Monday, April 14, 2008

18th birthday-ang debut

pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na. Ang tinatawag na debut. Sympre nga naman sa karamihan kasi pag 18 na eh pwede na daw magpligaw di ba. at sympre may party para sa 18th birthday ba ito. kasi nga the "baby is now a lady" sabi nila.





Pipili na si dalagita ng escort.sympre dapat cute yun di ba. It's either crush mo nung high school o kaya naman eh iyong childhood sweetheart. At sasabihin kay mother dear ang napili. Tapos susunod na din dito ang pagpili ng mga magpaparticipate para sa 18 roses, 18 candles, 18 gifts, 18 shots of wine at kung anu ano pang 18 na maisip ng mga magulang mo or ng coordinator na hinire ng nanay mo. kailangan kasi mga friends mo nung high school at elementary pati na iyong mga new friends mo ngaung college ay kasama sa listahan di ba. at sympre ang mga kapatid mong lalake hindi yan mawawala sa listahn ng isasayaw mo. hindi din mawawala sa 18 candles ang kapatid at mga pinsan mong babae.





tapos pipili ka din na motiff para sa iyong debut.iyong iba pinipli pink kasi nga girl na girl ang kulay na yun. o kaya naman light blue para simple lang. importante kasi ang bagay na ito dahil iyon ang magiging kulay ng mga bagay na may kinalaman sa iyong debut. yun ang magiging kulay ng invitation mo, gown mo, cake mo at pati na ata ang panty mo.





speaking of gown ayan, sympre ang ever supportive na si mother dear ay dadalhin ka sa sosyal na bakla na magdedesign ng gown mo. ikaw naman na magdedebut pipili ng feeling prinsesa ang susuotin mong gown. aba eh andun kaya ang crush mo kaya dapat talaga diosa ka sa araw na iyon.





isa pa sa mga iisipin mo ay ang place. panu na lang ang magandang preparation kung hindi maganda ang lugar di ba. its either sa resort, sa isang resto or isang hotel ang pipiliin mo. o kung mansiyon ang bahay nyo at may malaking garden dun na lang gagawin para mas sosyal di ba. para maganda ang pagbaba mo sa grand staircase ng napili mong lugar. sosyal!! dalagang dalaga ang dating di ba.





sympre pag umaattend ang mga friends, relatives and country men kailngan may bitbit ang mga yan. Eh anu ba yun upuan?mesa? o bulaklak dun sa center ng table na kinainan? hindi iyon ang ibig kong sabihin sympre iyong SOUVENIR. aba kailngan yun di ba. kanya kanya din ng trip sa ganito. Iyong iba CD, o kya figurine basta kung anu pwedeng souvenir pag kinasal halos ganun din pag nagdebut. Basta ang importante may pangalan nung debutante , date at place kung san nangyari.

yun ang karamihan sa na eksena pag may debut. dumating din sa buhay ko ang mangarap na ganitong klaseng selebrasyon para sa aking pagdadalaga kaso dahil sa mahal ng tuition ko at nanganganib ako sa anatomy and physiology. eh naawa na ako sa nanay ko sa bahay na lang ako nag celebrate kasama ang aking mga Kapamilya.

madami pang maliit na issue tungkol sa debut kaso maliit lang naman yun kaya hindi ko na isinulat tinatamad na din akong tumipa eh. siguro sa susunod na lng ulet iyong iba. pag sinipag na ako(kailan kaya un....ewan ko...hahahaha).hanggang sa susunod mga bata!!!

6 comments:

chroneicon said...

kelan ang bday mo? libre naman diyan! =D

emotera said...

di ko bday noh..naisipan ko lng isulat yan...hahahaha

RJ said...

at dahil naisipan mong isulat yan, magpapa-cheeseburger ka! burger! burger! =D

chroneicon said...

oo nga! burjer!!!!!

wanderingcommuter said...

i never really understand the purpose of debuts and i find it quite over rated with men's debut.probably because of watching memoirs of a geisha.

emotera said...

dahil si wanderingcommuter ay english ang comment sya ang dapat magpa burger...

pa cheese burger ka naman wanderingcommunter....

burger!burger!burger!

hahahahahahahaha

Nasaan nga ba si Mr. Right?

Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...