuhay ng pamilya. Hindi sapat upang magpagamot kung sakaling mahawa ka sa sakit ng mga pasyente. Hindi sapat na pampalubag loob sa mga pasyenteng walang tiwala sa kakayahan mo at minsan at magrereklamo ng walang kwentang bagay.

Sa aking propesyon ginawa ko ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang bawat hinaing ng aking mga inaalagaan pasyente ngunit ako’y nalulungkot pag naiisip kong ang budget ng bansa para sa kalusugan ng mga taong nagbabayad ng tamang buwis ay hindi naibibigay. Ang mga facilities ay hindi sapat para sa pangangailngan ng pasyente. Gusto ko man tugunan ay wala akong magawa dahil ako’y nurse lang at hindi ako ang naghahawak ng budget. Siguro kong may naibigay ang tamang halaga para sa ospital na aking pinagtratrabahuhan, malamang na hindi siguro malala ang sakit ng iba sa aking mga pasyente. May mga mas humaba pa siguro ang buhay. May pinost akong letter ng isang nurse sa isa ko pang blog. Sinabi nya ang mga malpractice na nangyari sa iang ospital kung saan nakaratay ang kanyang ama. Sa totoo, nalungkot ako ng basahin ko yun. Sa gobyerno din ako nagtrabaho at nakita ko ang scenario sa ospital na public. Gusto kong makatulong sa kanila pero paano? Ang kita ko ay kulang pantugon sa pangangailangan ko.

Sa totoo lang natutuwa ako pag may discharged na pasyente. Ibig sabihin bumuti na ang kanyang lagay. Kasama ako sa mga tumulong sa kanyan pag galing. Ang mga salitang lagi kong sinasabi pag uuwi na sila “WAG NA KAYONG BABALIK HA?MAHIRAP MAGKASAKIT”. Mahirap talaga lalo na kung walang plate para sa X-RAY ang ospital. Walang CT scan machine dahil hindi afford yun ng gobyerno. Hindi ka na pwede I admit dahil wala ng O2 gauge. Grabeh di ba? Totoo ang mga sinabi ko. Ganyan ang mga nangyayari sa public hospital. Kaya nga I can’t blame others kung bakit ayaw nila mag pa admit sa ganun.

Ang mga ito ay dahil kinurakot ng gobyerno ang budget na nakalaan para sa health. Kailan pa kaya ito masosolusyunan? Sana lang tigilan ang pag kurakot. Kawawa ang mga walang pera pag nagkasakit dahil matagal ang pag galing dahil wala naman libreng gamot at swero.

totoo nga ang commercial ng sabihing BAWAL MAKASAKIT.

Tuesday, April 22, 2008

larong panlalaki pwede naman pala sa babae

Nung kabataan ko puro lalaki ang mga kalaro ko. May mga babae din pero minsan ko lang din sila makalaro. At minsan, pag wala na talaga choice ay iyong kapatid ko naman na lalaki ang kalaro ko. Dahil sa mga pangyayaring ito kung anu-ano ang natutunan kong laro. Naglalaro din naman ako ng barbie doll, kaso kawawa iyong laruan dahil binabasa ko sila kaya ang pangit na nila pagkatapos. Pero mas madalas kong laruin ay ang teks, jolens, trumpo at dampa. Ayos di ba. Mga larong panlalake talaga ang nakagisnan kong laruin. Napagkamalan na nga akong tibo sa school namin. Pati madami akong ka-close na lalaki nung elementary dahil sila ang ka kwentuhan ko sa mga bagay na ito. Wala naman ako paki dahil lalaki kaya ang crush ko nun kaya hindi ako tomboy noh. Enjoy naman kahit na ganun. Pwede naman din ang mga larong iyon sa akin di ba?

Sa high school, sympre medyo pa-girl na at wala na din masyadong laro ng mga panahong yun. Natuto na din ako mag browse sa internet. improving di ba, pero wala pa kong blog nun dahil months old pa lang ang aking blog, in short baby pa itong blog ko. Dumating ang time naman na nauso ang mga LAN games, ayun natuto akong mag counter strike at mga classmate kong boys ang kalaro namin nun. Ewan ko ba, feeling ko kasi magaling din ko dun.

Pag dating ng college, anu naman natripan ko na larong panlalake?? bilyar siguro pero hindi ko masyado nagawa ito dahil medyo busy ako nun. Ahhh, alam ko na pag dating ng last year ko sa college na addict ako sa arcade. As in pag may free time, punta ko ng galleria para mag laro. Ang mga laro ko dun: car racing, baril barilan, video games at basketball. Ewan ko kung bakit naisipan kung maglaro ng mga yun. Tomboy nga siguro ko. Pero may tomboy ba na lalaki ang gusto sa buhay.Ay ang gulo ko talaga.

Sa paglipas ng panahon ang lahat halos ng bagay ay unisex na.Ang mga lalake nga may hikaw na ngayon, dati ay sa babae lang yun di ba. Ang long hair ay hindi na din sa babae lang, mga lalake din long hair na.

Gaya ng mga laro na nasubukan kong laruin, pwede naman sa aming mga babae yun, enjoy naman kasi kaya wala dapat na sinasabing na larong panalalake lang yun. Kung kaya ng mga lalakeng laruin yun pwede din sa babae, right???Nag-enjoy ako sa aking kabataan dahil natutuhan ko ang mga larong yun.

ang pag blo2g ko...

grabeh...tagal ko ng nag blo2g... 4 months na pero hanggang ngaun ay naiinggit pa din ako s blog ng iba...sandali pa lng ung mga blogs nila pero grabeh na ang comments samantalang ako ay ganun pa din... si chroneicon lang ata matiyagang magcomment sa akin... addict na ata ako dito eh...hahaha... gusto kong mapaganda at mapsikat ang mga blogs na gingawa ko, pero paano nga ba...lately, medyo naisipan ko ng mag browse at magbasa ng blogs ng iba at iyon naging desidido na talga ako na karirin na ito... haay ewan... siguro kasi wala na ko masyadong gagawin sa mga su2nod na araw...habang binabasa ko din ang mga blog ng mga pinoy na kagaya ko aba grabeh mas feel n feel nila ang pag blog using tagalog i mean filipino language... astig... minsan nga talaga mas okay pala gamitin ang salita natin... kaya nga ginawa ko itong blog na ito eh para magamit ko ang filipino kc mas mula sa puso eh... pero syempre mag english pa din ako... bkit?? sympre para pumasa ako sa IELTS... wahahaha... un un eh...

ay nku... madami pala akong hindi alam tungkol s pag blog na ito at ngaun ko lang nadidiscover ang lahat... bakit ganun??? ndi nman ako taga bundok pero hindi ko alam ang mga bagay na ito...tingnan mu nga ang template ko luma pa din hangang ngaun grabeh di ba...inosente talaga... nung magbrowse nga ako ng mga blogs namangha ako sa kanilang mga ginawang blog... pang friendster ang background... napapag iwanan na talaga... kya ayun di ko mapigilan ang sarili ko na magtanong sa iba tungkol dito at kahit papano may bunga naman... may mga nalaman naman akong bago... oh di ba improving ang lola nyo...hahahaha... last week sinubukan ko baguhin ang aking blogskin dun sa isa kong blog...kaya ayun okay na sya...ang hirap nga lang kasi nawala ang mga links... pero ayos lang...iyong dito naman di ko na baguhin mas okay na itong pink para girl na girl di ba...

Friday, April 18, 2008

sentimyento ng isang tambay

ngaung wala na akong trabaho di ko na alam ang gagawin ko...summer ngaun at sympre gusto kong magbakasyon...ang tanong san ako kukuha ng pera para sa isang bakasyon engrande eh maliit lng nman ang sweldo ko dati...in short, wala akong naipon na sapat para pumunta na boracay o baguio o khit nga sa ocean park...wala din kasi wla akong budget... nahihiya naman akong humingi sa nanay ko...aba buong buhay ko na lang eh nanghingi na ako sa kanya...kaya eto ako ngaun nagblo2g... buti na lang may internet sa bahay na binabayaran ng ate ko kaya libre na lang ito...buti na lang naaliw din ako sa mga blog ng iba...browse kayo ng blogs madami kyo matutunan at malalaman...hay...ayos na din di ba...

ilang linggo pa lang akong nakatambay ulet sa bahay pero nagdradrama na ako... wat more pa kaya kung magaya na ako sa mga lasenggerong laging nagiinom sa kanto...hindi naman sa low morale na ako nagun...medyo pressured din kasi ako dahil nagtatanong na ang mga nasa paligid ko kung ano na nga ba plano ko sa buhay... sa totoo lang madami akong plano pero nauudlot lahat ang mga plano kung pag iniisip ko kung san ako kukuha ng pera para sa mga plano ko...hahaha...pwede kaya na ibenta ko na lang iyong lisensya ko sa PRC o kaya naman... ibenta ko lahat ng friends ko sa friendster at multiply ko...kaso hindi pwede...kaya ngayon tinatawag na ako ng kama... sabi nya "matulog ka na alam ko naman na sabik ka na sa akin"...totoo sinabi nya...ah teka nag halluciinate lang ata ako dahil sa tindi ng init sa paligid pero may point iyong kama ha sabik talaga ako sa tulog kaya kahit tanghaling tapat matutulog ako kasi hindi naman binibili ang tulog, kahit wala akong pera... pwede akong matulog hanggat gusto ko... hahahahahahaha...:)

ang pintura sa mga mukha ng babae

Naalala ko pa kung pano ko natuto na gumamit ng mga kung anu anong kolerete sa mukha.Pero simple lang naman ang gamit ko.hehehe. Nagsimula kasi ang lahat ng ako'y mapagkamalan na elementary student ng aking katabing mama sa bus. Samantalang first year college na ako nun ha. Hindi ko naman din siguro masisi iyong mama kasi naman napakabata din talaga ng itsura ko nun. Hindi kasi ako matangkad tapos maigsi ang gupit ko at baby face pa ako nun. Iyon ang pangyayari kung bakit ako nagsimulang mag lip gloss man lang para naman para medyo matured na ang dating. I mean para naman magmukhang high school student na ako. Nung nag 2nd year ako, dun ko na natutunan ang mag face powder, pag curl ng eyelashes, mag blush on at ang nakakaiyak na paglalagay ng eyeliner. Nakilala ko kasi ang patron ng pag make-up, ang aking friend na si Pasquil. Ayun, naging prinsesa ako ng eyeliner dahil sa kanya. Sya kasi ang reyna eh.



Common na nga siguro sa mga babae ang may pintura sa mukha, este make up. Hindi na siguro yun mawawala sa mga bag ng kababaihan at ang mga yun ay nakalgay sa kanilang mga kikay kit.
Karamihan siguro sa mga kalalakihan ay nagugulat kung bakit kailangan pa ng ganito samantalang mas maganda ang natural na ganda kaysa ang magkulay ng mukha at maiba ang itsura nila.Bakit nga kaya kailangan pa nito?? 2nd year ako ng sinabi ng professor ko

sa humanities na "Make-up add beauty".May basehan naman pala kung bakit ganun.Sa aking observation gumaganda naman talaga ang ibang mga babae pag may make-up kaso minsan may OA mag make-up kung kaya't nagiging mukhang clown na ng dahil sa make-up.



Sa mga magazines, kung anu anong make-up, kulay nito at brand nito ang makikita. Pinagkakagastusan talga ito ng mga kababaihan. At pinagaaralan ang paglalagay nito. May mga short courses nga na pwedeng pag enrollan para sa mga ganito eh di ba.



Ang mga artista at ang mga nasa print ads, foundation ang gamit sa mukha pero ako face powder lang. Ito kasi ang nagbibigay ng pantay na kulay sa mukha. Minsan kasi may light color or dark spots sa mukha kaya ito ay ginagamit para maganda ang dating ng skin.



Lipstick,lipgloss at lipshiner, obvious naman na sa lips to ginagamit. Gamit yan para naman mukhang kissable ang lip. Iba iba ang kulay para bagay sa damit na suot at sa okasyon na pupunthan. Pag mga mall lang lip gloss lang pwede na para lang hindi mag dry ang lips. At kung medyo pormal, Lipstick na medyo dark ang kulay para bumagay sa okasyon.

Sa mata naman, madaming pwede ilagay. Andyan ang eye shadow, eyeliner at mascara. Ang nagamit ko lang dyan ay ang eyeliner. At pag nag lalagay ako eh napapaluha ako dahil nga hindi ako sanay mag ganun. Pero nung nasanay na ako, no more tears na ang lola nyo. Iyong eye shadow hindi ako nag ganyan kasi hindi ko talaga matutunan yan. Iyong mascara okay sana kasi maganda talaga ang eyelashes mo pag may ganun kaso ako kasi mahilig magkamot na mata kaya hindi ako nag gaganyan kasi kakalat lang yung mascara sa gilid ng mata ko, eh baka ma irritate pa, kaya ayoko.

Para naman magmukhang mestisa ang dating kailngan ng blush on para sabihin na rosy cheeks. Pag bagay sayo ang kulay at maganda ang pagkakalagay mo sa pisngi ang ganda talaga tingnan. Blooming ang dating mo sa mga makakakita syo. Kaso may mga nakita ako na OA mag blush on. Hindi na nga bagay sa kanila ung color na ginamit nila tapos hindi pa maganda ung pagkakalagay. Hindi naman sa nilalait ko sila, kaya lang ang sagwa talga tingnan eh.

Minsan, ganun talaga sa pag make up eh, may gumaganda may pumapangit. Kaya dapat alam mo talaga ang mga color na bagay sayo when it comes to these, pati na kung anu ang tamang way ng pag aapply nito. Kasi pag hindi mo alam,ikaw din ang nakakahiya.Hehehe.

Pero may mga sadyang magaling na talaga pag dating sa art na ito. Gaya na lamang nung nakasakay ko isang beses sa jeep. Sales lady ata sya sa SM. At nakita ko talaga kung panu sya maglagay. Ang galing talaga kasi kahit umaandar ung jeep at maliit lang yung gamit nyang salamin, pantay iyong pagkakalagay nya ng make up sa magkabilang side ng mukha nya at maganda din ang combination nya ng colors. Iyong mga magandang assets ng mukha nya na emphasize talaga. Gusto ko nga sya tanungin kung panu nya nagawa yun eh kaso after nya matapos sa paglalagay ng mga yun sa mukha nya maya maya lang bumaba na sya. Ang galing eksakto lang yung paglagay nya sa mukha sa oras ng pagbyahe nya. Saludo talaga ko sa babaeng yun.

Parte na siguro talaga yun ng mga babae. Pero meron din naman na allergic sa make-up kaya hindi naglalagay ng make-up. Ang masasabi ko lang nasa nagdadala naman yan eh.Kaya kanya nkayang trip lang kung meron o wala. Kung makapal o hindi ang paglalagay. Go lang kung san masaya di ba?

mga simpleng bagay pero kakakilig

nakita ko ang comment ni chroneicon sa cbox ko at inaantay na nya ang susunod kong post. Ayoko pa nga sana kasi nasa emo mode ako ngayon dahil hatingggabi na pero eto ako at tumipa pa din dito. Naisipan ko tuloy na ibang tema naman isulat ko sa araw na ito.



Minsan sa aking buhay ako ay nagmahal. Normal naman iyon di ba?kahit sino nakaramdam na nun. Ilang beses din yun, at dahil hindi siguro talaga para sa akin kung kaya't nagwakas din.Masasabi kong madami akong natutunan sa mga iyon. May masayang parte at may malungkot, Umasa at natutong magpalaya, minahal at nagmahal, nasaktan pero may kilig moments din naman. Sa bawat relasyon iba-iba ang naging istorya. Iba't ibang kasiyahan sa iba't ibang paraan. Iyon ang mga msarap balik balikan at alalahanin, ang mga happy kilig moments sa bawat relasyon.

Anu nga ba ang nakapagpapasaya o nagpapakilig sa aming mga babae? Rosas? chocolates?Teddy bears? O mamahaling mga gamit. Sa akin kasi hindi iyan ang mga bagay na nagbigay saya sa aking love life. Hindi materyal na mga bagay kundi ang mga simpleng bagay na para sa akin ay mas mahalaga.

Simple lang akong babae at ang mga simpleng bagay lang naman ang nagpapasaya sa akin. Basta nagbigay ng effort ang isang tao para sa akin, appreciate ko na yun kaagad. Siguro nga mukhang mababaw ako pero ganun talaga, ako ito eh. May mga bagay na nagpakilig sa akin noon. Hindi ko na maalala ang iba pero ito ang mga naalala ko:


*Dati nung mha panahong hindi pa uso ang Unli at Autoload,nag txt ang mudra ng boylet ko at sinabing "MAHAL KA NG ANAK KO, LAM KONG IKAW LANG ANG MAKAKAPAGPABAGO SA KANYA". Nagulat ako sa txt ni mudra nya. Pero dahil high school pa lang ako nun kinilig ako dahil sa nanay na nya mismo nanggaling yun. Mahalaga kasi para sa akin na alam ng pamilya at kaibigan ng lalaki na ako ang taong pinakamamahal nya. It means na proud sya sa na ako ang napili nya at gusto nyang malaman yun ng ibang tao na parte din ng kanyang pagkatao.



*Isa pa din sa nagpakilig sa akin ay ang tatawag sa akin ang boylet.makikipagkwentuhan tapos mag dare sa kin na pupunta ng bahay namin.Magugulat na lang ako wala pang isang minuto, andun na sa labas ng bahay namin. Hindi naman namin sya kapitbahay, yun pala andun na talaga nung tumawag sa amin.May pag corny man pero ang mga simpleng surprise para sa akin ay nakakakilig kasi parang your always looking forward sa mga creative things na gagawin nya upang ma please ka.



*Ang effort ng isang tao ang mahalaga din para sa akin, kaya naman pag nagbyabyahe ang jowa ko dati galing sa rizal papuntang recto para makita ko eh natutuwa naman ako dahil sandali ko lang sya nakakasama dahil may klase pa ako.At medyo busy talaga ang sched. Iyong sandaling oras na makakasama nya ako ay konting oras lang kumpara sa byahe nya papunta sa school ko.
Sobrang saya ko pag ganun kasi makikita mo ang pagtitiyaga at pagod na nilaan nya para lang dalawin ako sa university na pinapasukan ko.

*Sabi nila time daw ang pinakamahalaga na maibibigay mo sa isang tao kasi yan ang isang bagay na hindi mo na maibabalik. Kaya pag nag-spend ka ng time sa isang tao ay mahalaga na ito. Sa tuwing makikipagkita ko dun sa huling tao na naging espesyal sa buhay ko. Lagi talaga akong late. Hindi naman sa sinasadya ko, maaga lang talaga lagi sya sa usupan namin. Iyong oras na pinaghihintay nya sa akin ay sobrang halaga para sa akin. Kung iyong iba ay mag walk out na or hindi na ako antayin sya ay iba. Hinihintay nya talaga ko. May time pa nga na almost 2 hours sya nag intay dahil hindi kami nagkaintindihan sa oras ng usapan. Pero matiyaga syang nag antay sa akin. Hindi sya naghinayang sa mga oras na sinayang nya sa pagdating ko sa aming meeting place.

*Ang mga pangungusap na "ikaw ang nagabago na buhay ko" "handa akong maghintay, hayaan mo lang na mahalin kita habang hindi ka pa ready". Bola nga siguro para sa iba ang mga katagang ito. Pero para sa akin mas mahalaga ang mga pangungusap na ganito kesa sa mga "i love you" at "mahal kita". Para sa akin kasi gasgas na gasgas na ang mga salitang iyon at minsan kahit na sinabi sa iyo ang tatlong salitang iyon ng isang tao wala pa rin kwenta dahil salita lang ibinigay sa'yo. Puro salita lang at kulang sa gawa.

Madami pang mga styles at unique ways na nagdulot sa akin ng saya pero ayoko ng ibahagi pa iyon. Dahil sa tingin ko ay sapat na ang mga sinulat ko. Baduy at corny man siguro iyong mga nilagay ko pero ganun talaga pag inlove di ba corny at baduy.Pag naaalala ko ang mga bagay na ito ako ay napapangiti. Iba ang hatid ng mga bagay na ginawa ng taong mahal mo kahit na napaka simple lang nito.

Wednesday, April 16, 2008

bakit sa babae ang hirap sa lalaki ang sarap?

napansin ko, mga lalake ang nag comment sa nakaraan kong post. Ilang araw na din akong hindi ngapopost dito kaya naisipan kong magpost uli.kasi baka amagin na ito eh.

ako ay nagmumuni muni kanina ng ako'y mapaisip bakit nga ba babae ang nanganganak. Sabi nila parusa daw yun ng Diyos sa mga babae dahil si Eba ang unang nagkasala at siya ay babae kaya ganun.

Hindi naman sa inaaway ko ang mga lalaki ha. Gusto ko lang na maisiwalat na parang unfair para sa amin. kasi sa totoo naiirita ako pag meron akong buwanang dalaw. Eh kasi naman puti ang uniform ko sa ospital at masyadong maaksyon ang mga gingawa ko dun at pag meron ako, naku conscious na conscious talaga ako na baka may mantsa na ang pantalon ko. Sa galing ng gamit kong napkin eh hindi pa naman ako nag ka stain sa work. Dugo na pasyente ang tumitilamsik sa aking uniform.

Bkit nga ba babae ang nadadalantao, siyam na buwan kang di nireregla. Ayos sana yun. kaso may buhay sa iyong tiyan na kailngan mong ingatan sa loob ng siyam na buwan. tapos pag oras na ng paglabas ng bata ayun mag lalabor ka. Naku, halos sapakin na ng pasyente ang mga nurse sa tindi ng sakit. Ilang oras din naman itong labor, swerte na pag mga 1-3 hours lang eh pano kung abuting ng 24 hours o abutin ng ilang araw. Sobrang hirap nun.

Tapos pagkalabas ng anak kailngan ay breatfeeding. Iba talaga pag babae. Buhay ang naksalalay sa kanilang mga kamay.

Teka, eh pano kung ayaw mu ng anak?Sympre punta si girl kay Dr. Quack Quack para i-abort ang bata kaso ganun din yun eh. Ang isang paa ng babae parang nasa hukay.

Minsan pa pag walang kwenta pa ang nagdeposito kay babae, iiwan sya ng walang bayag na lalaking yun.

Anu nga ba ang role na mga lalaki sa mga ganitong pagkakataon?? sympre ang Moral Support at Financial Support. Kailngan intindihin ang mga babae pag meron. Lalo na ng mga asawa or jowa nila. Hindi ko alam pero mainit talaga ang ulo ko at maigsi ang pasensya ko pag may dalaw ako. At hindi ko matukoy kung bakit siguro ay dahil sa pagbabago ng mga hormones pag ganitong pagkakataon.

Sa mga panahon na buntis ang babae kailngan talaga ng suporta, lalo na galing sa asawa. Kasi insecure daw lagi ang mga buntis at laging nag seself-pity.kaya dapat wag na kayong mangaliwa noh. Eh isa kayo sa mga dahilan ng umbok na iyon eh.


Hindi makukumpleto ang mundo at hindi din naman kami magiging masaya kung wala kayo. Kaya sana boys, andyan kayo sa saya at hirap na pinagdadaanan ng mga babaeng espesyal sa inyo.

Monday, April 14, 2008

18th birthday-ang debut

pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na. Ang tinatawag na debut. Sympre nga naman sa karamihan kasi pag 18 na eh pwede na daw magpligaw di ba. at sympre may party para sa 18th birthday ba ito. kasi nga the "baby is now a lady" sabi nila.





Pipili na si dalagita ng escort.sympre dapat cute yun di ba. It's either crush mo nung high school o kaya naman eh iyong childhood sweetheart. At sasabihin kay mother dear ang napili. Tapos susunod na din dito ang pagpili ng mga magpaparticipate para sa 18 roses, 18 candles, 18 gifts, 18 shots of wine at kung anu ano pang 18 na maisip ng mga magulang mo or ng coordinator na hinire ng nanay mo. kailangan kasi mga friends mo nung high school at elementary pati na iyong mga new friends mo ngaung college ay kasama sa listahan di ba. at sympre ang mga kapatid mong lalake hindi yan mawawala sa listahn ng isasayaw mo. hindi din mawawala sa 18 candles ang kapatid at mga pinsan mong babae.





tapos pipili ka din na motiff para sa iyong debut.iyong iba pinipli pink kasi nga girl na girl ang kulay na yun. o kaya naman light blue para simple lang. importante kasi ang bagay na ito dahil iyon ang magiging kulay ng mga bagay na may kinalaman sa iyong debut. yun ang magiging kulay ng invitation mo, gown mo, cake mo at pati na ata ang panty mo.





speaking of gown ayan, sympre ang ever supportive na si mother dear ay dadalhin ka sa sosyal na bakla na magdedesign ng gown mo. ikaw naman na magdedebut pipili ng feeling prinsesa ang susuotin mong gown. aba eh andun kaya ang crush mo kaya dapat talaga diosa ka sa araw na iyon.





isa pa sa mga iisipin mo ay ang place. panu na lang ang magandang preparation kung hindi maganda ang lugar di ba. its either sa resort, sa isang resto or isang hotel ang pipiliin mo. o kung mansiyon ang bahay nyo at may malaking garden dun na lang gagawin para mas sosyal di ba. para maganda ang pagbaba mo sa grand staircase ng napili mong lugar. sosyal!! dalagang dalaga ang dating di ba.





sympre pag umaattend ang mga friends, relatives and country men kailngan may bitbit ang mga yan. Eh anu ba yun upuan?mesa? o bulaklak dun sa center ng table na kinainan? hindi iyon ang ibig kong sabihin sympre iyong SOUVENIR. aba kailngan yun di ba. kanya kanya din ng trip sa ganito. Iyong iba CD, o kya figurine basta kung anu pwedeng souvenir pag kinasal halos ganun din pag nagdebut. Basta ang importante may pangalan nung debutante , date at place kung san nangyari.

yun ang karamihan sa na eksena pag may debut. dumating din sa buhay ko ang mangarap na ganitong klaseng selebrasyon para sa aking pagdadalaga kaso dahil sa mahal ng tuition ko at nanganganib ako sa anatomy and physiology. eh naawa na ako sa nanay ko sa bahay na lang ako nag celebrate kasama ang aking mga Kapamilya.

madami pang maliit na issue tungkol sa debut kaso maliit lang naman yun kaya hindi ko na isinulat tinatamad na din akong tumipa eh. siguro sa susunod na lng ulet iyong iba. pag sinipag na ako(kailan kaya un....ewan ko...hahahaha).hanggang sa susunod mga bata!!!

salamat mga kababayan ko!!!

ay naku, natuwa naman ako sa feedback ni toxiceyeliner at chroneicon na friend ni greenpinoy at lethalverses.na inspired tuloy ako na sumulat ng panibagong post. Ewan ko ba natuwa kasi ako sa feedback nila eh.pati na kay rj. naku nagiging emosyonal na ako. pagbigayan nyo na ko. ganyan talaga pag mga emotera na kagaya.

taos sa atay akong nagpapasalamt sa inyong mga comment. natutuwa ako at may sumusoporta sa aking mga pinagagawa dito. wah kayong mag alala patuloy akong magkakalap ng impormasyon tungkol sa mga kababaihan para mai share ko sa inyo. o sya sige sulat lang ako ng sulat hanggang sa rayumahin na ako. sana patuloy kayong mgabasa nito.

mga kwentong kakaibahan po at your service

simpleng manyakis

sa aking apat na taon na pagaaral sa maynila at paglalakad sa recto madami akong natutuhan. apat an taon ba naman eh. sa mga taon na ito bilang babae nalaman ko na ang mga kalokohan ng mga SM hindi ung mall ha, ang ibig kong sabihin ay ang mga Simpleng Maniac. Halos lahat ng pinay alam ito.paano??

Karamihan ng mga ito ay sa mga pampublikong sasakyan. Ganun talaga ang mga SM bawat may pagkakataon eh su2nggaban tlaga.Halimbawa sa bus at MRT, usually kasi pag rush hour punuan di ba at ung mga SM na yan ay pasimpleng ididkit ang manoy nila sa mga babae o kaya nman ay pasimpleng hahawakan ang likuran ng mga girls. sympre iyong iba na girlaloo ay hindi na mgarereact kasi nga siksikan eh. magpapalusot ang SM na hindi sinasadya pero mapapansin mo halos lahat ng makadikit na babae eh ganun si SM kya sadya na talaga iyon diba.

Sa jeep, sympre siksikan din diba,kunwari yang SM na kukuha ng pamasahe. eh di deadma si Girl, siksikan eh kaso uulit ulit yun ni SM kunwari pa din na may kinukuha sa bulsa pero iyong kamay na nasa bulsa o iyong siko ay tumatama na sa kay girl. pasimple pa talaga eh.
Eto pa, kunwari si SM ay matutulog sa jeep kunwari pagod eh, tapos ang ulo ay babagsak sa dibdib ng babaeng katabi nya. grabeh diba. iba iba talaga sila ng style.O kaya naman ay naka halukipkip ang kamay sa dibdib ni SM kasi nga tulog yun pala style yun para makiskis ang kamay sa gilid ng boobs na katabing babae.

Madami pang kwento ng mga pasimpleng maniac na yan. at bawat opportunity ay ginagawa para makapang hipo. May satisfaction ata sila s mga ganun. Sa mga pampublikong sasakyan talaga ito mapapansin at minsan hindi din makakapagreact si Girl kasi nga eh iniisip nya na hindi yun sinasadya pero dahil alam ko na ang mga karakas ng mga ganito iniiwasan ko talaga or bumababa talaga ako ng sasakyan dahil alam ko naman ang galaw ng sinasadyang hawak sa hindi...

Thursday, April 10, 2008

inggitera kasi ko noh!!!

matagal na akong nagblo2g pero di ko masyadong naaasikaso…kya eto gumawa ako ng panibagong blog… at bkeeeeet??? eh kasi naman sa pag browse ko nakita ko ang mga blog dito sa wordpress… aba puro tagalog ang mga blog ng mga may account dito at talaga naman na interesante ang mga nilalagay nila sa mga posts nila… at dahil inngitera nga ako nagmadali ako gumawa ng account dito kasi nga gusto ko din ng ganun… eh ung isa ko kasing blog puro english ang laman at seryoso talaga ako s mga post ko… kaya eto natutuwa ako kasi meron na akong ganito… masusulat ko na kasi ang mga kalokohan ko at mga pananaw ko sa buhay…pati na ang mga kadramahan at kaartehan ko sa mundong ibabaw….hahahahahaha(parang kontrabida lang sa teleserye ah)…ay naku excited talaga ako na gawin ito kasi nga baka sumikat ako ng dahil dito(feeling talaga eh noh)… natuwa lang talaga ko kasi mga tagalog na tagalog ang mga blogs dito at ako’y makakasabay na sa kanilang mga pagpopost…basta makisabay kayo sa mga pangyayari sa buhay ko… bilang babae.. so, sa lahat ng boylets dyan… kailngan nyo basahin ito kasi baka makarelate kayo dahil isu2lat ko ang tungkol sa mga babae sa paligid nyo… watch for that!!!hahahahaha

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...