dahil babae po ako...may kadramahan...may kaartehan...at may kababawan...IN SHORT...E-M-O-T-E-R-A
Thursday, December 25, 2008
miss ko na 'to
tagal kong nawala sa sirkulasyon... nakakamiss... hindi ko na nababasa ang mga paborito kong blogs..
sa lahat ng mga patuloy na dumadaan at nagaantay ng mga isusulat ko... pasensya na talaga... kahit nga lovelife ko eh hindi ko na din mabigyan ng oras... umiikot sa trabaho at tulog ang buhay ko ngayon...
sa inyong lahat,
M A L I G A Y A N G P A S K O !!!!!
miss ko na kayo...
mula sa puso ni EMOTERA
Sunday, November 9, 2008
dumadaan
Alam ko miss na ko ng mga tao dyan. kaya eto nag update ako para naman hindi na amagin itong blog na ito. pero ang blog hop, hindi ko alam kung magagawa ko yun ngayon. Dumaan lang ako para sabihin na "hoy, buhay pa ako!!!". At hindi na ako 21, 22 na ko. hahaha.
Ano pa ba masasabi ko? wala na akong maisip na sabihin. ayun! miss ko na ang blogsperyo. Miss ko na ang mga taong dumadaan dito sa aking bahay. Miss ko na magbasa ng mga humor post ng mga nasa blogroll ko. At kung binura mo ko sa blog roll mo. Ok lang, wala ako magagawa choice mo yan eh. Saka na ulet ako babalik. Sandali lang oras ko ngayon eh. Hehehe
Tuesday, September 16, 2008
5 blogs na nakakatawa
At yun nalaman ko na may nomination pala para sa mga humor blogs na ito. Sumali ako sa pa contest na ito ni Badoodles na syang may ari ng blog na ito: http://kwentongbarbero.com
At ngayon iisa isahin ko para ako ay makaboto bilang suporta sa kanila
1. GREENPINOY
Napadpad lang ako dito sa blog na ito dahil sa pagblog hop. At ng mabasa ko ang mga post ni GP ayun every open ko ng net binibisita ko na. Nakakatawa kasi. Pati yong mga pics na andun ang kukulit. Simpleng mga pictures at jokes na kahit mag isa ako ay natatawa ko. Kaaliw talaga. Every time na mag open ako ng net, isa ito sa mga binibisita ko lagi.
2. LOSER'S REALM
Kung babasahin mo ang mga sulat ni M parang seryoso pero pag dating sa huli, dun bumabanat na. Ang kukulit ng mga banat eh. Tipong mapapaisip ka tapos matatawa ka after. Entertaining talaga. Sa bawat pag bisita ko hindi ko maiwasan na humanga sa kanyang mga sinusulat, eh kasi iba ang kanyang talento. Straight to the point ang pagsusulat.
3. GASTI
Isa din sa mga binibisita ko ay ang blog ni Gasti. Okay din ang blog nya kasi lahat ng experiences nya ay dinadaan nya sa humor. Nakakaaliw basahin, tipong ma cucurious ka kung ano na nga ba ang susunod na mangyayari at ano ang mga sasabihin nya para nakakaaliw ang dating ng post nya. Kahit na may ibang malulungkot na post okay pa din kasi maganda ang kanyang pagkakasulat.
4. CHRONEICON
Bago pa lang ang blog kong ito ng mapunta ako sa blog ni Chie. Konti lang mga post nya pero aliw na aliw akong basahin. Hindi lang tawa ang gagawin mo pag binista mo ang blog nya. May mga post na mapapaisip ka dahil realidad talaga mga akda nya. Ang galing ng blog na ito, hindi ko mapigilan na humanga at abangan ang susunod na post. Magaling! Magaling! Magaling!
5. JON CABRON
Sa pagbisita ko sa mga blogs iba lagi kong nakikita ang link ni jon cabron. Ano nga ba meron dun at sikat sya? Pagbisita ko, narealize ko na isang nakakaaliw na blog din pala yun. Masaya din basahin ang mga post dito kasi minsan barubal talaga. Haahaha. Isa sa mga kahanga hanga talaga ang mga akda nya. Sa pagbabasa mo ng comment at reply sa bawat post hindi mo na mahahalata ang palipas ng oras dahil aliw na aliw ka sa pagbasa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sinabi ko sa aking nakaraan na post na hindi muna ako magsusulat dito sa blog ko. Pero hindi ko maiwasan na hindi magpost dahil kailangan kong iboto ang mga blogs na ito. Mga blog na nagbibigay saya sa mga blogger na gaya ko. Mga blogs na nagbibigay inspirasyon sa pang araw araw na buhay. Matagal na akong may draft ng post na ito pero ngayon ko lang natapos. Kung pwede nga lang na sampu na blog ang ilagay ko kaso hanggang lima lang eh. Basta, masayang basahin ang mga blog na yan.
Kaya kung ikaw ay nalulungkot at walang makausap. Mag internet ka!!!! at wag nyo kalimutan basahin ang mga blogs na yan at bumoto na din habang may ilang araw pa na natitira para sa pagboto.
Thursday, August 28, 2008
FAILURE
Failure!!! Nasaktan ako ng marinig ito mula sa isang tao. Sa totoo lang wala akong pakialam kung failure ang tingin ng ibang tao sa kin. Paki alam ko ba sa kanila. Buhay ko ito at wala silang karapatan na pangunahan ang buhay ko. Kaso, galing ito sa isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay. OUCHH!! ang sakit naman. Hindi ko inaasahan na maririnig ko mula sa kanya ang mga salitang yan. Isa sya mga taong pinagkukuhanan ko ng lakas ng loob pero sa kanya ko pa narinig. Isa sa sya sa mga taong nagbibigay pag asa sa akin at nagiging dahilan ko para lumaban. Kung iba pa sana nagsabi sa kin nyan siguro matatanggap ko pa eh. Siguro magkikibit balikat lang ako o kaya deadma lang. Kaso hindi eh.
Sa totoo lng, sa sarili ko, hindi failure ang tingin ko sa buhay ko. Oo na, tambay ako ngayon pero sapat ba yun para sabihin na failure ako??? Siguro okay lang sa kin na sabihan nyan kung addict ako, kung sampu na anak sa iba't ibang lalaki, kung bumagsak ako sa isa sa mga subject ko nung college o kaya naman eh nag pakulay ng pink sa buhok sa kili kili kaso hindi eh. Hindi naman napariwara ang buhay ko. May mga na achieve na naman ako sa buhay ko kahit papano, mga bagay na pinaghirapan ko din makuha. Nagtapos ako sa kolehiyo, nalamapasan ang lahat ng mga subjects, pinasa ang board exam at nagtrabaho sa ospital ng ilang buwan. Hindi ko naman sa pinagyayabang ko yan. Gusto ko lang iparating na nag-effort din naman ako para may mangyari sa buhay ko.
Kaya ngayong eto ako, kailangan kong iwasan ang mga bagay na nakasanayan. Medyo iiwan ko muna ang blogsperyo ngunit ako'y magbabalik pag naayos ko na ang lahat. Dadalaw din ako sa mga blog nyo sa susunod. Pero ngayon, busy mode muna. Magtratrabaho muna ako kung san san para patunayan ang aking worth.
FAILURE!!!Hindi ko muna magagawa ang pangako ko sa sarili ko na mag update ng blog... Ngayon, kailangan ko munang puntahan ang training ko.
Saturday, August 9, 2008
R.PAPA
parang first love na ang sarap halikan.
Anyways,nitong mga nakaraang linggo,Halos araw araw eh nanood na ako evening news dahil na din yan sa gulo sa Mindanao at sa patuloy na issue ng Meralco na yan.Kahit na nagiinit ang ulo ko sa pagpanood, at tumataas ang blod pressure ko nagtyatyaga pa din ako saksihan ang mga kalokohan ng gobyerno. Isa sa mga news na napanood ko ay ang ginawa ng MMDA sa street vendors s R.Papa sa Manila. Alam kong mali din ang ginagawa ng mga street vendors. Mali talaga na magtinda sila sa lugar na iyon pero mas mabuti na siguro na makita silang nagtitinda dun ng mga pagkain kaysa naman ang mandukot, mang hold-up o magnakaw. At sabi nga nila sa interview, hindi ganun kadali ang makakuha ng puhunan para dun. Nakakalungkot lang isipin na ganun ang naging eksena dun.
Naalala ko pa nung mga college days ko ay naging laman na din ako ng street na yun at kumain ng sari saring pagkain na pwedeng mabili dun. Nung una ayaw ko din talaga kumain dun kaso dumating ang mga pagkakataon na kailangan kong mabusog kahit na nagtitipid ako. Jologs na kung jologs pero lahat naman siguro ng tao ay may pagka jologs na taglay. Inaamin ko, masarap din naman ang mga pagkain dun, Fish ball, banana-Q, calamares, mais at kung anu- ano pa. Sa awa ng Diyos eh hindi pa naman ako nagkaroon ng Hepa o Typhoid ng dahil sa mga pagkain dun. Kaya talagang hindi ko makakalimutan ang street na yun.Parte na siguro ng buhay bilang isang estudyante mula sa Unibersidad ng Malayong Silanganan ang magawi sa street na ito. Pero ng dahil sa mga taga-MMDA wala na ang araw-araw ng piyesta ng street food sa R. Papa. Isa nga ito sa mga lugar na namimiss ko sa Maynila eh. Sayang nga lang, hindi na ito gaya ng dati. Hindi na mararanasan ng mga college students ang magandang experience sa pagkain dun. Siguro ngayon, puro mga kotse na naka park na lang ang nasa kalsada at wala na ang mga food cart na pinanggagalingan ng mga pagkain na pantawid gutom sa murang halaga. Asan na kaya ang mga vendors dun? Anu na kaya racket nila ngayon?
Sunday, July 27, 2008
wala akong panukli
hindi ako tindera para suklian kita...
nasaktan kita, pasensya na, patawad...
ayoko lang suklian ka ng pag ibig na huwad...
Monday, July 21, 2008
ang babaw ko talaga
pati ang pag load sa cellphone ko pinpigilan ko na din dahil sabi ko sarili ko kailngan ko muna unahin ang mga dapat kong unahin pero bakit sa isang text lang na
"shamaine, musta na?" nagloload ako ng wala sa oras... mababaw akong tao at pag ang text sa kin ang isang tao na may kasamang pangalan ko, nagrereply agad ako...alam ko kasing hindi un GM or forwarded lang kasi nag abala ung sender na tumipa sa keypad nya at ilagay ang pangalan ko...it mins nagaksya ng oras ung taong yun para sa kin...para sa kin mahalaga ang oras na sinayang ng isang tao para lamang kumustahin ako...samantalang kahapon lang naman eh magkasama kayo o kaya naman ay kanina lang eh naguusap kayo sa IM...
mababaw nga siguro ako pero natutuwa ako pag binista mo ang aking blog kahit na minsan walang kwenta ang post ko....o kaya naman ay nagaksaya k ng oras para i-view ang profiles ko sa friendster...sa mga ganyang pagkakataon, naiisip ko madami pa naman pala taong nagpapahalaga sa mga nangyayari sa kin bukod sa aking pamilya...minsan kasi mas pinipili kong hindi mangamusta sa ibang tao, hindi dahil sa wala akong pakialam sa kanila kundi dahil ayoko na ako naman ang tanungin nila ng "ikaw kumusta??"...hindi ko kasi alam ang isasagot ko dyan...okay naman ako kaso parang sa mga nakalipas na buwan walang kwenta ang mga nagagawa ko at paulit ulit lang...parang walang improvement sa buhay ko....yun at yun din ang sasabihin ko..."okay naman" wala man lang pagbabago...
pootek, eto na naman ako puro kadramahan...emoterang emotera ang dating...hay buhay nga naman o...isa lang naman ang gusto kong sabihin sa inyo...
touch ako sa tuwing makikita ko na isa ka sa mga bumisita sa blog ko...touch din ako pag naiisipan mo kong itext at kamustahin...touch ako pag nag leave ka ng comment sa blog ko...pag niyaya mo ko sa bonding at kita kita ng mga friends...pag nag nagmessage ka sa c-box ko...pag nag view ka sa friendster at multiply site ko, kahit view lang masaya na ko dun...
Sunday, July 13, 2008
kaibigan,friendship, basta yun
Possible naman ito, ilang lalaki din naman ang naka close ko at naging tunay ko talagang mga kaibigan. Katunyan nga ang aking bestfriend ay lalaki. Pero hindi ko naman siya pinagnasahan. Ay naku, alam ko mga lihim nya ata alam nya ang mga lihim ko kaya paanong magnanasa ako sa lalaking iyon. kahit na nga matulog kaming magkatabi wala, as in walang mangyayari...
May mga pagkakataon na akala natin love mo na yung tao kasi concern ka sa knya yun pala hindi love nga yun, love para sa isang kaibigan. Kaya ka concern sa kanya dahil nga you like that person as a friend...Oo, nangyari na ito sa kin, kala ko talaga love ko sya yun pla hindi...kaya ngayon mas pinili namin ang maging friends after ng 10 months namin na pagiging mag jowa...Mas okay nga yun kasi hanggang ngayon friends kami at magdadalawang taon na kaming friends after our break up...Maganda na din db kasi mas nagtagal kami sa ganun... Mas naging okay ang relationship namin as friends...
Teka, pero minsan may mga pagkakataon na more than friends na ang tingin mo sa kaibigan mo, as in kaya ka nag eeffort ay dahil mahal mo sya. Sya ang pangarap mong maging karelasyon. Sya ung kasama sa mga daydreaming mo. At ang fave song na nasa mp3 mo ay para sa kanya. Kinikilig ka pa pag nagkakasama kayo kahit andun ang buong tropa na walang kaalam alam sa iyong nararamdaman. Minsan naman kasi sweet sa yo si friend kaya feeling mo na din ay baka more than friends na din ang tingin nya syo. Baka mutual pala ang nararamdaman nyo at takot lang sya kasi nga friends kayo...
Sabi nga nila mas magandang pundasyon sa mga mag jowa ay nagsimula kayo as friends at least daw kilala nyo na isa't isa. Lam mo na kung ano ung mga tantrums nya at mga weaknesses nya...Pero bakit minsan ang friendship ang nagiging borderline, ang dahilan kung bakit hindi pwede pa ituloy ang relasyon nyo sa mas higher level. Pag kasi friends bawal mong taluhin. Baka masira lang ang nasimulan na friendship at magkailangan na kayo...
Ikaw??Handa ka ba na mag risk, i-risk ang friendship para malaman nya na mahal mo sya?? O mas mabuti na yung friends na lang kayo at least yun mas magtatagal kayO?? Mas okay na ba syo ang pagnasahan sya ng lihim o sasabihin mo na sa kanya ang iyong nararamdaman at bahala na si batman?? Bahala na kayo!!! Basta ang alam ko hindi ko ito kwento...para ito sa mga friends ko na nasa ganitong sitwasyon...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
dahil sa feedjit nalaman ko na lumalabas pala ang aking site pag nagsearch ka ng tungkol sa:
- saan ako makakakita ng babaeng nanganganak
- kwentong barilan
- kwentong kalibugan ng mga babae
leche, wholesome p0 akong tao at nakakagulat na isa sa mga lumlabas sa yahoo at google search ang link ko...nakakatawa...hahahahaha...hindi ko alam bakit ganyan...pero okay lang sana may mapulot sila sa blog kong ito...hahaha
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tuesday, July 8, 2008
si kulasa, si tomas at ako
Pagdating ng bahay kinuha ko agad ang celphone ko. 40 messages received.
Binasa ko ung mula kay kulasa (si kulasa ay friend ko nung college at kasama ko ups and downs ng lovelife ko).
"girl, favor naman,text mo nga si bf, pls.pls.di nagrereply alam ko di pa yun tulog"
so tinext ko ang bf nya kasi simple lang naman ang favor na yun, tatawagin ko na lang sa pangalan na tomas ang bf nya, na hindi alam kung sino ko, basta pinatext sya ni kulasa sa kin
"nytnyt suplado...:)"
Nagreply naman si tomas after mga 10 mins cguro yun, after ko basahin ang lahat ng messages,
Tomas: alam ko kung sino ka...
Ako: cge cno nga ako?
Tomas: ikaw si tadz,hahaha
Ako:cno yun?
Tomas: bakit ba ayaw mo kong tigilan?ano pa ba gusto mo?
Ako: All i want is friendship
Tomas: sa mga nagyari sa atin b4 i dont think it is possible na maging friends pa tayo. simula nung nagdecide ka na magpakasal ka naputol na lahat sa atin
(napagkamalan pala ni tomas na ako iyong ex nya na niloko sya at nagpakasal sa ibang lalaki, naki ride na lang ako at pinanidigan ko na lang na ako nga iyong ex nya...)
Ayoko na isulat pa ang mga sinabi ni tomas sa text..mahahaba kasi at para na din sa privacy nya.
To make the story short, parang hindi pa totally move on ung si Tomas sa ex nya. Unfair yun para sa aking friend na si Kulasa. Imagine, magkatext kami kasi nga alam nya na ko iyong ex nya samantalang si Kulasa na present gf nya ay hindi nya nirereplyan.
OUCH!!ang sakit nun...dahil dyan naguilty na ko,di ko na nireplyan ung si tomas.
Text si kulasa sa akin
"girl, ano?ano na napagusapan nyo, makipagbolahan ka"
Ako: Nagreply, pero wait send ko syo mga messages nya.
Kulasa: I feel so bad girl, after all my effort akala ko ok na sya, akala ko sapat na ko para maka move on sya,un pla til now affected pa din sya. Parang ayoko na, ang dami na syang mga bagay na ginawa para masaktan ako pero pnbyaan ko lang kasi nga mahal ko..haayy
Sa pagkakataon na ito na gulity ako, feeling ko ang sama sama kong kaibigan. Imagine, ako pa ang naging way para saktan ang aking friend. I send some advice to Kulasa. sinabi ko na baka naman closure lang ang gusto ni Tomas kaya sya nagrereply.
I don't know what to do, pakiramdam ko napaka unfair ko sa ginawa kong ito. Nasaktan ko ang friend ko, nasaktan ko din si tomas dahil parang ibinalik ko ang sakit dahil akala nya ako nga ung ex nya, at unfair dun sa ex dahil wala syang kaalam alam na nagpanngap ako na sya.
Ang akala kong isang simpleng pabor na nagawa para sa aking kaibigan na si Kulasa ay naging cause na masaktan sya. Parang ang sama ko talaga.
Mali ba ako dahil ginawa ko ung favor na hiningi sa kin ni Kulasa?? Masama ba akong kaibigan dahil finorward ko pa kay Kulasa lahat ng text ni Tomas O naging totoo akong kaibigan dahil dun??
Kahit kailan hindi ko gawain ang manakit ng damdamin ng ibang tao, ang manira ng relasyon, ang maging dahilan ng kalungkutan ng ibang tao pero bakit ganito ang nangyari??
Okay lang na ako ang masaktan ng iba, ako ang malungkot. Mas kaya kong dalhin ang ganun kaysa ako naging dahilan. Ok lang sa akin na agawin ng iba ang mahal ko, ang sirain ng iba ang relasyon ko sa taong mahal ko, masakit yun pero ayos lang sa akin kaysa ako ang nakigulo sa may relasyon ng may relasyon.
Sana lang hindi sumuko si Kulasa at ipaglaban nya ang damdamin kay TOmas.
Kulasa, tandaan mo andito lang ako bilang kaibigan mo.Mahal mo si tomas, ipaglaban mo sya. Ikaw ang maging way para maka get-over na sya sa ex nya. Isa lang yan sa mga dapat nyong harapin ni Tomas, wag ka agad sumuko. Dahil mahal ka din naman ni Tomas. Takot lang masaktan ulet sya kaya ganyan.
Tuesday, July 1, 2008
lablyf
-----sa aking nakaraan na posts ay tungkol sa kabit ang post actually, tumagal lang yan ng ilang araw dahil hindi naman talaga ako ganoon katanga para ipagpatuloy ang kahibangan na yan...salamat sa mga nag comment dun dahil itinigil ko na...dahil wala naman kwenta ang lalaking iyon dahil wala syang bayag para pumili at makontento sa isa-----
Sa aking paglilibot sa blogsperyo ng mga nakaraang araw(medyo sandalian lang ang paiikot ko dahil sandali na lang akong magonline dahil sa kung ano-anong bagay na pinag gagawa ko) napansin ko na tungkol ata sa lovelife ang mga post ng mga tao ah. Oh my!! parang gusto ko tuloy sumigaw ng:
"tang inang pag-ibig yan oh, nauso pa. Pati tuloy ang blogsperyo ay nagkaroon ng love virus"
Oo, may mga bigo, may mga inlove, may mga pagmamahal na hindi kayang ipaglaban, may pag-ibig na lihim, at pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng blogs nila. Ah ewan!!! Gusto ko na sana manahimik na lamang kaso inggitera ako kaya ito nag post na naman ako tungkol sa aking lovelife.
Sa tuwing may mga messages ang aking mga college friends sa friendster, sa mga text messages ng aking mga kasamahan sa ospital at mga ym messages ng aking mga high school friends ay laging nasisingit sa usapan ang aking lovelife.
friend ko: Mustah lovelife?
ako: ito parang coke...
friend ko: Ha? Bakit?
ako: parang coke kasi ZERO!!!
Sa totoo, hindi naman ako nababahala kung wala akong ma consider na lovelife ngaun. Hindi pa naman siguro akong matatawag na old maid dahil 21 years old pa lang ako at alam kong hindi pa makunat na tsitsaron ang aking matris, so bakit ko pagkakaabalahan ang lovelife???
Bakit ba ang mga nasa paligid ko ang nababahala sa aking buhay pag-ibig?Hindi pa naman ako huli sa byahe at madami pa akong gusto gawin gaya ng maging kasing galing ni chroneicon sa pag gigitara, maging sikat gaya ni greenpinoy at maging kasing galing na magsulat gaya ni badoodles.
Marami pa akong kakaining bigas bago ko magawa ang lahat ng yan kaya bakit ko uunahin ang aking lovelife....
Minsan pakiramdam ko para akong binebenta, kulang na lang eh mag- ads sila sa manila bulletin ng: FOR SALE:EMOTERANG NURSE. o kaya naman ay ilako ako sa buong maynila at sabihing "bili na kayo!! libre lang ito, si emoterang nurse"
"pakilala kita sa barkada ko, single din yun, sa ano nagaral, ganito yung course, ok naman sya"
"binigay ko number mo sa isa kong classmate, hindi pa yun nagkaka gf kaya naisapan ko na ibigay number mo, okay lang naman db??single ka naman ngayon?"
"sama ka naman, madami ka makikilala dun malay mo dun mo makilala ang magiging jowa mo"
Hayyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!
kailangan ba talaga eh may lovelife ang isang tao??Hindi ko naman siguro ikamamatay ang status ko ngayon.Mahirap kaya na mabigo ulet. Dahil hindi naman ako pwede pumunta sa ospital at sabihin sa doctor na:
" Doc, broken hearted ako pwede paki suture ang mga atrium at ventricles ng puso ko?wasak na wasak kasi eh".
At ayoko naman na umiyak iyak na naman dahil baka mamatay ako dahil sa dehydration. So ngaun,ang pumper ng aking dugo ay bedrest muna. Umiiwas na ako sa sakit na dulot ng lecheng pag-ibig na yan.
Masaya naman ako kahit na wala akong matatawag na jowa sa panahon ngayon. Masaya ako ngayon dahil sa aking pamilya at mga kaibigan.
Unattached. Not committed. Availble. Okay na ako sa ganyan, dahil alam kong darating din naman ang taong yun o baka nga nasa paligid lang sya at hindi ko pa napapansin ang kanyang existence. Hindi man sya kasing ideal ni Prince Charming, alam kong kasing real naman sya ni Shrek. Kaya sa lahat ng nagbabasa nito, ito ang masasabi ko mga bloggers.
Sa mga taong committed ngayon: I'm happy for you. Cherrish that moment. Fight for your right to love
Sa mga taong bigo: Hindi ka nagiisa, madaming emo ngayon noh!!!inuman lang ang katapat nyan...Tagay!!!
Sa mga nakikipaglaro lang sa pag-ibig: Good luck sa Karma!!Sana lang hindi mo ikamatay yan...HAHAHAHA
Sa mga taong single and ready to mingle: APIR!!!!
Thursday, June 26, 2008
kabit
Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko alam. Martir, tanga, boba, third party, maninira ng relasyon, mang aagaw, mga salitang ginagamit sa isang kabit. Pero masisisi mo ba ang isang kabit kung alam lang naman nya ay nagmamahal sya. Kahit wala sa lugar ay minahal nya ang taong yun dahil yun ang taong magpapasaya sa kanya. Kung anu-anong salita ang maririnig mo sa iba pero ano nga ba ang magagawa mo?
Mali nga siguro sa paningin ng iba pero wala naman akong magagawa. Hindi din nila alam ang hirap na pinagdadaanan ng taong nanghihingi ng konting oras at pagmamahal sa taong mahal mo. Pumayag ako sa ganoong set-up dahil alam kong may legal na taong may mas karapatan sa kanya. Hindi ako pwedeng mag demand sa oras at atensyon.At bakit? kabit lang kasi eh walang karapatan. Hindi ako ang priority nya kundi iyong isa.
Masakit maging kabit, alam kong may kahati ako sa atensyon nya. Hindi ko sya pwedeng angkinin dahil pag-aari na sya ng iba. Basta ang alam ko, masaya ko kahit sa konting panahon, atensyon at pagmamahal na binibigay nya. Hindi ko naman intensyon na manira ng relasyon kaso kahit ata anong gawin ko sa kanya at sa kanya ka pa din dinadala. Sya iyong kasama ko sa mga importanteng araw ng buhay ko, dinamayan ako sa kalungkutan, pinapatawa ako pag hindi ko na kaya kahit ngumiti man lang.
Tawagin na nilang tanga, bahala sila. Wala silang alam sa pinagdadaanan ko. Sa harap ko nakikita ko kung gaano sila kasaya pag magkasama. Kung pano nila ipagmalaki ang isa't isa. Masakit!!
Alam ko naman kasi na kabit lang ako. Ang taong nilalapitan nya pag wala iyong isa. Ang babaeng pangingitiin sya kahit na nasasaktan.
Madami nga siguro lalaki dyan at hindi ko kailngan makihati sa pagmamahal ng iba. Pero sa tuwing tatangkain kong umalis, andyan sya para pigilan ako, at nahihirapan na naman akong panindigan ang desisyon kung tumigil na sa kahibangan ko.
Hindi ako nagdedemand sa kanya dahil natatakot akong marinig mula sa bibig nya na "Alam mo naman ang pinasok natin, simula pa lang alam mong nauna na sya". Pootek!!! Tagos na tagos yun pagnagkataon.
Kaya ngayon eto ko, nag aantay sa tawag nya, kung kailan pwede nya na akong tawagan ng hindi makakahalata iyong isa. Lihim kasi eh.
Ako nga ba ang may kasalanan? O sya na hinayaan nya na mahalin ko sya?? Kasalanan ko ba na minahal ko sya kahit alam kong meron ng iba??
Bakit ako ang nahihirapan?
Nga pala, kailangan kong ulit-ulitin na isa akong KABIT.
It really hurts ang magmahal nang ganito Kung sino pang pinili ko, hindi
makuha nang buo Hanggang gano'n na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin Na sa
puso mo, mayro'n na ngang ibang umaangkin
At alam ko na rin na mayro'n nang nagmamay-ari Sa pag-ibig sa iyo, ako
itong nakikihati At ano man ang mangyari, 'di ko kayang manumpa At kahit pa
ilihim mo ako sa lahatGaano man kabigat sa puso ko itong aminin Hindi dadaing, huwag ka lang mawalay sa 'kin Masakit man ang isipin na ako ang nanghiram Kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam
At kahit hindi 'to tama, ako ay sumugal Kahit na nga alam kong mayro'n kang ibang mahal Binigay ko ang lahat kahit gan'to ang natamo Sa pag-ibig ng iba, ngayon ako'y nakikisalo
-GAGONG RAPPER
Monday, June 9, 2008
ang paglaladlad
Wala din naman akong inspirasyon na magsulat ulet pero ayoko naman na amagin na ito at pagbukas ko ay mga spider web na sya. Pano na ang mga taga subaybay ko na walang awa sa kanilang sarili dahil nagaaksaya ng oras sa pagbisita sa link na ito.
Kaya naisipan kong mag post na tungkol sa aking sarili. Tungkol sa aking pagkatao. Sa taong dahilan ng wlang kwentang blog na ito. Para naman maintindihan nyo kung bakit ganitong mga bagay ang mababasa dito.Ewan korni nga siguro itong naisip ko..hahaha...just for the sake na nag post ako...
una, bakit nga ba Emoterang Nurse?
sa totoo lang hindi ko alam. Dati kasi buong pangalan ko ang nakalagay dyan kaso parang ang hirap tandaan pag ganun eh. Kasi naman laging nalalagyan ng 'R' iyong pangalan ko kaya naisip kong kailangan ko ng code name or pen name na mas madaling tandaan. At nung panahon na iyon medyo emo mode ako kaya naisip ko bakit hindi emotera,pero anong klaseng emotera? pwedeng emoterang bata di ba? kaso para kung kawawang bata pag ganun. Dahil nurse naman ako naisip ko emoterang nurse na lang. Baka may makilala din akong nurse pag nabasa nila ang aking code name.
pangalawa, bakit pink ang background??
dahil tamad akong mag hanap ng codes para dito, ung ready na template na alng dito sa blogger ang ginawa ko. eh kasi naman pag kumuha pa akong ng codes sa kung saang site, good bye to my links. at iisa isahin ko na naman ang mga codes, tamad pa naman akong ulitin ang mga yun kaya ito na lang. Girl na girl naman ang color at maayos naman syang tingnan kaya pwede na din.
pangatlo, sino nga ba talaga ako?
Ako ay isang blogger na 21 years old na mukhang 12 years old. Hahahaha. Isang Nurse na nagaalaga sa mga pasyenteng nangangailngan ng aking kalinga. Isang simpleng tao, na may kababawan sa buhay. Taeng yan! Paulit ulit na lang ata ang sinasabi ko.
those who don't know me think i'm quiet but those who know me, wish i was
ganyan akong tao, kabaligtaran nga siguro ng wat you see is wat you get.
Ako iyong tipo ng tao na tahimik sa unang beses pero sa paglipas ng panahon, sinsabi nila na luka-luka daw ako. Para akong bahay bata, kailangan mo muna dumaan sa vagina bago malaman na aking kahalagahan. Parang uvula na kailangan mu muna ibuka ang bibig para makita ang aking totoong pagktao.
Hindi naman sa plastic ako. Kasi ang plastic mapag panggap. Pero ako, pag ayaw ko ayaw ko. Hindi mo ko mapipilit, lalo na pag recitation sa harap ng klase. Ooops!! dati pa yun nung elementary pa ko dahil nung nag college pala ay kumapal na parang swelas ng sapatos ang mukha ko dahil sa halos araw araw na reporting sa harap ng klase. At pagiging stalker ko...hahaha...sabi nila stalker daw ako, pero sa totoo hindi... Ako lang iyong tao na pag kinwentuhan mo ng tungkol sa sarili mo o tsimis sa ibang tao ay makikinig ako ng buong puso at after few months, maaalala ko pa din yun. Kaya madami akong alam na impormasyon na alam dahil sa mga kwentong yun.
Minsan kaya ako tahimik dahil i give others a chance, wat i mean is hindi ako iyong tipo na eepal para lang mapansin. Observant akong tao, nakikinig sa bawat kwento, nakamasid sa bawat galaw at nagre react sa mga bagay bagay. May kaartehan din naman siguro ako, pero alam kong nasa lugar naman ang pag iinarte ko. Hindi ako iyong idealistic na tao, ako iyong taong realistic. Ang hirap i-explain nun kasi english eh.
Basahin nyo na lang ang mga pambobola ng aking mga katototo sa sikat na sikat na friendster.
ang kaibigan kong wlang kinata2kutan....dahil nka2takotwala daw kinakatakutan??haler?takot ako na maospital at sumakay sa space shuttle...hahaha
xa,....hahahahahahahaha (nonsense...)ang masa2bi ko lng sau, aking kaibigan
ay... "great things come in small packages" -from my college
friend, ERNIE
ito ang aking first seatmate sa college.. nung una
sinusungitan ko pa siya kasi naman napaka talkative nya para sa isang matahimik
na tulad ko!!! lagi siyang nakikinig sa mga story ko, mapatungkol sa skul,
lovelife, family at kalibugan! lagi siyang game sa lahat ng iyan, nung 1st sem
nga, tuwing gabi ata ang tawag nito sa bahay nagtatanong kung ano mga
asssignments namin.. -from greyzie, college seatmate
-------------hahaha, binuko ako na hindi ko alam lagi ang assignment
Tong girl na to!!! Small yet so terrible!!! Astig to ksama!!! Lagi ko to ksama---------------mahilig talaga magtext eh noh?? napaghahalata...
dti nung 4th yr ksama si hazel at pb!!sobrang kulit tlga!!! Me toyo din to tlad
ko kya ngkakasundo kmi!!saya saya to ksama!!! As in pagtumawa to eh sasakit ang
tyan m!!!Mkulit pro maasahan tong friend ko na to!!! Very trustworthy pa!!!Pro tong
friend ko na to ang di nakakalimot sa kaibigan katunayan eh tntxt ako nito
lagi!!! -from Aiben, high school friend
Iyan ay mga bahagi ng testimonial sa friendster ko...may katotohanan naman ang mga yan...
Lecheng post na ito,
walang kwenta... pero salamat at binasa mo...
sa susunod na lang ang may kwentang posts...ipapahasa ko muna utak ko o kaya naman bibili ko ng brand new na utak, san ba makakabili nun???
sa divisoria at quiapo kasi puro slightly used...
Monday, May 26, 2008
tuyo ng damdamin
Bakit nga ba kami nagkita? Matagal na kasi nyang sinsabi na treat nya daw ako kasi may new work na sya. At isang tanghali, araw ng huwebes nga eh nagtext sya sa akin. Sabi nya magkita daw kami, at dahil alas singko naman ang lakad namin ng pinsan ko, pumayag na ako. Medyo late nga lang ako sa usapan pero ayos lang. Kumain kami, nag arcade, nag ikot sa mga stores, nagyaya sya manood ng movie kasi hindi na ako pumayag dahil magkita nga kami ng pinsan ko. Nagmamadali na akong nagpaalam dahil magbyahe pa ko papunta sa lugar kung san kami magkita ng pinsan ko.
how will you know that ur love has faded???it's when...you see each
other...and everything's quite normal. nothing special...no racing of heartbeat
for some one else!!!
Isa iyan sa mga text na natanggap ko nitong nakaraang linggo.
Napaisip ako, dahil sa aming pagkikita ng aking old special friend, narealize ko na may katotohanan ang quote na ito.
Narealize ko na, wala na ang dating kaba pag nakikita kami. Wala na din ang kilig na nararamdaman ko pag magkasama kami.Nasabi ko na sa sarili ko na over na pala talaga ako sa kanya. Isa ito sa mga rason kung bakit din ako pumayag na makipagkita sa kanya gusto kong malaman kung ganun pa din ba, kung pwede pa nga kaya ibalik ang tamis ng pag ibig.
ngaun alam ko na, ang concern at care ko para sa kanya ay para na lang sa isang kaibigan. kung dati ay nasaktan ako ng malaman na may ibang babae sa buhay nya, ngaun ay kaswal ko na lang pinakinggan ang mga kwento nya. Sa totoo lang, masaya ako kung makikita nya ang taong magpapasaya sa kanya. Masaya din ako dahil naka move on ako sa maayos na paraan.
Friday, May 23, 2008
sino na ang mag-aalaga kay emoterang nurse???
Nagtext na nga sya: Ate, di ako makakapunta kasi nilalagnat ako. Pero wait mo si Tita Mai punta sya dyan.
Habang nagaantay ako, nagikot-ikot ako sa SM, na hindi ka naman mapapagod sa paglalakad sa buong mall dahil miniature lang ito ng mga SM malls. Siguro pag nagpabalik balik ka lang ng 20 times yun mapapagod ka na siguro. Sa aking paglalakad napadaan ako sa Bacolod Inasal, pag tingin ko sa isang mesa parang pamilyar iyong bulto kaso malayo kaya para hindi ako mapahiya sa pumasok ako sa kainan na iyon,text ako:
tita, nasa SM ka ba ngayon?
Tita Mimi: Yup, dito ako inasal. Wer k?
Hindi na ako nagreply punta na agad ako Inasal para makikain ng order nyang Pancit Efuven. Tapos tumawag na si Tita Mai, papunta na daw syang SM. Pag dating nya diretso na kami Dairy Queen at nag order ng ice cream. Dahil pasaway ako ayun kain ako ng blizzards kahit na alam kong gumanda na an gang boses ko simula kaninang umaga.
The next day, sama na ng pakiramdam ko, ang ginawa ko, naligo ako para mawala kaso after kong maligo gininaw na ako. Ayun na, tinamaan na akong ng walang hiyang lagnat na may kasamang tonsillitis. Text na agad ako kay mother dear na bumili ng paracetamol.
Ininom ko na ang para at hindi na ako nag abala pa na uminom ng antibiotic eh baka kasi lagnat laki lang kaya ako nilagnat. . Sabi ko pa naman sa posts ko bawal magkaskit pero pasaway pa din ako.
Kinabukasan medyo mababa na ang lagnat ko kaya lang parang may malaking tinik sa aking lalamunan, lunok lang ako ng lunok at inom ng tubig pero wa effect pa din. No choice talaga kailngan ko na talaga ng antibiotic. Ito ang hate ko eh, iinom ng gamot na capsule at tablets. Pinagbigyan ko na nga ang paracetamol na pumasok sa bituka ko pati ba naman ang capsule na antibiotic eh makikisama pa sa pagpasok sa bibig ko. Hayyyyy....Mas okay pa nung bata pa ako eh, syrup iyong mga iniinom na gamot pag may sakit tapos strawberry flavor pa.
Sabi ni mommy parang hindi daw ako nurse, painom daw ako ng painom ng gamot sa mga pasyente samantalang ako eto ayaw uminom ng gamot. Hindi naman nya ako mapilit dahil alam nya naman dawn a mas alam kong ang tamang gawin. Hindi naman din ganun kalala ang sakit ko, hindi ko na sya inabala sa pagbabantay sa aming shop kaya mag isa kong inalagaan ang sarili ko. Pero syempre pag may sakit kailangan ng therapeutic communication para mas gumaling ako. Tinext ko ang aking friend “may sakit ako,huhu”. Di ako nagkamli ng tinext. Reply agad sya alalang-alala sa akin at yun kung anu-ano ang sinabi nya sa akin, parang sya nga yung nurse ko. Nagtetext kung uminom na ako ng gamot. Wag ka kumain nyan, kumain ka nito, inom ng tubig, pahinga na wag mag puyat. O di ba may taong nagpapaalala sa akin ng mga alam ko na. Alam kong busy sya pero lagi nya kong kinukumusta. Pero ang layo nya sa akin eh, puro mga messages at tawag lang ang naging nursing intervention nya sa akin. Wala ang kanyang physical presence. Kaya wala akong magagawa kundi ang alagaan ang aking sarili.
Sino na nga ba magaalaga sa taga pagalaga ng may sakit? Iyon ang tanong sa akin ni badoodles. Ang sagot ko, syempre ako pa din, nasa akin pa din naman ang aking ikagagaling. Nasa akin kasi kung kakain ako ng mga bawal at iinom ng gamot sa tamang oras. Hindi ko dapat iasa sa iba ang aking kalusugan. Dapat ko ng ingatan ang sarili ko ngayon, natuto na ako. Hindi na ako magpapasaway, pero mahirap ata yun, minsan na lang pala ako mag pasaway at hindi na lagi. Sabi nga nila prevention is better than cure. I agree to that. Kasi madami akong hindi napuntahan na lakad dahil sa pag gupo ng sakit sa aking katawan, hindi naman naging obvious na nagkasit ako eh kasi nagcocomment pa din ako sa mga blogs at nag jojoin sa forum kahit na masama ang pakiramdam ko. Ang point ko lang eh nasa iyo ang pagiingat sa kalusugan mo. Kung alam mong hindi maganda para sa health mo ang isang bagay, iwasan mo na para hindi na lumalala ang sitwasyon. At syempre kailangan ng dasal sa Panginoon para sa iyong magandang kayaman, ang pagiging healthy.
Tao din ako, nagkakasakit din katulad ng aking mga pasyente. Kung mayroon man mag-aalaga sa kin na pang matagalan. Sana mahanap ko na.
Friday, May 16, 2008
anak ako ni darna???
Pre school ako nun, malakas ang ulan pero wala naman bagyo kaya sympre may pasok ang mga nasa prep. Dahil sadyang bahain ang kalsada sa may school na yun, na kahit mahabang ambon lang eh binabaha na dun, ayon nagkaroon ng dagat sa labas ng gate. At ilang minuto na din akong nagaantay kay kuya alex(sya ang aking sundo), hindi naman yun karaniwang huli kung dumating pag susunduin ako. Paglalabas nga ako andun na sya at naghihintay. Hindi naman ako pwdeng umuwi dahil baka matangay ako ng alon sa labas ng school at mabobojack ang guard na magpapalabas sa akin dahil nga wala pa ang aking sundo. Lumipas ang ilang minuto habang nakaupo ako sa bench, nagkaingay ang aking mga kaklase na wala pa din sundo. Nakatingin sila sa gate dahil andyan si darna at papalapit sa aking inuupuan. Kinarga nya ako at nilampasan namin ang dagat na nawawala pag maganda ang panahon. Di ko inaasahan ang pag dating nya. Ang galing pala nya,dumating sya sa oras na aking pangangailngan. Hindi nawala sa akin ang eksenang ito. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanyang pagdating. Sana iligtas nya ulet ako sa susunod.
Isang gabi, hindi ako makatulog, dahil bata pa din ako nun,pumunta ako sa kwarto nila mommy para dun maki tulog. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si darna. Iniluwa nya ang bato at naging si mommy. Ang laki ng mata ko sa gulat dahil sa aking nalaman. Dahil sa aking nasaksihan, dahan dahan akong bumalik sa aming kuwarto at tumabi ulit sa himbing na himbing na aking ate. Totoo nga kaya ang aking nakita?
Imposible!!!
Imposible ata na si mommy at si darna ay iisa.ordinaryo lang si mommy. Gumigising ng maaga para asikasuhin kami at sya ang pinakuhuling natutulog para siguraduhin na maayos kami habang nagpapahinga. Hindi sya si darna, normal lang naman ang mga gingawa nya ah. hindi iyon basehan para magkaroon sya ng powers. Inilihim ko ang mga bagay na ito. Bata pa ako kaya baka hindi sila maniwala pag sinabi ko ang lihim ni mommy. Maghahanap na muna ako ng mga ebidensya para mapatunayan ito.hindi ko inaasahan na napakadali pala ang maghanap ng ebidensya. Sa araw-araw pinatunyan nya na sya nga si darna..
Sa paglipas ng mga araw, buwan at planeta este taon pala, napatunayan ko na ang matagal na lihim ng aking ina. Totoo nga na siya si darna . Sya ang kayang gawin ang lahat para sa aming mga anak nya. Ibubuwis ang kanyang buhay para lang sa aming kaligtasan.Magsasakripisyo para lamang sa aming kapakanan. Ginawa nya ang mga bagay na mas higit sa inaasahan na gagawin ng isang ina. Kahit na minsan alam kong nahihirapan sya, pero patuloy sya sa pakikipaglaban sa mga masasamang tao na mananakit sa amin
Matagal man bago ko napatunayan na sya nga ay may katangi tanging kapangyarihan pero ayos lang. Hindi na naman siguro lingid sa kaalamanan ng aking mga kapatid ang lihim nyang taglay. Nagkukunwari na lang kaming hindi alam. Pinapantayan ang pagaalaga nya at pinaparamdam ang aming pagmamahal.
Nitong mga nakaraang araw medyo nag ha-hypotension si mommy, minsan kasi kulang sya sa tulog. Sinabi ko na lang na magpahinga ng mabuti at magkakain ng mga pagkain mayaman sa iron. Alam kong kailngan na ni mommy na magpahinga sa pag aasikaso ng aming shop. Kailangan na di nya isuko ang kanyang bato na nagtataglay ng kanyang powers. . Grabeh pala ang powers na taglay nya sana ganun din ang powers na ipapamana nya sa akin balang araw.
Nung isang araw, nagusap kami sabi nya mga ilang taon pa at hihiwalay na ako sa kanila at gagawa ng aking sariling pamilya. Ipapamana nya na sa akin ang bato. Ang pagiging darna. Bigla akong natulala, ako na ang magiging darna? Handa na nga ba ako sa isang ganito kabigat na responsibilidad? Sa ngayon, alam kong hindi pa. Makasarili pa kasi ako eh, nagsasaya sa aking simpleng buhay. Napapaisip din talaga ako, kakayanin ko ba ang mga ginawa ni mommy para sa amin?? Masyadong pang maaga para guluhin nito ang aking isipan. Matagal pa naman yun. Sasabihin ko na lang sa kanya na unang ipamana ang bato sa aking ate, mas matanda naman yun sa akin eh. Saka ko na isusuot ang costume ni darna.
Thursday, May 8, 2008
broken vow
Ayun ang lalaking aking tinatangi. Ang kisig nya tingnan sa kanyang puting uniporme. Mababanaag ang ningning sa kanyang mga mata habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaklase sa akademya. Obvious sa kanyang mukha na kinakabahan sya dahil ilang minuto na lang iiwan na niya ang mundo na pagiging binata pero alam kung abut abot ang kaniyang kasiyahan. Matagal nya na itong inantay. Panghabang buhay na isusumpa sa harap ng altar ang walang wagas na pag-ibig hanggang kamatayan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Iba’t ibang emosyon ang naghahari sa aking pagkatao. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik tuloy sa akin ang nakaraan, kung paano kami nagkakilala ng lalaking aking minamahal.
Broken hearted ako ng ipakilala sya sa akin ng isang kaibigan. Sa totoo lang wala akong pakialam sa kanya. Higit na mas matanda sya sa kin, seryoso sa kanyang buhay at ako, isang kolehiyala na walang magawa sa kanyang buhay. Ako ang tipong party dito at party doon. Walang pakialam sa paglustay ng pera. May direksyon naman ang buhay ko pero gusto ko ay magsaya. Wala naman siguro masama dahil hindi naman pumapalpak ang grades ko. Hindi ko sinsadya na dumating sya sa buhay ko.
Sa bawat araw na lumipas andyan sya para sa akin. Handang magbigay ng payo. Tumayong aking nakakatandang kapatid, pinagkatiwalaan nya ng kanyang mga lihim at nararamdaman. Unti-unti, hindi ko namamalayan na nababago na pala ang buhay ko dahil sa kanya. Mas nagseryoso na ako sa aking pag aaral. Hindi na din ako naglalabas upang gumimik. Hindi ko na din pinaunlakan ang mga imbitasyon ng mga nagpapalipad hangin sa akin. Ewan ko ba, parang siya ang nagturo sa akin na maging mature. Hindi ko na din napansin na wala na din ang pakiramdam ng pagiging broken hearted. Dahil nga kaya sa kanya?? Hindi ko alam ang sagot. Dito ako nasimulang naguluhan. Dito na din sya nagtapat ng nararamdaman para sa akin. Ang saya ko. Sya na nga siguro ang bigay ng Diyos para sa kin. Sino nga ba ang makakapagsabi na isang military pala ang bibihag na aking puso. Kahit na iba ang mundo nya tinanggap ko iyon dahil iyon ang kanyang buhay. Sya ang prinsepeng inantay ko na magliligtas sa akin kasama ang pangakong mamahalin ako at aalagaan habang buhay.
“From this moment life has begun from this moment you are the one…………..”
Sabi ng kanta ni Shania Twain, hindi ko namalayan na Nagsisimula na pala ang wedding march. Bumalik na sa kasalukuyan ang aking isip. Tingnan mo naman ang lalaking yun. Lubos na kasiyahan at pagmamahal ang nakikita ko sa kanyang mukha habang nagiintay sa harap ng altar.
“I do” sagot nya sa pari. Tanda ito ng pang habang buhay na pangako.Pagkarinig sa katagang ito tumulo ang luhang kanina ko pa pinpigilan na lumabas. Sabi nga nila normal lang ang iyakan sa mga kasalan. Pero……..
Iba ang luha na ito, luha ng pagdadalamahati at kabiguan. Masaya sya samantalang ang puso ko ay nagluluksa.
Unti Unti akong lumayo dahil sa luhang ito. Lumabas ng simbahan, alam kung nakasunod ng tingin ng iba sa akin dahil lumikha ng ingay ang takong ng aking suot na sapatos. tumakbo pabalik sa kotse na naglulan sa akin papuntang simbahan. Doon ako umupo at umiyak ng umiyak.Sa totoo lang hindi ko intensyon na gumawa ng eksena sa kasalang iyon. Kaso ang puso'y ko'y nagluluksa.
Wala na siya. Iba ang magdadala ng kanyang apelyido. Ang pangako sa akin na pang habang buhay ay nasira na.Paalam sa pangakong kay tagal kong pinanghawakan at nagbigay ng pag asa. Iba ang pinili nyang makasama habang buhay. Hindi ako ang makakasama nya. Kundi ang babaeng iyon na hinarap nya sa altar. Malamang na patapos na ang seremonya. Hindi nya alam na naging saksi ako sa kasalang iyon. Masokista nga ko siguro.
Pumailanlang ang tunog sa radyo ng kotse aking sinakyan. Tumagos hanggang sa buto ang mga salitan ng kantang:
Tell me her name
I want to know
The way she looks
And where you go I
need to see her face
I need to understand
Why you and I came to an end
Tell me again
I want to hear
Who broke my faith in all these years
Who lays with you at night
When I'm here all alone
Remembering when
I was your own
I'll let you go
I'll let you fly
Why do I keep on asking why
I'll let you go
Now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow
Wednesday, April 30, 2008
birhen
May isang topic kasi kaming napagusapan ng mga kaibigan ko sa isang inuman, inuman ng tubig sa swimming pool.
Sabi ko sa aking friend “Uy, importante ba syo kung birhen pa ang babae pag pinakasalan mo?
Friend: “Alam mo kung mahal mo, tatanggagapin mo sya kahit hindi na. Hindi naman iyong katawan lang ang habol mo sa kanya. Malay mo nagmahal lang sya ng sobra dati kaya binigay nya lahat-lahat. Pero sympre, mas okay sana kung virgin pa”
Sa totoo lang, hindi lang naman sya ang lalakeng nakausap ko na ganito iyong sinabi tungkol sa issue na yan. Madami na din ako narinig na ganito ang reaksyon sa issue na
yan. Masasabing moderno na ang panahon ngayon at marami ng mga bagay ang naiba sa pagdaan ng mga araw at buwan.
Naalala ko nga, nung high school kami issue talaga pag nalaman ang pinakatatago tago mong lihim na may nakauna na sa iyo. Eh sympre naman, Christian school kami at ang mga ganitong bagay ay talagang nakakagulat at pinaguusapan ng mga kaklase mong tsismosa.
Sa mga aking nalaman sa iba, nabasa sa libro at napagaralan sa sexuality nung college may palatandaan kung birhen na ang babae. Ito ay ang pagdudugo ng dahil sa pagkapunit na hymen. Pero may nagsabi na sa akin na minsan kahit na una pa lang ng babae walang pagdudugo. Kahit na ganun, parang naisip ko unfair din naman di ba. Sa amin merong ganun tapos sa lalaki wala. At pag madami na experience ang lalake mas okay. Pero dapat sa babae hindi.
Para sa akin, hindi issue ang virginity ng isang tao. Bakit ba iisipin mo ang nakaraan eh tapos na yun. Kahit na pagbali baligtarin mo ang bahay nyo eh hindi na yun mababago. At sabi nga ng iba kong kakilala, kailngan din daw na malaman nyo kung compatible sa aspetong iyon. May point din siguro sya. Kaya sana ang mga taong masyadong judgemental tungkol sa bagay na ito ay lubusang maintindihan na hindi malaking issue ito. At dahil hindi na birhen ang isang babae, madumi na syang babae. Isa man iyong kasalanan pero kung humingi na sya ng tawad sya Diyos dapat ay magpatawad din ang tao. Isa nga itong bagay na medyo sensitibo na pag usapan, lalo na sa ating bansa kung saan tayo ay pinalaki sa konserbatibong paraan. Pero hindi ito kailangan iwasan dahil sasabihin na medyo masyado ng pribado ang topic. Kailngan pag usapan ang mga bagay na mahalaga. Kasi iyong iba na iniisip ang pagkawala ng kanyang pagiging birhen ay nawawalan ng self confidence at hindi mailabas ang kanyang saloobin dahil natatakot sya na i-judge sya ng mga taong nasa paligid nya. Hindi naman sa sinasabi ko na ipagkalat mo na ikaw ay hindi na virgin, ang sa akin lang, sana maging open-minded ang mga tao sa lipunan tungkol sa issue na ito. Bilang isang nurse, open ako sa mga ganitong topic pero ang iba kasi ay may pagka konserbatibo at baka batikusin ang aking post. Wala aking paki alam, blog ko ito noh. Kaya ito ang aking tanong, virgin ka pa ba? Hindi pwersahan ang pagsagot. Pwde ka naman sumagot ng “NO COMMENT”
Monday, April 28, 2008
bawal magkasakit
Sa aking propesyon ginawa ko ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang bawat hinaing ng aking mga inaalagaan pasyente ngunit ako’y nalulungkot pag naiisip kong ang budget ng bansa para sa kalusugan ng mga taong nagbabayad ng tamang buwis ay hindi naibibigay. Ang mga facilities ay hindi sapat para sa pangangailngan ng pasyente. Gusto ko man tugunan ay wala akong magawa dahil ako’y nurse lang at hindi ako ang naghahawak ng budget. Siguro kong may naibigay ang tamang halaga para sa ospital na aking pinagtratrabahuhan, malamang na hindi siguro malala ang sakit ng iba sa aking mga pasyente. May mga mas humaba pa siguro ang buhay. May pinost akong letter ng isang nurse sa isa ko pang blog. Sinabi nya ang mga malpractice na nangyari sa iang ospital kung saan nakaratay ang kanyang ama. Sa totoo, nalungkot ako ng basahin ko yun. Sa gobyerno din ako nagtrabaho at nakita ko ang scenario sa ospital na public. Gusto kong makatulong sa kanila pero paano? Ang kita ko ay kulang pantugon sa pangangailangan ko.
Sa totoo lang natutuwa ako pag may discharged na pasyente. Ibig sabihin bumuti na ang kanyang lagay. Kasama ako sa mga tumulong sa kanyan pag galing. Ang mga salitang lagi kong sinasabi pag uuwi na sila “WAG NA KAYONG BABALIK HA?MAHIRAP MAGKASAKIT”. Mahirap talaga lalo na kung walang plate para sa X-RAY ang ospital. Walang CT scan machine dahil hindi afford yun ng gobyerno. Hindi ka na pwede I admit dahil wala ng O2 gauge. Grabeh di ba? Totoo ang mga sinabi ko. Ganyan ang mga nangyayari sa public hospital. Kaya nga I can’t blame others kung bakit ayaw nila mag pa admit sa ganun.
Ang mga ito ay dahil kinurakot ng gobyerno ang budget na nakalaan para sa health. Kailan pa kaya ito masosolusyunan? Sana lang tigilan ang pag kurakot. Kawawa ang mga walang pera pag nagkasakit dahil matagal ang pag galing dahil wala naman libreng gamot at swero.
totoo nga ang commercial ng sabihing BAWAL MAKASAKIT.
Tuesday, April 22, 2008
larong panlalaki pwede naman pala sa babae
Sa high school, sympre medyo pa-girl na at wala na din masyadong laro ng mga panahong yun. Natuto na din ako mag browse sa internet. improving di ba, pero wala pa kong blog nun dahil months old pa lang ang aking blog, in short baby pa itong blog ko. Dumating ang time naman na nauso ang mga LAN games, ayun natuto akong mag counter strike at mga classmate kong boys ang kalaro namin nun. Ewan ko ba, feeling ko kasi magaling din ko dun.
Pag dating ng college, anu naman natripan ko na larong panlalake?? bilyar siguro pero hindi ko masyado nagawa ito dahil medyo busy ako nun. Ahhh, alam ko na pag dating ng last year ko sa college na addict ako sa arcade. As in pag may free time, punta ko ng galleria para mag laro. Ang mga laro ko dun: car racing, baril barilan, video games at basketball. Ewan ko kung bakit naisipan kung maglaro ng mga yun. Tomboy nga siguro ko. Pero may tomboy ba na lalaki ang gusto sa buhay.Ay ang gulo ko talaga.
Sa paglipas ng panahon ang lahat halos ng bagay ay unisex na.Ang mga lalake nga may hikaw na ngayon, dati ay sa babae lang yun di ba. Ang long hair ay hindi na din sa babae lang, mga lalake din long hair na.
Gaya ng mga laro na nasubukan kong laruin, pwede naman sa aming mga babae yun, enjoy naman kasi kaya wala dapat na sinasabing na larong panalalake lang yun. Kung kaya ng mga lalakeng laruin yun pwede din sa babae, right???Nag-enjoy ako sa aking kabataan dahil natutuhan ko ang mga larong yun.
ang pag blo2g ko...
ay nku... madami pala akong hindi alam tungkol s pag blog na ito at ngaun ko lang nadidiscover ang lahat... bakit ganun??? ndi nman ako taga bundok pero hindi ko alam ang mga bagay na ito...tingnan mu nga ang template ko luma pa din hangang ngaun grabeh di ba...inosente talaga... nung magbrowse nga ako ng mga blogs namangha ako sa kanilang mga ginawang blog... pang friendster ang background... napapag iwanan na talaga... kya ayun di ko mapigilan ang sarili ko na magtanong sa iba tungkol dito at kahit papano may bunga naman... may mga nalaman naman akong bago... oh di ba improving ang lola nyo...hahahaha... last week sinubukan ko baguhin ang aking blogskin dun sa isa kong blog...kaya ayun okay na sya...ang hirap nga lang kasi nawala ang mga links... pero ayos lang...iyong dito naman di ko na baguhin mas okay na itong pink para girl na girl di ba...
Friday, April 18, 2008
sentimyento ng isang tambay
ilang linggo pa lang akong nakatambay ulet sa bahay pero nagdradrama na ako... wat more pa kaya kung magaya na ako sa mga lasenggerong laging nagiinom sa kanto...hindi naman sa low morale na ako nagun...medyo pressured din kasi ako dahil nagtatanong na ang mga nasa paligid ko kung ano na nga ba plano ko sa buhay... sa totoo lang madami akong plano pero nauudlot lahat ang mga plano kung pag iniisip ko kung san ako kukuha ng pera para sa mga plano ko...hahaha...pwede kaya na ibenta ko na lang iyong lisensya ko sa PRC o kaya naman... ibenta ko lahat ng friends ko sa friendster at multiply ko...kaso hindi pwede...kaya ngayon tinatawag na ako ng kama... sabi nya "matulog ka na alam ko naman na sabik ka na sa akin"...totoo sinabi nya...ah teka nag halluciinate lang ata ako dahil sa tindi ng init sa paligid pero may point iyong kama ha sabik talaga ako sa tulog kaya kahit tanghaling tapat matutulog ako kasi hindi naman binibili ang tulog, kahit wala akong pera... pwede akong matulog hanggat gusto ko... hahahahahahaha...:)
ang pintura sa mga mukha ng babae
Common na nga siguro sa mga babae ang may pintura sa mukha, este make up. Hindi na siguro yun mawawala sa mga bag ng kababaihan at ang mga yun ay nakalgay sa kanilang mga kikay kit.
Karamihan siguro sa mga kalalakihan ay nagugulat kung bakit kailangan pa ng ganito samantalang mas maganda ang natural na ganda kaysa ang magkulay ng mukha at maiba ang itsura nila.Bakit nga kaya kailangan pa nito?? 2nd year ako ng sinabi ng professor ko
sa humanities na "Make-up add beauty".May basehan naman pala kung bakit ganun.Sa aking observation gumaganda naman talaga ang ibang mga babae pag may make-up kaso minsan may OA mag make-up kung kaya't nagiging mukhang clown na ng dahil sa make-up.
Sa mga magazines, kung anu anong make-up, kulay nito at brand nito ang makikita. Pinagkakagastusan talga ito ng mga kababaihan. At pinagaaralan ang paglalagay nito. May mga short courses nga na pwedeng pag enrollan para sa mga ganito eh di ba.
Ang mga artista at ang mga nasa print ads, foundation ang gamit sa mukha pero ako face powder lang. Ito kasi ang nagbibigay ng pantay na kulay sa mukha. Minsan kasi may light color or dark spots sa mukha kaya ito ay ginagamit para maganda ang dating ng skin.
Lipstick,lipgloss at lipshiner, obvious naman na sa lips to ginagamit. Gamit yan para naman mukhang kissable ang lip. Iba iba ang kulay para bagay sa damit na suot at sa okasyon na pupunthan. Pag mga mall lang lip gloss lang pwede na para lang hindi mag dry ang lips. At kung medyo pormal, Lipstick na medyo dark ang kulay para bumagay sa okasyon.
Sa mata naman, madaming pwede ilagay. Andyan ang eye shadow, eyeliner at mascara. Ang nagamit ko lang dyan ay ang eyeliner. At pag nag lalagay ako eh napapaluha ako dahil nga hindi ako sanay mag ganun. Pero nung nasanay na ako, no more tears na ang lola nyo. Iyong eye shadow hindi ako nag ganyan kasi hindi ko talaga matutunan yan. Iyong mascara okay sana kasi maganda talaga ang eyelashes mo pag may ganun kaso ako kasi mahilig magkamot na mata kaya hindi ako nag gaganyan kasi kakalat lang yung mascara sa gilid ng mata ko, eh baka ma irritate pa, kaya ayoko.
Para naman magmukhang mestisa ang dating kailngan ng blush on para sabihin na rosy cheeks. Pag bagay sayo ang kulay at maganda ang pagkakalagay mo sa pisngi ang ganda talaga tingnan. Blooming ang dating mo sa mga makakakita syo. Kaso may mga nakita ako na OA mag blush on. Hindi na nga bagay sa kanila ung color na ginamit nila tapos hindi pa maganda ung pagkakalagay. Hindi naman sa nilalait ko sila, kaya lang ang sagwa talga tingnan eh.
Minsan, ganun talaga sa pag make up eh, may gumaganda may pumapangit. Kaya dapat alam mo talaga ang mga color na bagay sayo when it comes to these, pati na kung anu ang tamang way ng pag aapply nito. Kasi pag hindi mo alam,ikaw din ang nakakahiya.Hehehe.
Pero may mga sadyang magaling na talaga pag dating sa art na ito. Gaya na lamang nung nakasakay ko isang beses sa jeep. Sales lady ata sya sa SM. At nakita ko talaga kung panu sya maglagay. Ang galing talaga kasi kahit umaandar ung jeep at maliit lang yung gamit nyang salamin, pantay iyong pagkakalagay nya ng make up sa magkabilang side ng mukha nya at maganda din ang combination nya ng colors. Iyong mga magandang assets ng mukha nya na emphasize talaga. Gusto ko nga sya tanungin kung panu nya nagawa yun eh kaso after nya matapos sa paglalagay ng mga yun sa mukha nya maya maya lang bumaba na sya. Ang galing eksakto lang yung paglagay nya sa mukha sa oras ng pagbyahe nya. Saludo talaga ko sa babaeng yun.
Parte na siguro talaga yun ng mga babae. Pero meron din naman na allergic sa make-up kaya hindi naglalagay ng make-up. Ang masasabi ko lang nasa nagdadala naman yan eh.Kaya kanya nkayang trip lang kung meron o wala. Kung makapal o hindi ang paglalagay. Go lang kung san masaya di ba?
mga simpleng bagay pero kakakilig
Minsan sa aking buhay ako ay nagmahal. Normal naman iyon di ba?kahit sino nakaramdam na nun. Ilang beses din yun, at dahil hindi siguro talaga para sa akin kung kaya't nagwakas din.Masasabi kong madami akong natutunan sa mga iyon. May masayang parte at may malungkot, Umasa at natutong magpalaya, minahal at nagmahal, nasaktan pero may kilig moments din naman. Sa bawat relasyon iba-iba ang naging istorya. Iba't ibang kasiyahan sa iba't ibang paraan. Iyon ang mga msarap balik balikan at alalahanin, ang mga happy kilig moments sa bawat relasyon.
Anu nga ba ang nakapagpapasaya o nagpapakilig sa aming mga babae? Rosas? chocolates?Teddy bears? O mamahaling mga gamit. Sa akin kasi hindi iyan ang mga bagay na nagbigay saya sa aking love life. Hindi materyal na mga bagay kundi ang mga simpleng bagay na para sa akin ay mas mahalaga.
Simple lang akong babae at ang mga simpleng bagay lang naman ang nagpapasaya sa akin. Basta nagbigay ng effort ang isang tao para sa akin, appreciate ko na yun kaagad. Siguro nga mukhang mababaw ako pero ganun talaga, ako ito eh. May mga bagay na nagpakilig sa akin noon. Hindi ko na maalala ang iba pero ito ang mga naalala ko:
*Dati nung mha panahong hindi pa uso ang Unli at Autoload,nag txt ang mudra ng boylet ko at sinabing "MAHAL KA NG ANAK KO, LAM KONG IKAW LANG ANG MAKAKAPAGPABAGO SA KANYA". Nagulat ako sa txt ni mudra nya. Pero dahil high school pa lang ako nun kinilig ako dahil sa nanay na nya mismo nanggaling yun. Mahalaga kasi para sa akin na alam ng pamilya at kaibigan ng lalaki na ako ang taong pinakamamahal nya. It means na proud sya sa na ako ang napili nya at gusto nyang malaman yun ng ibang tao na parte din ng kanyang pagkatao.
*Isa pa din sa nagpakilig sa akin ay ang tatawag sa akin ang boylet.makikipagkwentuhan tapos mag dare sa kin na pupunta ng bahay namin.Magugulat na lang ako wala pang isang minuto, andun na sa labas ng bahay namin. Hindi naman namin sya kapitbahay, yun pala andun na talaga nung tumawag sa amin.May pag corny man pero ang mga simpleng surprise para sa akin ay nakakakilig kasi parang your always looking forward sa mga creative things na gagawin nya upang ma please ka.
*Ang effort ng isang tao ang mahalaga din para sa akin, kaya naman pag nagbyabyahe ang jowa ko dati galing sa rizal papuntang recto para makita ko eh natutuwa naman ako dahil sandali ko lang sya nakakasama dahil may klase pa ako.At medyo busy talaga ang sched. Iyong sandaling oras na makakasama nya ako ay konting oras lang kumpara sa byahe nya papunta sa school ko.
Sobrang saya ko pag ganun kasi makikita mo ang pagtitiyaga at pagod na nilaan nya para lang dalawin ako sa university na pinapasukan ko.
*Sabi nila time daw ang pinakamahalaga na maibibigay mo sa isang tao kasi yan ang isang bagay na hindi mo na maibabalik. Kaya pag nag-spend ka ng time sa isang tao ay mahalaga na ito. Sa tuwing makikipagkita ko dun sa huling tao na naging espesyal sa buhay ko. Lagi talaga akong late. Hindi naman sa sinasadya ko, maaga lang talaga lagi sya sa usupan namin. Iyong oras na pinaghihintay nya sa akin ay sobrang halaga para sa akin. Kung iyong iba ay mag walk out na or hindi na ako antayin sya ay iba. Hinihintay nya talaga ko. May time pa nga na almost 2 hours sya nag intay dahil hindi kami nagkaintindihan sa oras ng usapan. Pero matiyaga syang nag antay sa akin. Hindi sya naghinayang sa mga oras na sinayang nya sa pagdating ko sa aming meeting place.
*Ang mga pangungusap na "ikaw ang nagabago na buhay ko" "handa akong maghintay, hayaan mo lang na mahalin kita habang hindi ka pa ready". Bola nga siguro para sa iba ang mga katagang ito. Pero para sa akin mas mahalaga ang mga pangungusap na ganito kesa sa mga "i love you" at "mahal kita". Para sa akin kasi gasgas na gasgas na ang mga salitang iyon at minsan kahit na sinabi sa iyo ang tatlong salitang iyon ng isang tao wala pa rin kwenta dahil salita lang ibinigay sa'yo. Puro salita lang at kulang sa gawa.
Madami pang mga styles at unique ways na nagdulot sa akin ng saya pero ayoko ng ibahagi pa iyon. Dahil sa tingin ko ay sapat na ang mga sinulat ko. Baduy at corny man siguro iyong mga nilagay ko pero ganun talaga pag inlove di ba corny at baduy.Pag naaalala ko ang mga bagay na ito ako ay napapangiti. Iba ang hatid ng mga bagay na ginawa ng taong mahal mo kahit na napaka simple lang nito.
Wednesday, April 16, 2008
bakit sa babae ang hirap sa lalaki ang sarap?
ako ay nagmumuni muni kanina ng ako'y mapaisip bakit nga ba babae ang nanganganak. Sabi nila parusa daw yun ng Diyos sa mga babae dahil si Eba ang unang nagkasala at siya ay babae kaya ganun.
Hindi naman sa inaaway ko ang mga lalaki ha. Gusto ko lang na maisiwalat na parang unfair para sa amin. kasi sa totoo naiirita ako pag meron akong buwanang dalaw. Eh kasi naman puti ang uniform ko sa ospital at masyadong maaksyon ang mga gingawa ko dun at pag meron ako, naku conscious na conscious talaga ako na baka may mantsa na ang pantalon ko. Sa galing ng gamit kong napkin eh hindi pa naman ako nag ka stain sa work. Dugo na pasyente ang tumitilamsik sa aking uniform.
Bkit nga ba babae ang nadadalantao, siyam na buwan kang di nireregla. Ayos sana yun. kaso may buhay sa iyong tiyan na kailngan mong ingatan sa loob ng siyam na buwan. tapos pag oras na ng paglabas ng bata ayun mag lalabor ka. Naku, halos sapakin na ng pasyente ang mga nurse sa tindi ng sakit. Ilang oras din naman itong labor, swerte na pag mga 1-3 hours lang eh pano kung abuting ng 24 hours o abutin ng ilang araw. Sobrang hirap nun.
Tapos pagkalabas ng anak kailngan ay breatfeeding. Iba talaga pag babae. Buhay ang naksalalay sa kanilang mga kamay.
Teka, eh pano kung ayaw mu ng anak?Sympre punta si girl kay Dr. Quack Quack para i-abort ang bata kaso ganun din yun eh. Ang isang paa ng babae parang nasa hukay.
Minsan pa pag walang kwenta pa ang nagdeposito kay babae, iiwan sya ng walang bayag na lalaking yun.
Anu nga ba ang role na mga lalaki sa mga ganitong pagkakataon?? sympre ang Moral Support at Financial Support. Kailngan intindihin ang mga babae pag meron. Lalo na ng mga asawa or jowa nila. Hindi ko alam pero mainit talaga ang ulo ko at maigsi ang pasensya ko pag may dalaw ako. At hindi ko matukoy kung bakit siguro ay dahil sa pagbabago ng mga hormones pag ganitong pagkakataon.
Sa mga panahon na buntis ang babae kailngan talaga ng suporta, lalo na galing sa asawa. Kasi insecure daw lagi ang mga buntis at laging nag seself-pity.kaya dapat wag na kayong mangaliwa noh. Eh isa kayo sa mga dahilan ng umbok na iyon eh.
Hindi makukumpleto ang mundo at hindi din naman kami magiging masaya kung wala kayo. Kaya sana boys, andyan kayo sa saya at hirap na pinagdadaanan ng mga babaeng espesyal sa inyo.
Monday, April 14, 2008
18th birthday-ang debut
Pipili na si dalagita ng escort.sympre dapat cute yun di ba. It's either crush mo nung high school o kaya naman eh iyong childhood sweetheart. At sasabihin kay mother dear ang napili. Tapos susunod na din dito ang pagpili ng mga magpaparticipate para sa 18 roses, 18 candles, 18 gifts, 18 shots of wine at kung anu ano pang 18 na maisip ng mga magulang mo or ng coordinator na hinire ng nanay mo. kailangan kasi mga friends mo nung high school at elementary pati na iyong mga new friends mo ngaung college ay kasama sa listahan di ba. at sympre ang mga kapatid mong lalake hindi yan mawawala sa listahn ng isasayaw mo. hindi din mawawala sa 18 candles ang kapatid at mga pinsan mong babae.
tapos pipili ka din na motiff para sa iyong debut.iyong iba pinipli pink kasi nga girl na girl ang kulay na yun. o kaya naman light blue para simple lang. importante kasi ang bagay na ito dahil iyon ang magiging kulay ng mga bagay na may kinalaman sa iyong debut. yun ang magiging kulay ng invitation mo, gown mo, cake mo at pati na ata ang panty mo.
speaking of gown ayan, sympre ang ever supportive na si mother dear ay dadalhin ka sa sosyal na bakla na magdedesign ng gown mo. ikaw naman na magdedebut pipili ng feeling prinsesa ang susuotin mong gown. aba eh andun kaya ang crush mo kaya dapat talaga diosa ka sa araw na iyon.
isa pa sa mga iisipin mo ay ang place. panu na lang ang magandang preparation kung hindi maganda ang lugar di ba. its either sa resort, sa isang resto or isang hotel ang pipiliin mo. o kung mansiyon ang bahay nyo at may malaking garden dun na lang gagawin para mas sosyal di ba. para maganda ang pagbaba mo sa grand staircase ng napili mong lugar. sosyal!! dalagang dalaga ang dating di ba.
sympre pag umaattend ang mga friends, relatives and country men kailngan may bitbit ang mga yan. Eh anu ba yun upuan?mesa? o bulaklak dun sa center ng table na kinainan? hindi iyon ang ibig kong sabihin sympre iyong SOUVENIR. aba kailngan yun di ba. kanya kanya din ng trip sa ganito. Iyong iba CD, o kya figurine basta kung anu pwedeng souvenir pag kinasal halos ganun din pag nagdebut. Basta ang importante may pangalan nung debutante , date at place kung san nangyari.
yun ang karamihan sa na eksena pag may debut. dumating din sa buhay ko ang mangarap na ganitong klaseng selebrasyon para sa aking pagdadalaga kaso dahil sa mahal ng tuition ko at nanganganib ako sa anatomy and physiology. eh naawa na ako sa nanay ko sa bahay na lang ako nag celebrate kasama ang aking mga Kapamilya.
madami pang maliit na issue tungkol sa debut kaso maliit lang naman yun kaya hindi ko na isinulat tinatamad na din akong tumipa eh. siguro sa susunod na lng ulet iyong iba. pag sinipag na ako(kailan kaya un....ewan ko...hahahaha).hanggang sa susunod mga bata!!!
salamat mga kababayan ko!!!
taos sa atay akong nagpapasalamt sa inyong mga comment. natutuwa ako at may sumusoporta sa aking mga pinagagawa dito. wah kayong mag alala patuloy akong magkakalap ng impormasyon tungkol sa mga kababaihan para mai share ko sa inyo. o sya sige sulat lang ako ng sulat hanggang sa rayumahin na ako. sana patuloy kayong mgabasa nito.
mga kwentong kakaibahan po at your service
simpleng manyakis
Karamihan ng mga ito ay sa mga pampublikong sasakyan. Ganun talaga ang mga SM bawat may pagkakataon eh su2nggaban tlaga.Halimbawa sa bus at MRT, usually kasi pag rush hour punuan di ba at ung mga SM na yan ay pasimpleng ididkit ang manoy nila sa mga babae o kaya nman ay pasimpleng hahawakan ang likuran ng mga girls. sympre iyong iba na girlaloo ay hindi na mgarereact kasi nga siksikan eh. magpapalusot ang SM na hindi sinasadya pero mapapansin mo halos lahat ng makadikit na babae eh ganun si SM kya sadya na talaga iyon diba.
Sa jeep, sympre siksikan din diba,kunwari yang SM na kukuha ng pamasahe. eh di deadma si Girl, siksikan eh kaso uulit ulit yun ni SM kunwari pa din na may kinukuha sa bulsa pero iyong kamay na nasa bulsa o iyong siko ay tumatama na sa kay girl. pasimple pa talaga eh.
Eto pa, kunwari si SM ay matutulog sa jeep kunwari pagod eh, tapos ang ulo ay babagsak sa dibdib ng babaeng katabi nya. grabeh diba. iba iba talaga sila ng style.O kaya naman ay naka halukipkip ang kamay sa dibdib ni SM kasi nga tulog yun pala style yun para makiskis ang kamay sa gilid ng boobs na katabing babae.
Madami pang kwento ng mga pasimpleng maniac na yan. at bawat opportunity ay ginagawa para makapang hipo. May satisfaction ata sila s mga ganun. Sa mga pampublikong sasakyan talaga ito mapapansin at minsan hindi din makakapagreact si Girl kasi nga eh iniisip nya na hindi yun sinasadya pero dahil alam ko na ang mga karakas ng mga ganito iniiwasan ko talaga or bumababa talaga ako ng sasakyan dahil alam ko naman ang galaw ng sinasadyang hawak sa hindi...
Thursday, April 10, 2008
inggitera kasi ko noh!!!
Sunday, March 30, 2008
2nd blog
ndi ako nalulungkot dahil wala na ko pera...kc mamiss ko ang mga bonding moments s station pti n ang chikahan during endorsement...ang mga buruan at kulitan...
s loob ng tatlong buwan mdmi n kong ntutuhan...makisama sa mga seniors...s mga doctor...s med tech... ...sa mga helper...sa mga bantay ng pasyente at mismong s pasyente... lumakas ang loob ko...ntuto akong magtry kahit na nakakatakot...ang pag communicate s iba ng maayos ksma na din dun... grabeh mahirap magadjust pero kung kailan nakpag adjust n kaming lahat tska p mttpos ung contract...hay buhay...minsan talaga kailngan ng katapusan...
ndi lng pera ang dahilan kung bakit naging masaya ko s AGH(angono general hospital) yun ay ang nakilala ko ng mga bagong kaibigan...natuto ako at naging maayos ang relasyon ko sa mga katrabaho ko...
matatapos n bukas ang kontrata pero ang samahan? patuloy yun s pagtakbo...
Nasaan nga ba si Mr. Right?
Kumusta naman sa aking mga followers? Meron pala ako nun. Grabeh ngaun ko lang nalaman. Kasi naman ang tagal ko din nawala sa blogsperyo at ...
-
KABIT- pangalawa, hindi legal, walang karapatan... Sino nga ba ang may kasalanan?? Ang kabit ba o ang taong may kabit? Sa totoo hindi ko ala...
-
pag dating ng 17 excited na ang mga girlaloo ay excited na ang mga bruha dahil nalalapit na ang taon na sila ay magiging ganap na dalaga na....